Chapter 11

3.7K 115 2
                                    




"WILL YOU marry me, Lahynna Belle Polinar?"

Pagkalapit ni Lahynna sa improvised na altar doon sa dalampasigan ay iyon agad ang bungad ni Rubick sa kanya. Halos kumawala ang puso niya sa loob ng kanyang dibdib dala ng matinding ligayang nararamdaman ng mga sandaling iyon. She felt so blessed she couldn't ask for more.

"Makakatutol pa ba ako e nandito na tayo?" Kunway pairap na tugon niya.

"Ayaw mo?" Tila nais madismaya ni Rubick.

Nginitian niya ang kasintahan. Masyado siyang masaya sa mga sandaling iyon at wala na siyang mapagsidlan ng ligaya kaya idinadaan niya sa kunwaring pagsusungit.

"Gusto ko siyempre. Pero ikaw naman kasi. Bakit di mo ako ini-inform?"

Nagkamot ito sa batok. At ganoon ito kapag ninenerbiyos. He looks so cute! Ah, nauubusan na siya ng adjectives para ilarawan ang binata. He is all in one package! And she was so lucky to have someone like him.

"Gusto ko lang i-surprise ka."

"Akala ko ba, ayaw mo pang magpakasal?"

"Mas lalo namang ayokong mawala ka sa akin."

Inabot nito ang isa niyang kamay, kumikinang ang mga mata na hinarap siya. At gusto niyang matunaw sa mainit na titig ng binata sa kanya.

"Nung mag-kasagutan tayo sa ospital, nakaramdam ako ng matinding takot nang pagdudahan mo ang pagmamahal ko sayo. Sobrang takot ko na baka sa pagdududa mo, maisipan mo nalang bumitiw sa ating dalawa. Baka mainip ka kakahintay sa akin. So, I'm putting away all my pride just to prove you how much I love you. Ayoko nang magkaroon ka ulit ng kahit kakatiting na pagdududa sa damdamin ko sayo. Gusto kong paniwalaan mo ng buo na totoong mahal kita. Mahal na mahal kita. Minahal na kita noon pa mang una kitang makilala."

Nang maglandas na naman ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi ay magaan iyong pinahid ni Rubick ng mga daliri nito.

"Don't cry, please. It is our big day. Gusto kong maging memorable ito pero hindi sa paraang umiiyak ka."

"Ikaw naman kasi." Hinampas niya ito sa dibdib. "Hindi mo naman kailangang gawin ito dahil naniniwala naman ako na mahal mo ako. At mahal din naman kita."

Hindi iyon kasinungalingan. Naniniwala siyang mahal siya nito. Kung may mga sandali na nagduda man siya sa katapatan nito, iyon ay dahil wala siyang tiwala sa mga babaeng lumalapit kay Rubick. But now is the day she would officially made him hers. Forever.

At hindi na siya makapaghintay pa!

"Naisip ko na dito rin naman tayo matutuloy, e bakit ko pa papatagalin?" Natatawang sambit nito.

"Oo nga. Maigsi lang ang buhay."

Unti-unting napawi ang gwapong ngiti nito. "Don't say that."

"I'm sorry. Hindi na ako uulit."

Bumuntong-hininga si Rubick. "Pero lagi ka namang umuulit."

Ayaw nito na naririnig siyang nagkakalkula sa kung gaano katagal o kadali ang buhay. Para na din daw niyang sinabi na gusto na niya itong iwan.

"Sorry na nga." Inabot niya ang gwapong mukha nito at masuyong hinaplos. She couldn't wait to make him hers. The love of her life. Her life actually. Ito na ang buhay niya.

Inabot ni Rubick ang kanyang baba at hinalikan siya sa kanyang labi. Mawawalan na sana sila ng pakialam sa paligid nang marinig nilang tumikhim ang pari sa unahan nila. Nahihiyang napabaling tuloy sila rito. At napatingin sa iba pang naroroon.

Kaya pala lahat ay inimbitahan ni Rubick. Dahil may ganito pala itong pakulo. But she finds it sweet. Really sweet. Sa mga pelikula lang niya nakikita ang mga ganitong eksena at di niya inakalang mararanasan rin niya. Ano kayang mabuting bagay ang nagawa niya sa kanyang nakaraang buhay para maging ganito kaswerte?

"Mamaya na ulit iyan. Last part pa iyan ng seremonya. Hindi pa nga tayo nagsisimula, nasa last part na agad kayo." Himig nagsesermon na nanunukso ang pari.

Natawa na din ang lahat ng naroroon.

Wala ang ama ni Rubick sa kasal nila. Ayon rito patuloy iyon sa pambababae at hindi na iyon pinakialaman ni Rubick. Anito ay pasasakitin lang nito ang ulo sa pagsaway sa ama gayong alam naman nitong hindi na nito mababago ang pagiging babaero noon. Ang mahalaga nalang rito ngayon ay maayos naman na ang takbo ng buhay ng ina. Masaya na iyon maski wala sa buhay ang dating asawa.

Simple pero intimate ang seremonya ng kanilang kasal. At wala na yata siyang mahihiling pa nang tuluyang ianunsyo ng pari na sila ni Rubick ay iisa na.

It was the happiest moment of her life, being married to the man she truly loves.

MULA sa drawer ng mini cabinet na nasa tabi ng kama ay napansin ni Lahynna ang isang pakete ng trust condom. Bakit may ganoon si Rubick? Dati-rati naman ay di sila gumagamit ng proteksyon kapag nagsisiping sila nito.

Naalala niya ang sinabi ng doctor. Iyon marahil ang dahilan. At hindi siya sang-ayon sa gustong mangyari ng asawa.

Asawa.

Ang sarap sa pakiramdam na gamitin ang pantukoy na iyon sa kanilang dalawa. At dahil mag-asawa na sila, obligasyon niyang bigyan ito ng isang buo at masayang pamilya. Isang bagay na matagal nitong pinangarap magkaroon.

Pinatunayan ng asawa kung gaano siya nito kamahal at dapat lang din niyang patunayan rito ang pag-ibig niya. Alam niyang magiging maligaya si Rubick kung makakabuo sila ng pamilya. Hindi kasi sila matatawag na pamilya kung sila lang dalawa.

"Hynna! Kanina ka pang hinahanap ng asawa mo."

Narinig ni Lahynna ang boses ng ama sa labas ng cottage matapos noong kumatok sa pinto. Inilipat na pala ng mga magulang niya ang mga gamit niya sa cottage na iyon matapos ang seremonya ng kasal.

At malamang na ang kanyang ina ang mastermind ng lahat. Excited na magsama sila sa iisang silid. May hinala na din siya na isa kina Rubick at sa Mama niya ang naghanda ng pakete ng goma.

"Sandali lang, Papa. Hindi ko makita ang phone ko." Pagsisinungaling niya. Nakuha na niya sa drawer ang cellphone nang mapansin ang pakete ng condom.

"Dalian mo. Baka mabaliw iyon sa kakahanap sayo. Alam mo naman na ayaw noon na nawawala ka sa paningin niya." May halong pangangantyaw ang tinig ng ama bago niya narinig ang papalayong mga yabag nito.

Mabilis na binuksan niya ang pakete ng condom at iniladlad lahat sa kama. Naghanap ng pin sa suot niyang traje at pinagtutusok ang bawat piraso ng condom. Saka muling ibinalik sa pakete ang bawat piraso.

May malapad na ngiti na sa kanyang mga labi habang papalabas ng cottage.

Excited na siya para mamaya!

Love, Trust And Brokenhearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon