Chapter 3

6.4K 161 5
                                    

Cover credits to ate Charizze.

MATAPOS ang mabilisang pag-aayos ay bumaba si Lahynna para lang salubungin ng nakataas ang kilay na si Lanryd doon sa sala.

"May dala kang swimsuit? Pool party yun ate, hindi debu." Anitong pinasadahan ang hitsura niya.

Narinig niyang may pool party ang grupo sa bahay ni Rubick at kahit hindi siya invited ay nagpilit siyang sumama sa kapatid. Mag-iisang linggo na magmula nang mangyari ang nangyari sa sasakyan nito. Hindi na siya sinusundo at inihahatid ni Rubick. Dumistansya na ito sa kanya at aaminin niyang sobrang nami-miss niya ang binata.

Nang magtrabaho siya sa DJP, noon niya natuklasan ang iba't-ibang chismis patungkol sa ama ni Rubick. Na madami itong babae. At ang asawang si Tita Miranda ay hindi ito pakawalan maski naghahayin na ng annualment. Hindi iyon pirmahan ng ginang, sa halip ay lagi iyong nakabuntot sa asawa. At kung anu-ano pang eskandalo ni Mr. De Juego ang naririnig niya sa mga katrabaho. Siguro, iyon ang dahilan kung bakit ayaw tanggapin ni Rubick ang offer ng ama.

Lumaki siya sa masaya at buong pamilya at hindi niya iyon ipagpapalit sa ano pa mang bagay sa mundo.

Doon palang ay naunawaan na niya kung gaano kalungkot at kasakit ang buhay ng binata. Na itinatago lang nito ang lahat sa paglilibang at pagtatrabaho.
Minsan ay nagkayayaan sila ng mga katrabaho na sa restaurant ni Tita Miranda, mag-lunch. Sa entrada ay nakita na niya si Rubick na nag-aasikaso ng bunton na papeles sa isang mesa roon sa loob ng dining. Pero nang makita siya ay sandali lang itong sumulyap at mabilis nang sinamsam ang mga papel saka pumasok sa isang pinto sa loob rin ng restaurant. At nahuhulaan na niyang opisina iyon. Minsan nalang rin ito tumambay sa kanila kasama sina Simon at ng grupo. May pakiramdam siya na sinasadya nitong dumistansya sa kanya.

Nasasaktan siya sa ginagawang pag-iwas ni Rubick sa kanya. Pero hindi niya rin alam kung tama pa bang magpatuloy ang pagkakaibigan nila matapos ang nangyari sa loob kotse nito.

Inirapan ni Lahynna ang kapatid. "Anong masama sa suot ko?"

Nakasimpleng mini dress siya na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. Flat sandals. At inilugay lang ang tuwid na buhok. Nagpahid din siya ng light make-up. Light lang naman. Tipong make-up na walang make-up. At wala siyang makitang mali roon.

Sa lalo niyang pagtataka ay ngumisi si Lanryd. "Sinong pinagpapagandahan mo ate? Si Rubick ba?"

Kinutongan niya ang kapatid para di nito mahalata ang parang nasukol na daga na reaksyon niya.

"Hindi ko kailangang magpaganda dahil matagal na akong maganda."

Makahulugan muli ang pagngisi ng kapatid sa kanya. Pagkuway sumeryoso na ito.

"Ate, masarap maging kaibigan si Rubick, pero maging boyfriend? Hassle, ate. Huwag nalang."

Hindi alam ni Lahynna kung ano ang mararamdaman sa sinabi ng kapatid. Hindi niya mapagpasyahan kung boto ba ito kay Rubick o hindi gayong pinuri nito ang lalaki pero siniraan din sa huli.

"Ewan ko sayo. Tara na nga!"

Tumalikod siya rito at hinanap ang kanilang ina. Deretso sa garden para mamaalam sa ina. Oo, nauna pa ang pag-aayos niya kesa pamamaalam. Alam naman kasi niyang papayagan siya nito lalo pa at kasama si Lanryd.

SAMBAKOL ang mukha ni Lahynna habang patungo sa comfort room bitbit ang kanyang bag na may lamang swimsuit. Paanong hindi? Kabungad-bungad nila sa pool area ay isang hindi magandang eksena ang unang-unang natanaw niya.
Eina was flirting with Rubick.
Buong akala pa naman niya ay wala nang balak mag-usap ang dalawa dahil sa kinasangkutang issue ng mga ito. Dahil kung siya naman si Eina, wala na siyang mukhang ihaharap sa lalaking tinanggihan ang kaniyang anak ng harapan at kalat pa iyon sa buong lugar nila.

Love, Trust And Brokenhearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon