CHAPTER 17

4.4K 128 17
                                    


NAKASALAMPAK si Rubick sa isang sulok ng masters bedroom habang naririnig ang papalayong sasakyan. Hindi niya akalain na aabot sa ganito. Akala niya kailangan lang ni Lahynna ng sapat na oras para maipagluksa ang anak nila. And he was grieving also, on his own. Ayaw ni Lahynna na damayan nila ang isa't-isa. Pinabayaan niya ito sa gusto nito. Pero hindi niya akalain na sa pagbibigay niya, mas lalala ang sitwasyon. She decided to leave their house. Doon muna daw ito sa pamilya nito dahil mas masakit na naaalala nito ang mga panahon na nagbubuntis ito at naroroon sa bahay nila.

Why she was so rude!

Ito lang ba ang nasaktan sa lahat ng nangyari? At siya? Hindi ba siya nasaktan? Wala ba siyang karapatang maghinanakit sa mga iniaakto ng asawa?

Nakisabay pa si Eina na hindi niya maintindihan kung paanong nagawang palabasing matched sila ng anak nito. Buo ang paniniwala niyang hindi niya anak ang bata. Wala ang lukso ng dugo na katulad ng naramdaman niya nang unang marinig ang iyak ng anak nila ni Lahynna.

Pero hindi iyon paniwalaan ng asawa. Sino nalang ang maniniwala sa kanya?

Tumunog ang cellphone ni Rubick na nasa bulsa ng jeans. Sa pag-aakalang si Lahynna ang tumatawag at sa pag-asang nagbago ang isip nito ay mabilis na sinagot niya iyon na hindi pinansin ang caller ID.

"Babe..."

"Hello Sir, may mga for signature po kayo rito sa office. Pupunta po ba kayo rito o dadalhin ko nalang sa bahay—"

"To hell with those damn papers!" Galit na singhal niya sa sekretaryang siya palang tumatawag.

"Pero Sir, matagal na po itong—"

"I don't care! Sunugin mo kung gusto mo!"

At ibinato niya ang cellphone sa dingding. Hindi niya dapat na pinagbuntunan ng frustration at galit ang sekretarya pero nawalan na siya ng kontrol sa sarili. Pain, anger and weariness were controlling over him. And all of it was consuming him already.

Sa mga sumunod na araw ay wala nang ginawa si Rubick kundi ang maglasing. Hindi tumatawag ang asawa at mukhang wala na nga itong pakialam sa nararamdaman niya. Hanggang sa puntahan na siya ng ina sa bahay nila ni Lahynna at sabihing nagpa-transfer ang asawa sa Cebu branch.

Oh! She was back to life. Mabuti pa ito, nakabalik na. Siya kaya? Kailan siya makakabalik?

"You should pay your son a visit, hijo. Hinahanap ka niya." Masuyong sabi ni Miranda kay Rubick.

"Patay na ang anak ko, Mom. At dinala ni Lahynna ang abo niya." Mapait na sagot ni Rubick na muling tumungga ng alak.

Pati ang anak niya, inilayo na din ni Lahynna. Nag-iisa na naman siya. And he was nothing to look forward to. Kung pwede lang hilingin na nagkapalit nalang sana sila ng sitwasyon ng anak ay gagawin niya. He rather die than living in hell like this.

"I'm talking about Rain. Kaka-recover lang nung bata at—"

"Hindi ko siya anak!" galit na singhal niya sa ina.

Natutop nito ang dibdib sa pagkabigla. Mabilis naman niyang kinalma ang sarili at frustrated na hinagod ang sariling buhok.

"I'm sorry."

Humugot ng hininga ang ina at magaan siyang tinapik sa balikat. "Kung naniniwala ka na hindi mo siya anak, then atleast be polite with your wife's nephew. Hindi mo kailangang idamay ang bata sa galit mo sa ina niya. They were living with me and Rain believes you were his father. Hindi mo siya kailangang tawaging anak. Just be considerate and polite with his request, besides, he was just a kid... who was sick."

Love, Trust And Brokenhearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon