Kabanata 4

278 16 0
                                    

Kabanata 4
Owe

- Z Y R U S -

Nagulat ako sa biglaang pag-akbay sakin ng isang lalaking hindi ko naman kilala at ngayon ko lang nakita. Nang marinig ko kasi kanina ang bell ay wala na akong inaksaya pang oras at umalis na agad sa school, minabuti kong magmall muna para makapagpalamig ng ulo bago magtungo sa apartment na tinitirhan ko. Ngunit hindi ko naman alam na ganito pala ang sasalubong sakin and worst ito pa.

"Girlfriend ko inay!" malakas na sigaw nito. Siniko ko ito ng mahina, napaaray sya pero bumulong ito sakin. "Hindi na rin naman tayo magkikita kung sakali man. Pretend to be my girlfriend ha?"

Papalapit samin ang mag-asawang may ngiti sa mukha. "You are?"

"Zyrus po" tipid kong sagot. Ni-hindi ako ngumiti sa harap nila pero nanlaki iyong mata ko nang bigla naman akong yakapin nang ginang samantalang ngiti lang ang ginawad sakin noong ginoo. "Ako iyong nanay ni Ren. Tawagin mo nalang rin akong inay"

"I'm happy for you son." maririnig mo sa boses nila ang galak at tuwa.

Bumaling naman sakin iyong ginoo na kasama nitong ginang. "Tatawagin mo naman akong papa." Kahit naguguluhan at wala akong alam kung anong pinasok ko, ni hindi ko nga sinabi na jowa talaga ako ng anak nila pero kung makatanggap sila sakin parang totoo talaga.

"Anong pangalan dude?" hindi ko napansin ang isang lalaking tingin ko ay kuya nitong umakbay sakin kanina. Dahil sa features ng mukha niya na medyo matured kumpara dito.

"Zyrus" proud na saad nito. Mas hinigpitan niya ang akbay sakin. This is not fucking good!

"Kiel!" lumingon ako sa nagmamay-ari ng boses na iyon. Why Andrei? Nakatayo ito sa entrance ng mall.

Hindi ko sana iyon papansinin pero alam kong iyon lang ang paraan para makatakas sa sitwasyon ngayon. "Nice to meet you po. Mauna na po ako at may kailangan pang tapusin." ako mismo ang nag-alis ng braso ni Ren, inassume ko na sya si Ren dahil narinig ko ang pagsigaw kanina ng inay niya.

"Alis na'ko." pagpapaalam ko dito dahil talagang tutuklawin kami ng magulang at kapatid niya kapag bastos akong umalis ng walang paalam.

Niyakap niya ako. Magpupumiglas sana ako nang bumulong na naman sya. "I owe you a lot" nagmamadali akong umalis doon. Nang lumingon ako sa kanila ay nakita ko ang pag-akbay nang kuya niya sa kanya samantalang nakangiti naman ang magulang niya.

I envy him for having a loving family. I hope everyone can have that too. Iyong makikita mo ang pagmamahal nila sa isa't isa. I didn't just see it but I feel it. Ramdam ko iyong galak nila, ang haplos ng yakap nong ina nya at ang ngiti nong ama niyang hindi na makita ang mata.

"Sino iyon?" hindi ko naalalang narito nga pala si Andrei. Ang unang lalaking nagpangiti sakin at ang una ring lalaking nagpaiyak sakin.

"Boyfriend?" di siguradong sagot ko dito. Pumasok na ako sa mall at hinayaan syang sumunod sakin. Tanga ako kung sasabihin kong move-on na ako pero atleast hindi ako tangang ihiling na maging kami ulit.

Once is enough, kapag pinagbigyan mo masasanay iyan at hindi mo narerealize nakakailang bigay ka na ng chances sa kanya, nakakasanayan na niyang gumawa ng kasalanan at nakakasanayan mo naring patawarin sya at tanggapin. That's the saddest part, nagawa nya na noong una at may possibility na magawa nya muli at ikaw lang ang mahihirapan sa huli. In short I don't believe that people change. Pero naniniwala akong gaano man kasama ang tao may kabutihan parin iyang tinatago.

Nakita kong magkahawak kamay ang kakambal ko at si Andrei. Tanggap kong pinagpalit ako sa iba pero bakit sa kakambal ko pa?

- Z Y R E N -

Mahigpit kong niyakap si inay na masayang nagdidilig sa hardin samantalang nagmano naman ako kay papa na nagbabasa ng dyaryo, nakakunot na naman ang noo, mukhang araw-araw ay problemado ito. Hindi naman kami maghihirap at alam kong hindi sila maghihiwalay ni inay dahil mahal na mahal nila ang isa't isa.

"Darating ang mga tiyahin mo sa makalawa may kaonting salo-salo, mukhang reunion na rin natin. Dalhin mo si Zyrus."

Dalhin si Zyrus? Nakalipas na ang dalawang araw, ni-hindi na kami nagkita ng babaeng iyon tapos gusto nilang isama ko ito? Damn!

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon