NAG-ANGAT ng mukha si Lahynna nang mapansin ang pagbaba ng supot ng take out foods sa kanyang table. Ikinagulat pa niyang makita si Rubick sa kanyang tabi. Pokerfaced nitong ikiniling ang ulo na para bang itinuturo ang dala nitong pagkain.
"It's almost one in the afternoon at palagay ko, hindi ka pa kumakain."
Tila may humaplos na mainit na kamay sa kanyang puso nang maramdaman ang concern sa tono ng asawa. Nakakita siya ng pag-asa. Gustong mangilid ng mga luha niya dahil para bang nabuhayan ang puso niya sa ginawang iyon ni Rubick. Gusto na niyang lunukin ang pride at ipakipag-usap rito ang patungkol sa annualment nila. Pero nahinto siya sa tangkang pagsasalita nang muling maglapat ng mariin ang mga labi nito. At matalim na tumitig sa kanya.
"Hindi ko kailangan ng empleyadong nagpapakamatay sa gutom para sa trabaho. There's a lot of time for works. Ang oras ng pagkain ay para sa pagkain."
There.
He sliced her heart with his cold words.
Mapait na napangiti si Lahynna sa sarili. Empleyado na nga lang pala siya ni Rubick. Bakit ba nakakalimutan niya iyon? Kapag ganitong nasa trabaho sila, nilalagpas-lagpasan lang siya nito at para bang hindi nakikita. Kaya ipinagtataka niyang naroroon ito ngayon sa harapan niya at dinalhan pa siya ng take out lunch.
"How sweet, dear husband." Walang ganang sabi niya at muling ibinalik ang atensyon sa test results ng bagong formulation ng gamot na mina-manufacture ng kompanya. "Thank you but I'm still full."
Narinig niyang naiiritang umungol si Rubick. At kahit hindi niya ito tingalain, alam niyang nagdidilim ang gwapong mukha nito. "Hindi ka bumaba kaninang merienda at hindi ka din magla-lunch? Anong gusto mong gawin sa sarili mo?"
Asar na hinarap din niya si Rubick. "Do you still care? Oh, please don't. Baka hindi na talaga maaprobahan ang annualment papers natin kung ganyan ka sa akin."
Nakagat ni Lahynna ang pang-ibabang labi nang makitang tumigas ang mukha ng asawa. Bakit niya sinabi iyon? Hindi niya dapat sinabi iyon kung gusto niyang may maayos pa sa pagitan nila ng asawa. But her pride was driving her mad.
"Walang kinalaman sa pagkain ang personal issue natin, Mrs. De Juego. I'm doing this because you are my employee. And as your employer, it's my obligation to secure your health." Kita niya ang galit sa mukha nito pero nakakapagtakang kalmado ang boses ni Rubick.
Parang dumiin pa lalo ang kutsilyong isinaksak nito sa puso niya, ayaw nalang niyang huminga. Kahit gustong-gusto niya itong abutin at yakapin at sabihin rito kung gaanong namimiss na niya ito ay pinigilan niya ang sarili. Sa anyo ni Rubick ngayon, para bang gusto siya nitong lunukin ng buo.
"Oh, how honorable!" Patuyang sambit niya at direktang sinalubong ang matatalim nitong mga mata. "Ganyan ka ba sa lahat? Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon nalang kiligin ang mga babaeng empleyado mo. So, sweet." Walang siglang muling ibinalik ni Lahynna ang atensyon sa ginagawa.
Isang malalim at nagtitimping buntong-hininga ang pinakawalan ni Rubick. "Eat that or I'll file an insubordination complaint against you." Matigas at may babala sa tinig ni Rubick. "I'm warning you!" Dagdag pa nito bago siya tuluyang tinalikuran.
Naiwan siyang nakatulalang mag-isa sa harap ng kanyang mesa. Ang mga kasama sa trabaho ay nasa labas at nagla-lunch pero siya ay mag-isa roong ibinubuhos ang oras sa trabaho. Hindi lang dahil sobrang dedicated siya sa ginagawa kundi hindi niya gusto ang nakikitang pagpapa-cute at pagpapapansin ng mga babae sa DJP sa pakalat-kalat na asawa. Hindi naman siya makapag-react at hindi mailabas ang pagkayamot. Dahil bukod sa mangilan-ngilan lang ang nakakaalam na asawa siya ni Rubick, on going ang annualment nila. Meaning, wala na siyang dapat na pakialam. Siya na rin ang nag-alis sa sarili ng karapatang bakuran ang asawa nang araw na mag-apply siya for annualment.
BINABASA MO ANG
Love, Trust And Brokenhearts (Completed)
RomanceRepublished; Written by Gazchela Aerienne For Rubick, Lahynna is different from the women that come and go into his life. She was special. He found it out from the very first time she smiled at him. She was never a flirt. So pure and clean-the words...