Simula

1K 30 5
                                    

Simula

Uhaw man sa pagmamahal ng pamilyang kahit kailan ay hindi sya naituring na parte nito ay nagawa paring magmahal ni Zyrus ngunit sa huli'y inagaw rin ito ng kanyang kakambal.

Makalipas ang isang taon, hindi nito inaasahang darating ang isang lalaking nangangalang Zyren kung saan biglaan syang hinila at ipinakilalang girlfriend sa harap ng pamilya nito. Hindi nya naman aakalaing dahil sa tagpong iyon ay makikilala niya ang lalaking pilit na winawasak ang maskara at pader na pinaghirapan nyang buuin, nilalaanan ng oras ang pagpinta sa walang kulay niyang mundo at inuukit sa puso nito ang pagmamahal na ninanais nya.

Ang istoryang magpaparamdam na hindi ibig sabihin iniwan ka ng isang lalaking ay maaari ka naring iwan ng iba.

Paalala: Ang mga tao, bagay, hayop, butiki o baboy este pangalan, tauhan, lugar, bagay, pangyayari o ano pa man ay produkto ng malibog este malawak na imahinasyon ko. Kung may pagkakatulad man kayong napansin marahil magaling kayo kumilatis lol joke lang, nagkataon lang talaga. Promise, honest 'to!

Wala sanang kahit anong parte nito ay manakaw, maiprint o etc na walang pahintulot o pagkilala sakin tho alam kong wala rin namang mananakaw kasi walang kwenta ang storya na 'to. (Di sa minamaliit ko ang gawa ko pero parang ganon na nga)

Laging tandaan ang buhay ay weather-weather lang este plagiarism is a crime sa tagalog, ang pag-angkin ng isang bagay o gawa ng tao na walang pagkilala ay may karampatang parusa sa kinauukulan. Salamat! Mabuhay kayong lahat! Spread love not legs.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon