Chapter 10

3.8K 118 0
                                    


"IT'S been awhile, Hynna."

Ngiti lang ang itinugon ni Lahynna kay Szade nang magkahulihan sila ng tingin matapos niyang pumasok sa Miranda's Best—ang restaurant nina Rubick na mina-manage ng mag-ina.

Medyo nag-aalala na kasi siya. Parang may nagbago kay Rubick magmula nang lumabas siya ng ospital. Mas madalas na ito sa restaurant kesa sa DJP at si Tita Miranda ang pumapalit rito.

Siguro masama pa din ang loob ng kasintahan sa kanya. At idinadaan nito sa paggiging missing nito madalas. Halos wala na kasi itong panahon sa kanya. Kung dati ay dumadaan ito sa bahay nila bago dumeretso sa trabaho at isinasabay siya, at ganoon din sa gabi, bago umuwi sa bahay ng mga ito, biglang nagbago na. Alin nalang sa dalawa, sa umaga o sa gabi lang ito dadaan. Tinatawagan nalang siya nito para ipaalam kung nasaan ito. Pinigilan niya ang sarili na sumama ang loob. Karapatan naman ni Rubick na magtampo sa kanya. Sinaktan niya ito.

Pero nasaktan din naman siya. Na-guilty siya ng husto. Lalo pa at wala siyang ginagawa para ayusin ang tampuhan nila. Maging ito man. Kaya nagdesisyon na siyang i-surprise visit si Rubick sa restaurant. Nag-undertime ang dalaga sa trabaho.

But it turned out na siya ang na-sorpresa. Naroroon si Szade, costumer ng Miranda's Best kasama ang isang magandang babae na may malaking umbok sa tiyan. At gusto yata niyang mainggit at mag-self-pity. Szade had his pregnant wife. Magkakapamilya na ito, anytime soon.

"Yeah." Pilit ang ngiting sambit niya sa dating kasintahan at saka binalingan ang babaeng kasama nito. "You must be the wife?"

Ngumiti ang babae. "Soon." Tugon nito. "Nauna kasi ang baby." Dagdag pa nito na sinundan ng tawa. Inabot naman ni Szade ang kamay ng babae at marahang pinisil.

Szade must love the woman really. Hindi siya makaramdam ng kahit na ano sa nakikita. She was happy for them but part of her wants to get envied.

Naalala na naman kasi niya ang eksena noong bago siya lumabas ng ospital. Nagbibiro lang naman ang kanyang ina nang magtanong sa doktor kung pwede na ba siyang magbuntis.

'That was not a good idea. Ang mga may Idiopathic DCM na nagbubuntis ay at risk sa thromboembolic complication. Kapag nagbubuntis ang pasyenteng may ganiyang kondisyon ay kino-consider namin ang termination of pregnancy.'

Pakiramdam ni Lahynna ay dinaganan siya ng napakalaking bato sa kanyang dibdib pagkadinig roon. Eksakto namang pumapasok si Rubick sa loob ng hospital room. Narinig nito ang mga paliwanag ng doktor at hindi niya kayang tingnan ang reaksyon nito. Gusto nito ng maraming anak. Kailan lang ay sinabi nito iyon. Tapos ay ganito kasamang balita ang bubungad rito.

Natakot na siyang makita ang disappointment sa gwapong mukha ng kasintahan. Baka... baka hindi niya kayanin ang self-pity at insecurity.

'Pero, Doc, di po ba, may mga katulad niya ang heart condition na nagkaroon naman ng anak?' katwiran ng kanyang ina.

'Yes. Pero iba ang kondisyon ni Lahynna. Nagkaroon na siya ng malalang atake...'

At nagsimula na naman ang doktor na magpaliwanag ng patungkol sa kalagayang medikal niya na halos hindi na niya naunawaan. O tamang sabihin na ayaw niyang unawain. Gusto niyang mag-self-pity pero pinigilan niya ang sarili nang maramdaman ang isang kamay ni Rubick na malambing na pumipisil sa kanyang balikat.

Nagsimula siyang mangamba na baka hindi na dumating ang araw na yayain siya ni Rubick na magpakasal. Siyempre, sino ba namang lalaki ang gugustuhing kumuha ng asawang hindi ito kayang bigyan ng maski maliit lang pero buo namang pamilya?

Love, Trust And Brokenhearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon