NARAMDAMAN ni Lahynna ang pagbukas-sara ng pinto sa master's bedroom. Alam niyang si Rubick na iyon. Pinilit niyang umuwi na rin ang kanyang ina maski gusto pang samahan siya sa bahay nilang mag-asawa. Alam niyang uuwi si Rubick. Hindi siya nito matitiis.
Alam rin niya na kailangan lang nito ng panahon para sa sarili. Para maunawaan siya. Kung bakit siya nagdesisyon ng ganoon. Alam naman niya kung gaano ka-traydor ang sakit niya. Gusto niyang, sakaling mawala man siya sa mundo, may iiwan siyang buhay na alaala rito. At siyempre, gusto rin naman niyang maski paano ay matupad ang pangarap nitong magkaroon ng isang buong pamilya. Kung sandali lang iyon ay ano pa.
Naiintindihan niyang sa ngayon ay hindi pa iyon maunawaan ni Rubick. Natatakot lang ito na posibleng hindi maging maganda ang resulta ng lahat. Pero naniniwala siyang may awa ang nasa Itaas. Hindi iyon ibibigay sa kanila kung hindi para sa kanila.
Napapikit si Lahynna nang maramdaman na lumundo ang kama sa bandang likuran niya. Nakatalikod kasi siya sa bandang pinto kaya di niya alam ang mga galaw nito hanggang maramdaman ito roon sa ibabaw ng kama.
Naramdaman rin niya ang isang kamay nitong mapagmahal na humahaplos sa kanyang buhok. Pagkuway hinagkan siya sa kanyang sintido.
"I'm sorry, love..." Mahinang bulong nito sa kanya.
Bigla nalang tumulo ang mga luha ni Lahynna. Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil ramdam niya ang pagmamahal sa bawat haplos nito. Ramdam niya ang pang-unawa sa tinig nito. Para roon ay masaya siyang si Rubick ang naging asawa niya. Masaya siyang ito ang lalaking mahal niya.
Marahang bumalikwas siya ng bangon at hinarap ang bahagyang nagulat na asawa. Dim light lamang ang liwanag sa loob ng silid pero maliwanag sa kanyang mga mata na nakikita kung paanong nahihirapan ang asawa na tanggapin ang desisyon niya.
Tila may brilyanteng kumikinang sa mga mata nito at hindi siya pwedeng magkamali na luha ang dahilan ng mga iyon.
"I'm sorry din, naging makasarili ako sa desisyon ko. But I want you to understand that it is what will make us happy." Bumaba ang isang kamay nito sa pisngi niya at magaang humaplos roon. "Everything will be okay. Miracle happens. We just need to believe and have faith in Him."
Kagat-labing tumango ito. Tila pinipigilan lang ang sarili na umiyak na rin. "We have to believe." Sa pagak na boses ay sang-ayon ni Rubick.
Bumangon siya at mahigpit na niyakap si Rubick habang pinipispis ang likod nito.
"I'm so afraid to lose you, Belle. Hindi ko kakayanin. Ikamamatay ko kapag nawala ka saken..."
Naramdaman ni Lahynna ang pag-agos ng luha nito sa kanyang likod. At gustong madurog ng puso niya para sa asawa. Ramdam na ramdam niya ang paghihirap ng loob nito.
"Hindi ako mawawala." She assured him. Kahit pa hindi rin naman siya sigurado.
Dahil magmula ng maglihi siya ay dumadalas ang breathlessness niya. Hindi niya lang magawang sabihin rito dahil ayaw niyang mag-alala ito. Baka mas maging eager pa itong ipaalis ang baby nila.
"Ipangako mo sa akin iyan." Giit pa nito na mahigpit na rin siyang niyayakap.
"I promised..."
That was the promise she was sure she might break. Hindi niya alam kung hanggang saan ang kanyang buhay. Pero lalaban siya hanggang sa kaya niya. Lalaban siya para rito at sa magiging anak nila.
NAGING extra careful si Rubick kay Lahynna. Kahit anong tutol niya na kumuha sila ng stay-in maid ay hindi ito napigil. Alam niya, praning lang ang asawa. Pinahinto siya nito sa trabaho para mabawasan ang stress niya. Ayaw naman nitong maiwan siya na nag-iisa sa bahay at gumawa ng mga gawain roon. Parang ayaw na nga din siya nitong pakilusin. Gusto nito na lahat nalang ay idudulot sa kanya. Maski yata pagkain niya, kulang nalang ay subuan siya nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/66586587-288-k280403.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, Trust And Brokenhearts (Completed)
RomanceRepublished; Written by Gazchela Aerienne For Rubick, Lahynna is different from the women that come and go into his life. She was special. He found it out from the very first time she smiled at him. She was never a flirt. So pure and clean-the words...