HINDI napigilan ni Lahynna ang mga luha habang pinapanood ang maliit na sanggol na kakawag-kawag sa incubator. Napakaliit nito at gustong mapunit ng puso niya habang nakikita ang kung anu-anong tubo na nakakabit sa maliit at payat na katawan. Ayaw pa sana siyang dalhin roon ng asawa dahil kaka-recover palang niya pero nagpilit siya. Gusto niyang makita ang anak. Para lang manlumo sa nakikita.
Naramdaman ni Lahynna ang magaang paghaplos ni Rubick sa likod niya habang nakaupo sa wheelchair. Tuluyan siyang napahagulhol at walang nagawa si Rubick kundi ang yakapin siya ng mahigpit.
"He can make it. He is a fighter katulad ng Mommy niya." Sa paos na tinig ay sambit ni Rubick habang mahigpit siyang yakap ng asawa. "Come on. Stop crying. Makakasama sayo iyan." Saway ni Rubick sa paghikbi ni Lahynna.
"Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, ano pa ba ang hindi kayang lagpasan ng kondisyon ng letseng puso ko?"
Isang malalim na buntong-hininga ang naging sagot ni Rubick. Mabilis din naman siyang kumambiyo pabalik. Sa attitude niyang iyon, she might upset him even more. Nasa loob ng DR si Rubick habang nanganganak siya. At alam niyang hindi biro ang dinanas nito ng mga sandaling iyon.
They should face this one together. Sa isa't-isa lang sila pwedeng kumapit at kailangan nilang maging matatag pareho.
"Yes." Mahinang sambit ni Lahynna habang lumuluha pa din. "He can make it. I knew he can make it."
Kumawala si Lahynna sa asawa at muling hinagilap ng mga mata ang sanggol nila. Hindi pa naglilipat sandali ay humahangos na lumapit si Eina. Sa pagtataka niya ay humahagulhol ito ng iyak at nang makalapit sa kanila ay pabigla itong lumuhod sa kanilang harapan.
"Please... please help me. Ayokong makisabay sa pinagdadaanan niyo pero parang awa niyo na."
Umaagos ang luhang inabot ni Eina ang kamay ni Lahynna sa pagtataka niya. "Ina ka na din, Hynna. Alam kong alam mo ang nararamdaman ko." Nahinto sa pagluha si Lahynna at nagtatakang tinitigan ang pinsan. Saka nama nito tiningala si Rubick na tila naguguluhan rin sa inaasal ni Eina. "Tulungan mo ako. Tulungan mo akong maipagamot ang anak mo."
Napasinghap si Lahynna. Hindi niya sigurado kung saan siya nabigla. Sa nalamang kailangang ipagamot ang anak ni Eina o sa paggigiit nito na anak ni Rubick ang bata.
"What the hell!" singhal ni Rubick kay Eina at pagalit na hinaklit nito sa braso patayo ang kanyang pinsan.
"Hindi ko anak ang anak mo, Eina." Bumaling ito sa nursery kung nasaan ang anak nilang naka-incubator. "Siya. Siya lang ang anak ko. Siya lang!"
Halos marinig na ni Lahynna ang pagtatagisan ng mga bagang ni Rubick habang galit na isinasalya ang braso ni Eina palayo.
"Kung kailangan mo ng tulong, tutulong ako pero hindi mo kailangang gumawa ng kwento. And would you please stay away from my wife? You were upsetting her!" Muli ay bulyaw ni Rubick kay Eina.
Tumigas ang mukha ni Eina at galit ring tinitigan si Rubick. "You can deny it all you want. Hindi ko hinihiling na kilalanin mo si Rain pero obligasyon mong tulungan akong suportahan siya sa pangangailangan niya dahil anak mo siya." Galit na ring singhal ni Eina rito. "Pride nalang ang meron ako. And I'm loosing it now para maisalba ang buhay ng anak ko. Now, go! Ipa-DNA test mo siya para malaman mo ang totoo!"
Parang nabasag ang buong mundo sa tapat ng tenga ni Lahynna. Base sa nakikita niyang paghahamon ni Eina, siguradong-sigurado ang pinsan na si Rubick ang ama ng anak nito.
Hindi niya alam kung paano magre-react. Hindi niya makapa sa dibdib ang pagtutol na suportahan ni Rubick ang anak nito sa pinsan niya. Dahil naiisip niya na paano kung sila ang nagkapalit ng sitwasyon ng pinsan. At ganitong kailangang maipagamot ang anak niya? Ano ang mararamdaman niya kung tututulan iyon ng legal na asawa?
BINABASA MO ANG
Love, Trust And Brokenhearts (Completed)
RomanceRepublished; Written by Gazchela Aerienne For Rubick, Lahynna is different from the women that come and go into his life. She was special. He found it out from the very first time she smiled at him. She was never a flirt. So pure and clean-the words...