A/N:
Baka po magtaka kayo na nasa library niyo ito. Ito po yung dating FIERY LUSTFUL NIGHTS. Ini-revise ko lang po at pinalinis ang mga bed scene pati mga eksena para mapaganda. Madami din po akong idinagdag. Dito palang sa Prologue, makikita niyo na na may mga binago ako. Sana po ay magustuhan ninyo.
Maraming Salamat. :-)
PABABA si Lahynna sa front porch nang marinig niya ang pamilyar na ingay na nagmumula sa may lawn area.
And surely, doon na naman nakatambay ang grupo sa malawak na grounds nila. Napansin niya ang bente anyos na bunso at nag-iisang kapatid na si Lanryd na nagmamadaling lumabas ng bahay dala ang bowl ng potato chips. Ang mga magulang nila? Well, malamang na pumasok na ang Papa nila sa trabaho. Head researcher iyon ng isang process food company. Ang Mama nila, malamang na naglalaba."Anong meron?" Inginuso ni Lahynna ang direksyon ng lawn.
"Ah, may tournament ng DOTA 2. Kasama 'yung team namin sa championships."Namilog ang mga mata ni Lahynna sa excitement. "Talaga?"
Tumango si Lanryd at mabilis na siyang iniwan ng kapatid. Nagtatakbo ito patungo sa lawn. Malamang na excited din sa tournament. Ganoon naman palagi. Sa bahay nila madalas tumambay ang barkada ng kapatid. Random age ang grupo. May kaedad ni Lanryd, meron din naman kaedad niya. At merong mas matanda. Meron ding babae sa grupo nina Lanryd. At 'yun ay ang batang ina na pinsan niya, si Eina.
Pero iisa lang ang pagkakatulad ng lahat. Mga gamer ang mga iyon sa lugar nila.Wala pa rin palang nagbago...
Hindi na siya madalas umuwi sa Bohol para maiwasan na din ang masasakit na alaala. Pero kasi, mas masakit pala kapag nag-iisa.
Excited na dumeretso si Lahynna sa lawn para makinood din sa game ng grupo. Bigla ang daloy ng excitement niya. Matagal na din siyang hindi nakakapaglaro. Madami na kasing nangyari sa buhay niya nitong nakaraan. Pasalamat nalang siya at kinaya niya ang lahat-lahat na hindi inaatake ng sakit. She had an Idiophatic Dilated Cardiomyopathy. Hindi nagpa-pump normally ang dugo niya. Inborn daw iyon pero noong college na siya na-detect. Ilang beses na siyang nagkaroon ng seryosong atake at iniingatan ng mga magulang na maulit ang mga iyon. Babala na din ng mga doctor sa kanila dahil uncurable ang sakit niya. Nag-aalala ang doctor niya na baka mauwi na siya sa severe cases ng DCM.Nahinto si Lahynna sa paglalakad nang matanaw ang pamilyar na pamilyar na bulto. At napahawak nalang siya sa sariling dibdib. Magkakahalong damdamin ang nagpapahirap sa kanya sa araw-araw at hindi niya alam kung paano pa niya nakakayanan ang mga iyon.
Kanya-kanyang sigawan na ang mga naroroon sa lawn dahil sa tuwa. Siguro ay nananalo ang team."Oy, Hynna! Aba, himala na lumabas ka ng lungga mo ngayon?" bati sa kanya ni Eina.
Sandali siyang luminga sa paligid. Hinahanap niya ang baby nito. Pero si Rubick ang naabot ng kanyang mga mata. Nilalaro nito ang bata na mahigit dalawang taon na. Para siyang sinaksak ng kuntsilyo sa tapat ng kanyang puso. Anak nila dapat iyon. Siya dapat ang nasa tabi ni Rubick. Siya dapat ang kasama nito sa bahay na binili nito sa sentro.Siya dapat...
Pinilit ni Lahynna na patayin ang masamang damdamin. Hindi iyon makakabuti sa kalusugan niya. Tumayo si Rubick karga ang bata at iniabot kay Eina. He was still that tall, over six feet and standing so attractive. Still lean but she knew that behind his semi-fitted polo, were the powerful muscles on his chest and shoulders.
Dati nang maganda ang katawan ni Rubick pero sa tuwing dumadalaw ito sa DJP-Main, para bang parating may nagbabago rito. He always shows in her with so much improvement. And this recently, she noticed how perfect his sculpture is. Nag-gi-gym ba ito nitong nakaraan at naging ganoon kaganda ang katawan? Lumapad at gumanda ang hubog ng balikat nito. His skin was lightly tanned and it doubled his attraction. Tripled it with his snob and silent appearance.
BINABASA MO ANG
Love, Trust And Brokenhearts (Completed)
RomanceRepublished; Written by Gazchela Aerienne For Rubick, Lahynna is different from the women that come and go into his life. She was special. He found it out from the very first time she smiled at him. She was never a flirt. So pure and clean-the words...