Chapter 6

4.8K 140 4
                                    


NAIBATO ni Rubick ang nahagip na bote ng mineral water sa dingding ng silid. Sumabog ang plastic bottle sa lakas ng impact. Bumaha ang laman noon sa tile floor.

Naiinis siya. At hindi niya alam kung saan siya naiinis. Sa kanyang sarili siguro.

Hindi yata tama na sinabi niya ang lahat ng iyon kay Lahynna. Patunay lang kasi ng paghakbang nito palabas ng silid na tama nga ang hinala niya. Naaawa lang ito sa kanya kaya ito naroroon. At hindi niya gusto ang pakiramdam na kinakaawaan. Lalong hindi niya gusto na iyon ang dahilan kung bakit lalapit sa kanya ang dalaga.

Mas gusto pa niya na magpatuloy nalang ang routine niya nitong nakaraan. Civil lang sila sa isa't-isa dahil nababalot sila ng awkwardness. Habang siya, malaya naman niya itong mapapagmasdan mula sa malayo.

Matagal niyang pinangarap si Lahynna. Ang totoo, tanggap niyang hanggang pangarap lang si Lahynna. Pero nabuksan ang pagkakataon at mabilis na sinunggaban niya iyon. Sino ang hindi? Gusto na rin naman niyang matapos ang pagnanais niyang mapalapit sa dalaga.

Nagbago siya dahil kay Lahynna. Nawala ang mga bisyo niya at sinimulan na ding ituwid ang buhay. Ginusto niyang umangat at bumangon dahil gusto niyang makalapit rito na hindi nai-insecure. May bonus pa. Dahil hindi lang sila basta naging malapit. Naging magkaibigan sila. Pero hindi na siya natahimik nang magsimula silang tawirin ang hangganan nila. Bigla-bigla nalang itong pumapasok sa isip niya. Mas madalas kesa dati. May pagnanasa at wala. Parati niya itong nakikita sa imahinasyon niya. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya kung hindi siya gagawa ng mga bagay na makaka-distract sa kanya sa pag-iisip patungkol rito.

Hindi na rin naman siya maaaring maglalapit rito dahil sino ba siya? Anak lang naman siya ng mag-asawang may hindi magandang reputasyon sa bayan nila. He had nothing to offer for her. Lalo pa, nakumpirma niya kung gaano kabulok ang mga pinaggagagawa ng mga magulang niya.

But he took her innocence. Sabihin nang pareho nilang ginusto ang nangyari pero hindi niya inaasahan na dalisay si Lahynna. Sa tinagal at inilalim ng relasyon nito kay Szade, hindi niya inasahan na inosente pa din ang dalaga. Lalo pa at naramdaman ni Rubick kung gaano ito ka-willing na ibigay ang sarili sa kanya... ng walang kahit katiting na reserbasyon.

Yet, he was grateful she didn't give herself to the brute.

"Dude?" Ang pagbukas ng pinto at pagpasok si Lanryd ang pumutol sa pagse-self-pity niya. "Nag-away ba kayo ni Ate? Bakit nasa labas lang siya? Nung tanungin ko, biglang umalis."

Tumango siya. "Pinaalis ko siya."

"Bakit?"

Tumitig siya ng matiim sa kaibigan. "Hindi naman niya dapat na pinag-aaksayahan ng panahon ang katulad ko. I don't deserve her time."

"You don't deserve her, yet." Nasa tono ni Lanryd ang pagtatama sa kanya. "Kung gusto mong maging karapat-dapat sa ate ko, then prove us. Stand up and make us proud. Make yourself be worthy with my elder sister. Move. Stop being stagnant."

Mas matanda siya ng anim na taon kay Lanryd sa edad nitong disi-otso pero kung magsalita ito ay tila mas matanda ito kesa sa kanya. Mas malalim itong mag-isip at tumingin sa mga bagay-bagay.

Maybe, because he's... right?

He didn't grow the way he should. Kung nag-improve man siya, hindi sapat. Dahil binabalik-balikan niya ang nakaraan na sumisira sa kanya. He didn't deal with the situation in a mature way. Tama si Lanryd. He became stagnant.

NAALIPUNGATAN si Rubick bandang alas-dos ng madaling araw. Mukhang tulog na ang lahat dahil wala na siyang naririnig na ingay mula sa labas. Tapos na sigurong mag-inuman ang kanyang mga kamag-anak. Bumangon siya mula sa kama. Nakakaramdam siya ng panunubig at nagkataon na ang silid na gamit niya ay walang sariling banyo.

Love, Trust And Brokenhearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon