WALANG ganang nagmamasid si Lahynna sa paligid mula sa floor to ceiling glass panel wall. Abala ang lahat sa pagsososyalan sa birthday ng matandang De Juego pero siya ay mag-isang umiinom sa isang bahagi ng receiving area. Nasa labas ang party pero nagkukuta siya roon sa loob. Wala naman sana siyang balak na pumunta sa party kung hindi lang siya personal na pinuntahan ng celebrant sa departmet nila at kinumpirma na pupunta siya. Nakahiyaan na niya ang boss.
At gusto niya ngayong magsisi. Dahil naroroon din si Rubick. At ang mag-ina nito. Napakasakit at napakahirap makitang masaya ang tatlo. Samantalang dapat ay maging masaya na rin siya para sa mga ito.
Pero paano siya magiging masaya kung sa bawat tao roon, ang ipinapakilalang mag-ina ng kanyang asawa ay si Eina at Rain. Hindi pa naaaprobahan ang annualment nila pero kung kumilos ang pinsan ay parang ito na ang legal na asawa.
"Bakit mag-isa ka rito?"
Mula sa pagkakasalampak sa couch roon sa recieving area ay napaunat ng upo si Lahynna at inayos ang sarili. Malapad ang ngiti sa kanya ni Lax, ang new hired lab analyst. Natutuwa siya sa lalaki dahil friendly ito, sa labas o sa loob man ng trabaho. Gumanti ng ngiti si Lahynna.
"Well, hindi ako mahilig sa party. Nahiya lang ako kay boss kaya ako pumunta rito."
Napatango-tango si Lax at iniangat ang sariling baso na tila nag-aanyaya ng toss. Nagbigay naman si Lahynna saka tahimik na sumimsim sa sariling baso. Ang lalaki ay nanatiling nakatitig sa kanya.
"Nasabi ko na ba sayong napakaganda mo, Lahynna?" Tila hindi nakapagpigil na sambit ni Lax.
She smiled at him and raised her right hand to show her wedding ring. "Oh, right!" Nanghihinayang na napaungol ang lalaki. "So, totoo na you are married? And on process ang annualment?"
"Nakikinig ka pala sa tsismis."
"No. I just overheard dahil madalas na pag-usapan ka ng ibang lab analyst kapag break time."
Mapait na napatango-tango nalang si Lahynna. Kaya nga hindi niya i-expose ang totoo sa DJP-main dahil alam niyang magiging pulutan siya ng tsismisan. Ayaw niyang kaawaan siya o di kaya ay husgahan ng mga ito ang asawa. Eto nga na hindi naman niya ginagamit ang apelido ni Rubick pero hindi pa din siya nakaligtas sa tsismisan.
Naramdaman ni Lahynna ang isang mahinang tapik sa kanang balikat. "It's okay. Ganoon talaga ang magaganda, parating pinag-uusapan. Parang showbiz." At binuntutan nito ng tawa ang sinabi.
Siguro para pagaanin ang loob niya. She was so thankful there was someone like Lax who was willing to accompany her. Nababawasan ang pagseself-pity niya kapag nakikita ang bagong pamilya ni Rubick.
Natawa nalang din si Lahynna. "Hindi ako maganda. Cute lang."
"Humble ka pa, pareho na din yun." At tumatawang nakipag-toss ito ulit sa kanya.
"Hindi ba nasabi ko na sayong hindi ka dapat umiinom ng alak?! Nasa first trimester palang ang baby natin at gusto mong maapektuhan iyan ng iniinom mo?"
Napasinghap si Lahynna nang marinig ang dumadagundong na boses mula sa kanyang likuran. Napalingon siya roon at ganoon nalang ang ngitngit niya nang makitang lumalapit ang salimot na gwapong mukha ng asawa. Kitang-kita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. Napatayo ng hindi oras si Lahynna habang malalaki ang hakbang na lumapit si Rubick sa kanila.
"What the—"
"What the hell, Lahynna! Hindi porke party ito ay papayagan na kitang uminom. I am just concerned with the baby!"
Ikinalito ni Lahynna ang mga pinagsasabi ng asawa. Hindi siya buntis kaya bakit umaarte ng ganito si Rubick? Napansin niya ang biglang paglayo ni Lax at noon niya naintindihan ang gustong mangyari ni Rubick. Ipinapahiya siya nito sa kausap.
BINABASA MO ANG
Love, Trust And Brokenhearts (Completed)
RomanceRepublished; Written by Gazchela Aerienne For Rubick, Lahynna is different from the women that come and go into his life. She was special. He found it out from the very first time she smiled at him. She was never a flirt. So pure and clean-the words...