Kabanata 20

160 9 0
                                    

Kabanata 20
I'm sorry

Inubos ko ang oras para matulog at makipagbonding kina Tita kasama ang mga pinsan ni Laimer. Tatlong buwan lang akong nanirahain noong walang-wala ako pero itinuring nila akong kapatid o kapamilya at malapit sa puso nilang lahat. Matagal ng patay ang dad ni Laimer kaya kahit magladlad sya na bakla ay walang kaso at nakakatuwa pang tanggap rin sya ng mga pinsan nyang lalaking-lalaki. I wonder kung may balak na magbakla ang mga ito.

"Cheers!" itinaas ni Luis ang hawak niyang kopita na mabilis sinundan ni Renz at ni Laimer. Ako nalang pala ang hindi nagtataas.

"Wala sa sarili mamshie?" pang-aasar sakin niya. Inismaran ko ito at ginaya ang ginawa nila matapos ay isinang lagok ang alak na nakalagay roon.

Napangiwi ako sa pait na lumukob sa dila ko. Agad kong kinagat ang lemon para maibsan ang mapait na lasa. Narito kami ngayon sa isang bar, hilig talaga nilang magparty samantalang hindi ko naman kailanman kinahiligan.

Napasama lang ako dahil nagmakaawa na si Tita na samahan ang mga ito at baka raw may gawin na namang katarantaduhan. Last time daw kasi ay natulog si Renz sa malamig na kulungan, hindi ko na inalam pa ang buong istorya.

"Ohhhh yes baby! That's it!"

Napairap ako, lahat sila ay may mga kalandian na. Si Luis ay may nakaupong babae sa lap nya habang hinihimas-himas ang harapan nito, si Renz naman ay may dalawang babae sa gilid, hindi ko na kailangan pang sabihin ang posisyon nila dahil sobrang nakakadiri. Halos wala ng saplot na damit ang dalawang babae samantalang buong-buo pa ang damit ni Renz.

Dumako naman ang tingin ko sa dancefloor kung saan naroon si Laimer na may ginigilingang lalaki. Tuwang-tuwa pa ang kano dahil pilyong dinidikit ni Laimer ang pwet nya sa tapat ng pagkalalaki nito.

Napailing ako, kahit kailan ay hindi ako masasanay sa ganitong uri ng buhay. Masyadong nakakadiri at hindi ko masikmura.

"Not so fast" hinawakan ni Renz ang palapulsuhan ko bago pa ako makatayo. Ngayon ay nag-iisa nalang sya at may ngisi na naman sa labi. Bored kong itong tinitigan sa mukha. Wala ba syang magawa ngayon at ako ang pepestehan nya? Well sad to say hindi ko sya kayang ientertain.

"Saan ka pupunta?" inalis nya na ang pagkakahawak sakin at doon ko kinuha ang pagkakataon para tumayo.

"I have business to attend, take care" pagpapaalam ko kay Luis na ginantihan ako ng isang tango samantalang kay Renz naman ay may paghalik pa sa pisnge ko ang peste.

"Take care" ngisi nya dahil nakascore na naman sakin, biruan lang naman iyon. And I know na hindi niya ito siniseryoso kahit naman ako pero hindi talaga maalis-alis ang pagkainis ko.

Hinampas ko ang tiyan niya. "Ipagkakalat ko sa buong angkan ni Rence na mahal na mahal sya ng nag-iisang lalaking torpe sa mundo na walang iba kundi si Renz, gusto mo?" naghahamon ko itong tiningnan.

Napalunok sya sa sinabi ko, totoo kasing napakatorpe nito. Kung sakin ay kaya niyang gawin ang paghalik-halik sa pisnge pero sa babaeng matagal na niyang mahal ay hindi nya magawa, ni hindi nga nya masabi na mahal niya ito. He's a crazy stalker at hindi ko na problema pa ang lovestory niya.

"Fine I won't do that again" nakataas pa ang kanang kamay niya. Kinurot ko naman ang pisnge nya.

"Good boy" nakangisi kong wika para this time ay ako naman ang mambwesit.

Kahit hirap naman ay nagawa kong makapunta sa gitna kung saan pabor na pabor sa bakla ang ginagawa nya. "Hey, I'll go first 'cause I have to visit my branch. Sumabay ka nalang kay Luis o kay Renz dahil mukhang bitin na bitin ka pa" nakipagbeso-beso ito sakin bago tumango.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon