Ten months later...
PABABA si Lahynna sa front porch nang marinig niya ang pamilyar na ingay na nagmumula sa may lawn area.
And surely, doon na naman nakatambay ang grupo sa malawak na grounds nila. Napansin niya ang kapatid na si Lanryd na nagmamadaling lumabas ng bahay dala ang bowl ng potato chips.
"Anong meron?" Inginuso ni Lahynna ang direksyon ng lawn.
"Ah, may tournament ng DOTA 2. Kasama 'yung team namin sa championships."
Namilog ang mga mata ni Lahynna sa excitement. "Talaga?"
Tumango si Lanryd at mabilis na siyang iniwan ng kapatid. Nagtatakbo ito patungo sa lawn. Malamang na excited din sa tournament. Ganoon naman palagi. Sa bahay nila madalas tumambay ang barkada ng kapatid at magpahanggang ngayon.
Wala pa rin palang nagbago...
Hindi na siya madalas umuwi sa Bohol para maiwasan na din ang masasakit na alaala. Pero kasi, mas masakit pala kapag nag-iisa.
Excited na dumeretso si Lahynna sa lawn para makinood din sa game ng grupo. Matagal na din siyang hindi nakakapaglaro. Madami na kasing nangyari sa buhay niya nitong nakaraan. Pasalamat nalang siya at kinaya niya ang lahat-lahat na hindi inaatake ng sakit. Ilang beses na siyang nagkaroon ng seryosong atake at iniingatan ng mga magulang na maulit ang mga iyon kaya hinahayaan siya ng mga ito na gawin ang sa palagay ng mga ito ay mas makagagaan ng loob niya.
Nahinto si Lahynna sa paglalakad nang matanaw ang pamilyar na pamilyar na bulto. At napahawak nalang siya sa sariling dibdib. Magkakahalong damdamin ang nagpapahirap sa kanya sa araw-araw at hindi niya alam kung paano pa niya nakakayanan ang mga iyon.
Kanya-kanyang sigawan na ang mga naroroon sa lawn dahil sa tuwa. Siguro ay nananalo ang team.
"Oy, Hynna! Aba, himala na lumabas ka ng lungga mo ngayon?" bati sa kanya ni Eina.
Sandali siyang luminga sa paligid. Hinahanap niya ang baby nito. Pero si Rubick ang naabot ng kanyang mga mata. Nilalaro nito ang bata na mahigit dalawang taon na. Para siyang sinaksak ng punyal sa tapat ng kanyang puso. Anak nila dapat iyon. Siya dapat ang nasa tabi ni Rubick. Siya dapat...
Pinilit ni Lahynna na patayin ang masamang damdamin. Hindi iyon makakabuti sa kalusugan niya. Tumayo si Rubick karga ang bata at iniabot kay Eina.
He was still that tall, over six feet and standing so attractive. Still lean but she knew that behind his semi-fitted polo, were the powerful muscles on his chest and shoulders. Dati nang maganda ang katawan ni Rubick pero sa tuwing dumadalaw ito sa DJP-Main, para bang parating may nagbabago rito. He always shows in her with so much improvements. And this recently, she noticed how perfect his sculpture is. Nag-gi-gym ba ito nitong nakaraan at naging ganoon kaganda ang katawan? Lumapad at gumanda ang hubog ng balikat nito. His skin was lightly tanned and it doubled his attraction. Tripled it with his snob and silent appearance.
God! What did she missed?
"Have to go. Umuwi na kayo pagkatapos ng game."
Kung magiliw ang boses ni Rubick sa bata, kasing-lamig naman ng yelo nang si Eina na ang kausapin nito. Nanatili siya sa kinaroroonan habang minamasdan ang tatlo. Kahit naka-side view ay pansin niya ang ekspresyon ng gwapong mukha ni Rubick.
Pockerfaced itong sumilip sa laro ng grupo at puno ng reservation nang magpaalam sa mag-ina nito. Sa mag-ina nito na dapat ay siya at ang anak nila. At parang gustong kumawala ng puso niya nang sandaling bumaling si Rubick sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love, Trust And Brokenhearts (Completed)
RomansaRepublished; Written by Gazchela Aerienne For Rubick, Lahynna is different from the women that come and go into his life. She was special. He found it out from the very first time she smiled at him. She was never a flirt. So pure and clean-the words...