"TARA NA?" Tanong sa kanya ni Rubick.
It was Lahynna's first day at work, being one of the Laboratory Analyst ng De Juego Pharma-Bohol. Doon siya nag-apply dahil akala niya, makikita niya parati roon si Rubick dahil sa pagkakaalala niya ay nabanggit ng kapatid na iniaalok sa binata ang management ng DJP-Bohol.
Family owned ang De Juego Pharma Corporation pero ang ama ni Rubick ang major stockholder, President at CEO ng kompanya.
At kanina lang niya nalaman na mali pala ang inaasahan niya. Wala sa DJP si Rubick. May gap ang binata sa ama na ngayon ay sa Cebu nakatira. Yes, hiwalay ang parents nito at si Rubick ay sa ina tumitira.
Ang totoo, wala siyang masyadong alam sa pribadong buhay ni Rubick. Hindi naman kasi ito nagkukwento kapag magkasama sila. Siya ang madalas na magkwento at taga pakinig naman ang binata. Hindi din siya nag-i-stay sa kanila dahil sa Leyte siya nag-aaral. Siguro ay ngayon palang dahil doon na siya magtatrabaho sa bayan nila.
Pero kaninang nabanggit ng ina na isang malaking hamon kay Rubick ang pagtuntong sa DJP, noon niya nalaman ang lahat. May malaking sama ng loob si Rubick sa ama. O baka nga nauwi na iyon sa galit.
Kaya ipinagtataka niyang naroroon na naman ang binata at hinihintay siya.
"Your first day. Baka ma-late ka." Nakangiting sabi ni Rubick na ipinagbukas siya ng passenger door ng Audi nito.
Lihim na napasinghap si Lahynna habang naglalakad palapit sa sasakyan. Pasimple niya ring sinaway ang pusong kumakabog ng malakas na palagay niya ay epekto ng gwapong ngiti nito. At nitong nakaraan ay tila nagiging normal na pakiramdam nalang iyon. Kailan ba siya unang naapektuhan ng ngiti ni Rubick?
Hindi niya alam. Matagal na naman nitong taglay ang heart-stealing smile na iyon.The guy was a looker, really. He was six feet tall, her height might reach just his broad shoulders. Having wide chest she wanted to feel with her hands, strong long arms. Tall, lean.. and...
Oh! Hindi pa din nagbabago ang assessment niya sa anyo nito. Kasing gwapo pa din ito ng mga Koreanong napapanood niya sa mga paborito niyang Korenovela. Ganoon nalang ang pagpipigil niya sa sariling mahaplos ang gwapo nitong mukha. Dinaig pa nito ang kutis niya.
Hindi tuloy alam ni Lahynna kung maiinggit rito o hahangaan iyon. Pinili niya ang huli. Kahanga-hanga naman talaga sa isang lalaki na magkaroon ng ganoon kakinis na kutis.
"May gusto akong itanong, Rubick." Aniya habang binabaybay na nila ang kalsada.
His masculine scent was so disturbing. Kaya yata ni minsan ay hindi niya naisip magbuklat ng patungkol sa pribado nitong buhay. Hindi lang dahil sa respeto kundi dahil sapat na ang maramdaman niya si Rubick sa tabi niya para mawala siya sa huwisyo at makalimutan ang lahat."Ano 'yun?" Sandali itong bumaling sa kanya at matipid na ngumiti.
Pero kabaligtaran ng katipidan ng ngiti ang epekto noon sa kanya. Parang inapawan nito ang puso niya, just by throwing her a handsome smile. Why, he really had that effect on her? Mabuti nalang at nakakaya iyong i-handle ng may diperensiya niyang puso.
"Totoo ba na tinanggihan mo ang pagma-manage sa DJP-Bohol?"
Nagtiim-bagang si Rubick. Napansin rin niya ang paghigpit ng hawak nito sa manibela. Pero matapos ang ilang sandali ay lumuwag rin iyon. She was puzzled.
"I'm managing my mother's food business, remember? Palaging wala si Mommy." Mapait ang tinig ni Rubick at nararamdaman niyang may itinatago itong sama ng loob. "Alam mo namang kahit noong nag-aaral palang ako, inaasikaso ko iyon para hindi tuluyang mawala sa amin."
Ang bigat sa pakiramdam habang naririnig niyang sinasabi iyon ni Rubick. Kamuntik mawala sa mga ito ang negosyo dahil napabayaan ng ina. Bente anyos lang ito nang pakialaman ang pagma-manage. Sa mga panahong iyon ay nakilala na ito nina Lanryd at nakasama na sa grupo. Hindi niya alam kung paano nitong na-manage ang oras sa paghawak sa negosyo, pag-aaral at pagsali sa DOTA tournament. Pero bilib siya sa naging time management nito. Idagdag pang nang maging malapit sila ay hindi ito nawawalan ng oras sa kanya. And now, he was solely managing the business for more than three years.
BINABASA MO ANG
Love, Trust And Brokenhearts (Completed)
RomanceRepublished; Written by Gazchela Aerienne For Rubick, Lahynna is different from the women that come and go into his life. She was special. He found it out from the very first time she smiled at him. She was never a flirt. So pure and clean-the words...