CHAPTER 21

6.8K 177 7
                                    


NAGLALAKAD-LAKAD si Lahynna sa dalampasigan. May malapit na beach sa kanilang subdivision at pinili niyang sumagap muna ng sariwang hangin bago sumabak sa giyera. This time, wala nang makakapigil pa sa kanya. Babawiin na niya ang para sa kanya.

Iniempake ni Lahynna ang mga gamit. Balak niyang umuwi ng Bohol at asikasuhin ang pagpapakansela ng annualment nila ni Rubick. Babalik na din siya sa bahay nilang mag-asawa. Sa pagkakaalam niya, nasa mansyon ng biyenan ang mag-ina ni Rubick at si Mommy Miranda ang nangangalaga. Pagkakasyahin na niya ang kanyang sarili sa oras na kaya lang ibigay ng asawa sa kanya. Nauunawaan naman niya na may obligasyon sa anak si Rubick. Kahit ganoong nagagalit siya kay Eina, hindi niya kayang idamay ang bata. Wala naman iyong kasalanan.

Nagbuntong-hininga si Lahynna at huminto sa paglalakad. Saka nagmasid sa malawak na karagatan. Ngayon niya naintindihan ang naging sitwasyon at aksyon ni Mommy Miranda noon. At hindi niya masabing mahina ang ginang dahil hindi makapag-let go. Siya ang naging mahina dahil mabilis siyang sumuko. Mahal niya si Rubick pero mabilis siyang bumitaw. Pero si Mommy Miranda, kahit nalaman nito ang pagtataksil ng asawa, hindi ito basta bumitiw. Siguro, dahil sobrang mahal nito ang asawa. At isa pa nga, ayaw nitong masira ang pamilya. Pero dumadating nga pala sa hangganan ang lahat.

Gusto na niyang putulin at itapon ang lahat ng insecurity na lumalamon sa kanya sa mahaba-haba ring panahon. Handa na siyang mabuhay at tanggapin kung ano lang ang kaya niya. Basta huwag mawala sa kanya ang asawa.

"I'm sorry, babe..." Mabigat na bulong niya sa hangin. Nandoon na lahat ng pagsisisi niya sa mga maling naging desisyon. Gusto rin niyang iiyak lahat ng sakit at ubusin, ipatangay sa hangin. Para kapag bumalik at humarap siya sa asawa, ang dating Lahynna na ang makikita nito.

She couldn't wait to get her husband back.

"Belle..." Kasabay ng malumanay na tinig ang pagbundol ng matigas na bagay sa kanyang likuran at ang pagpaikot ng matitigas na braso sa kanyang bewang.

Napasinghap si Lahynna nang maramdaman ang mainit na hininga ng asawa na tumatama sa balat sa kanyang leeg. Gusto niyang mapaungol sa masarap na sensasyon pero mas pinaibabaw niya ang matinong isip.

"P-Paano mo nalamang nandito ako?" Pigil niya ang sariling mapadaing sa matinding pangangailangan nang tuluyang dumampi ang mga labi nito sa kanyang leeg.

"Kanina pa kita sinusundan. Mula sa bahay ng Tita mo."

Tiningala ni Lahynna ang asawa. Magtatanong na sana siya nang unahan siya nito sa pagsasalita.

"Bakit basta mo na naman akong iniwan?" Rumehistro ang sakit at pangungulila sa mga mata ng kanyang asawa. "Alam mo ba kung gaano katinding takot ang naramdaman ko nang magising ako na wala ka na sa tabi ko? Akala ko, okay na tayo. You were whispering words of love, last night. Nagsisinungaling ka lang ba?"

Sunod-sunod na napailing si Lahynna. Nagsimulang uminit ang kanyang mga mata at sigurado siya, anumang sandali ay babagsak na ang kanyang mga luha. Kaya mabilis siyang pumaling paharap rito, inabot ang mukha ng asawa at binigyan ito ng malalim na halik. Kasabay ng pagtugon ni Rubick ang paglandas rin ng mga luha niya. Nahinto tuloy ang asawa at pinatigil siya sa ginagawa.

"Why...?" Puno ng pag-aalalang tanong nito.

Nakangiti na siyang umiling. "I was just happy I still have you. Natakot ako na baka kung kailan kaya ko nang lumaban, wala na pala akong babalikan." Nabasag ang tinig ni Lahynna. "I'm sorry, naging mahina ako. I'm so sorry, babe. Mahal na mahal pa rin kita at hindi iyon nabawasan kahit konti kahit magkalayo tayo. Pasensiya ka na kung nagpalamon ako sa insecurities ko. I'm sorry din kung naging makasarili ako at sinolo ko ang lahat. Nakalimutan ko at hindi ko pinansin na nasasaktan ka din. Sorry kung—"

Love, Trust And Brokenhearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon