Chapter 1

10.3K 204 2
                                    

A/N:

Sana po ay buuin niyo ang pagbabasa maski pamilyar ang mga eksena dahil may mga binago po ako diyan. At para din hindi kayo malito kapag nabasa niyo na ang mas malaking pagbabago sa pahuli. Nasa huli kasi ang iba pang twist and turns pero apektado ang mga naunang chapters.

NAPATILI ng malakas si Lahynna nang madulas sa maputik na pilapil. Nakakainis naman kasi itong kapatid niya. Sa halip na tulungan siyang maghanap ng bulate na gagamitin niya sa activity niya sa school bukas, hayun at matapos siyang ihatid sa karatig-bayan ay pinabayaan na siyang mag-isang pumunta sa palayan dahil naging abala na ito sa pakikipag-bonding sa mga pinsan nila.
Pwede naman siyang sa garden nila maghanap ng bulate pero gusto rin kasi niyang makadalaw sa kanyang lolo at lola kaya isinabay na niya ang pagkuha ng bulate sa bukirin. Nagsilbing alibi nalang niya iyon para makadalaw sa kanyang mga lolo at lola. At gusto rin naman ni Lanryd na sumama kaya nagprisinta itong ihahatid siya.
Papatayo na sana siya nang maramdamang may humihila sa braso niya. Napabaling siya sa kung sinong umaalalay sa kanya para makatayo.
At nahigit nalang ang kanyang hininga nang mapagmasdan kung gaano kagwapo ang nilalang na iyon na nagmagandang loob na alalayan siya. Maputi at makinis ang mukha nito. Had that beautiful pale red lips. A turned-up nose that compliment his handsome face. Bagaman messy ang medyo mahaba nitong buhok ay bumagay naman iyon rito. She couldn't decide if he just awaken or what. Mamula-mula kasi ang mga mata nito. But they were like jewels, glittering in the light of the sun.
Nginitian niya ito sa kawalan ng masabi. Nakaka-speechless naman kasi ang kagwapuhan nito.
Grabe!
"Madulas sa parteng ito, Miss. Kung hindi ka nga mag-iingat, mahuhulog ka sa putikan." Anito sa walang damdaming tinig.
Nagulat pa siya nang matapos siya nitong maitayo ay hinugasan nito ang paa niya mula sa creek ng patubig sa palayan na di naman malayo sa kinaroroonan niya.
"S-Salamat." Nasambit nalang niya at muli itong nginitian.
Sandali itong tumitig sa kanya. Tila may kung anong interesanteng nakikita mula sa mukha niya. Baka naman may dumi siya sa mukha.
"Hindi ka taga rito. Ngayon lang kita nakita."
"Ah, oo. Taga sentro ako. Pero 'yung lola namin, taga rito. Nagpasama lang ako sa kapatid ko para kumuha ng kakailanganin ko para sa activity namin bukas." Iniangat niya ang clear glass container na may lupang laman. "Kailangan ko kasi ng bulate."
Sandaling kumunot ang noo ng lalaki. At kahit hindi niya maunawaan ang ekspresyon sa gwapo nitong mukha ay nagugustuhan pa rin niya itong panoorin. He has something that stirs her curiousity.
"Sige, tutulungan na kita."
At wala itong pasabing lumusong sa maputik na parte ng palayan. Wala rin itong kiyeme sa paghahalungkat sa lupa para maghanap ng bulate. Nang magtangka siyang lumusong na rin ay pinigilan siya nito.
"Ako nalang. Diyan ka na."
Tututol pa sana siya nang magsalita ito ulit.
"Mapuputikan ka pa. Kulay puti pa naman ang shorts mo."
Wala na nga siyang nagawa kundi intayin nalang ito roon sa pilapil na kinatatayuan niya. Curiousity over flow her. Nagtataka siyang tinulungan siya nito maski di naman siya nito kilala.
"Mas maganda kung doon sa mamasa-masang lupa ka lang maghahanap. Bihira kasi ang bulate sa putikan." Suhestiyon niya.
"Sige, doon tayo." May itinuro itong lugar.
Naghugas ito ng paa at kamay sa creek saka nagpatiunang maglakad. Sumunod lang naman siya sa lalaki. May nadaaanan silang dampa. Siguro ay pahingahan nang nagsasaka ng bukirin na iyon.
"Dito ka nalang. Ako na ang magbubungkal." Sabi nito.
Pero sumunod pa rin siya rito. Nang lingunin siya nang lalaki ay nahinto siya sa paglalakad. Tumigil nalang siya roon sa may pilapil.
Kung may ilang minuto rin bago ito nakahanap ng isa. Maliit at payat nga lang. Nang lumapit ito ay binuksan niya ang dalang container para mailagay nito roon.
"Ilan ba ang kailangan mo?" tanong pa nito.
"Mga tatlo sana. Para kapag namatay bago ang activity, may reserba pa ako."
Muling bumalik sa taniman ang lalaki. Ingat na ingat na may matapakang nakatanim na palay habang nagbubungkal. And it fascinated her. Hindi ito maarte na wala itong pakialam na maputikan. Samantalang, sa kinis ng kutis nito, nahuhulaan niyang hindi ito anak ng magsasaka na sanay magbungkal ng lupa.
"Hindi ba tayo papagalitan rito? Baka mawasak ang mga tanim." Malakas na tanong niya sa nagbubungkal na lalaki.
Sandali itong lumingon sa kanya. At parang nais huminto sa pagpintig ng puso niya nang mula sa malayo ay para bang nag-iba ang anyo ng lalaki. Napakagwapo nito lalo habang nililipad ng hangin ang medyo mahabang side bangs nito. Namumula ang makinis na pisngi nito sa tama ng liwanag ng araw.
Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti habang tila naeengkanto sa pinapanood na magandang tanawin. Ang sarap nitong panoorin. Lalo na kapag bumabakat ang katawan nito sa suot na medyo hapit na t-shirt sa tuwing kumikilos ito. Parang isa sa mga sundalo sa koreanovelang Descendents Of The Sun, hindi niya tuloy mapigilang kiligin sa kanyang sariling pantasya.
At ang mas nakakagwapo rito ay ang katotohanang hindi nito alam o wala itong pakialam kung gaano ba ito kagwapo sa paningin niya ng mga sandaling iyon.
"Kilala ko naman ang nagsasaka rito. Hindi tayo pagagalitan." Pag-a-assure nito sa kanya.
Nanahimik lang si Lahynna. Hindi inaalis ang mga paningin sa anyo ng lalaki. Dahil kahit utusan niya ang sarili na tigilan ang pagmamasid rito, hindi niya magawang sumunod. It was as if, something enchanting ruled her to watch him all day. At wala siyang balak na pahindian ang isang magandang uri ng utos.
He is a hottie!
Ilang sandali pa at may dala na ulit itong bulate. Dalawang malalaki. Ang lapad ng ngiti niya sa katuwaan. Kung dahil sa bulate o dahil lumapit na ulit ito sa kanya, di niya alam.
Abot-abot ang pagpipigil niya sa sariling mahaplos ang makinis na mukha nito. Bakit ganoon nalang ang atraksyong nadarama niya? Dahil ba ganon ito kagwapo na kahit sinong babaeng nasa edad niya ay di maiiwasan ang kakaibang charm nito?
Sinikap niyang ibalik ang atensyon sa container. Mas gusto niya na malalaki ang ida-disect niya para mas madaling i-identify ang mga parts.
"Nice! Thank you!" tuwang-tuwang sabi niya.
Tumalikod lang ito sa kanya at dumeretso sa poso para maglinis ng maduming kamay at paa.
Pansin naman niyang nahihirapan ito dahil pagkakabomba ng tubig ay saka ito sasahod kaya lumapit siya sa poso at ipinagbomba ito ng tubig. Wala itong salita habang naglilinis ng paa at kamay.
"Thank you ulit, ha?" sambit niya matapos.
Tumango lang ito. Bakit ba parang napakahirap para rito ang ngumiti? At parang napakamisteryoso nitong tao. Walang kaemo-emosyon.
"Taga rito ka ba?" tanong niya.
Naglakad ito patungo sa kubo. Naupo sa mahabang silyang kawayan sa harapan ng dampa.
"Oo, isang taon na din kami rito."
Napatango-tango siya. Kung ganoon ay bago lang pala ang mga ito roon.
"Ang sarap ng hangin dito sa bukid, ano?" sa kawalan ng masasabi ay sambit nalang niya. Ayaw pa niyang umalis. Gusto pa niyang makipagkwentuhan rito maski obviously, wala itong balak na kausapin siya.
Napapikit pa si Lahynna nang umihip ang malinis na hangin at humalik sa kanyang mukha. Ramdam niya ang magaang paglipad ng lagpas balikat niyang tuwid na buhok. Pinuno niya ang baga ng sariwang hanging-bukid.
Nang muli siyang magmulat ng mga mata ay hinding-hindi niya makakalimutan ang pagbabawi ng tingin ng lalaki. Pinapanood ba siya nito habang ini-enjoy niya ang sariwang hangin? At bakit pumipitlig ang karne sa loob ng dibdibn niya?
"You should try to breath fresh air." Nakangiting sabi ni Lahynna rito.
Kung para kabigin ang sarili o dahil wala nalang talaga siyang masabi. Damn! The guy was so attractive she could stay looking at him all day long!
"Para naman ma-refresh ka at matutunan mo na ding ngumiti."
Mahinang napasinghap si Lahynna nang walang babalang nagpakita ang bagay na kanina pa siyang nacu-curious makita. A little smile stripped his beautiful thin lips. At para bang sa paningin niya ay sumilip ang maliit na liwanag sa makulimlim na mundo.
He did really smiles. At bagay pala rito ang nakangiti kesa pokerfaced. Though masasabi niyang gwapo talaga ito sa kahit anong anggulo at kahit anong emosyon.
"There, you should smile more. Masarap maging masaya."
Parang nais niyang sampalin ang sarili na pinuna pa niya ito dahil agad na napawi ang maliit nitong ngiti. He came back being a pokerfaced.
Kung bakit ba kasi hindi niya mapigil ang sarili na punahin ang mga nakikita?
"There was no reason for me to smile. So why should I?"
Hindi niya maunawaan ang sarili. Bigla kasing bumigat ang loob niya pagkarinig sa malungkot na tinig mula rito.
Gusto sana niyang itanong kung bakit ito nawalan ng dahilan para ngumiti samantalang ang manatiling buhay sa ibabaw ng lupa ay isa nang bagay na dapat ikatuwa.
Pero sino siya para panghimasukan ang pagtingin nito sa mundo? She didn't know what he was going through. At wala rin siya sa lugar para panghimasukan ang bagay na iyon.
Kaya lang...
Gusto niyang malaman. Gusto niyang alamin. Hindi naman siya ang tipo ng tao na may pagka-interloper pero sa pagkakataong ito...
"Hynna!!!"
Napalingon siya sa malakas na boses na tumatawag sa kanya. Si Jane na papalapit roon sa dampa. Kapitbahay ito ng mga grandparents niya at kalaro niya kapag bakasyon noong mga bata pa sila. Kababata sa maigsing salita.
Sandali pa at tumatakbo na si Jane palapit sa kanila. Ang malapad na ngiti nito ay biglang nawala. Sumeryoso ang mukha.
"Umuwi ka na daw, sabi ng Lola mo. Kanina ka pa hinahanap nina Lanryd." Sambit nito pagkalapit sa kanya saka siya hinila sa braso.
"Ah, oo. Nanghuli lang kami ng bulate." Binalingan niya ang lalaking wala nang pakialam na nakamasid sa malawak na palayan.
"Thank you ulit."
Sandali itong bumaling sa kanya at tumango saka muling inilayo ang mga paningin.
Hila-hila naman siya ni Jane at para bang nagmamadali pa ito. Gusto pa sana niyang magtagal sa kubo pero parang kulang nalang ay itakbo na siya nito palayo roon na para bang may nakakatakot na bagay sa kubo. Nang makalayo na sila ay saka siya nito sinita.
"Bakit kasama mo si Rubick?" Mariin ang tono ni Jane.
"Ha?"
"Si Rubick. Yung lalaking kausap mo."
Ah. Ni hindi niya naitanong ang pangalan ng lalaki. Kung hindi pa sinabi ni Jane ay di pa niya maiisip iyon.
"Tinulungan niya akong kumuha ng bulate."
"Wala ba siyang ginawa sayo? Hindi ka ba niya sinaktan or anything?"
"Ano?" Nag-isang linya na ang mga kilay niya sa pagtatanong na iyon ni Jane. Parang eksaherada naman ata ang reaksyon nito. "Ano namang gagawin niya sa aking masama? Mabait nga 'yung tao. Tinulungan niya ako maski di niya ako kilala."
"Hmmp!" umismid si Jane. "Huwag kang papalinlang sa kanya, Hynna. Kilalang addict yan dito sa barangay. Hindi lang mahuli sa akto pero maraming nakakapagsabi."
Gusto niyang magtaas-kilay. Pero nang maalala niya na mamula-mula ang mga mata ni Rubick ay medyo napaisip na rin siya. Kaya lang, hindi niya magawang manghusga lalo pa nga at wala namang masamang ipinakita sa kanya ang lalaki. Bagkus, mabuti pa nga ang ginawa nitong pagtulong sa kanya.
"At alam mo? Yung dampa na iyon, ginagawa niya iyong dalahan ng mga babae niya. Karamihan sa mga malalandi rito sa barangay natikman na niya."
Tinampal niya sa braso si Jane. "Grabe ka naman makapanghusga?"
Kandatutol ang loob niya sa mga narinig. Malayong-malayo ang ipinakita ni Rubick sa kanya sa mga sinasabi ni Jane. Ni katiting na kabastusan ay wala siyang naramdaman nang hawakan siya ng lalaki kanina. Purong aksyon ng pagtulong ang ginawa nito. Kaya napakaimposible talaga ng mga pinagsasabi ni Jane.
"Hindi ako nanghuhusga. Maraming nakakapagsabi. He is a fuck boy, you know?"
"Hindi mo masasabi na totoo ang isang bagay kung wala ka namang matibay na ebidensya, Jane. Puro sabi-sabi lang ang alam mo."
Inirapan siya ni Jane. "Bahala ka nga. Basta binalaan na kita."
Muli niyang nilingon ang dampa na pinanggalingan at kitang-kita niyang nakamasid ito sa kanila habang papalayo sila. Muli nitong inilayo ang mga paningin sa kanila.
Bakit ganoon? Kahit alam niyang siguradong-sigurado si Jane sa mga sinasabi nito, hindi niya magawang maniwala sa kababata. Siguro dahil wala naman siyang nakita na hindi maganda patungkol kay Rubick. In fact, mabuti ang nakikita niya patungkol rito. Naniniwala siyang nami-misinterpret lang ng mga tao ang pagkatao ng lalaki. Napakamapanghusga naman kasi ng marami.
"Pero kunsabagay... ang gwapo naman nga kasi ni Rubick. Hindi siya mukhang walang kwenta. Mayaman pa." Narinig niyang sambit ni Jane sa kanyang tabi.
As they speed away, may pakiramdam siya na gusto niyang bumalik para tanungin si Rubick. Gusto niyang marinig mula sa bibig nito ang totoo. Pero para saan at gusto pa niyang malaman? Hindi naman ito ganoon kaimportante sa kanya di ba? Hindi niya kailangang gawin iyon...
MONTHS passed at nakikita na ni Lahynna si Rubick sa lawn area nila sa tuwing uuwi siya galing sa University na pinapasukan niya sa Leyte. Nalaman niyang nakilala ito ni Lanryd sa isang shop bilang DOTA player rin at inayang umanib sa grupo.
They were exchanging smiles and greetings at minsan ay nakigulo siya sa DOTA tournament ng mga ito. It was their start. Kapag babalik na siya sa Leyte ay ito ang naghahatid sa kanya. At ito rin ang sumusundo sa kanya kapag weekend. Nagugulat nalang siyang makikita niya ito sa labas ng dorm na tinutuluyan. Nakasandal sa sasakyan nito at naghihintay sa pagbaba niya. Hindi niya alam kung paanong nalalaman nito ang araw ng pag-uwi niya at maging ang pagbalik sa Leyte.
Doon niya tuluyang kinalimutan ang sinabi ni Jane. At malamang ay nagkamali lang ang mga tao sa panghuhusga kay Rubick. Kung meron mang nakikita ang mga ito na hindi maganda sa binata, hindi na niya iyon binigyan ng oras para isipin pa. Nakikita niya kung gaano kabuting tao si Rubick. And rumors were not enough to cloud her judgement. He was really such a nice guy.
She graduated with honors. At maski sa mga panahong iyon ay nakikisaya ang binata sa kanya. Together with her family na buong pusong tinanggap si Rubick.

Love, Trust And Brokenhearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon