Kabanata 5

265 13 0
                                    

Kabanata 5
Manyakol

"Hindi ka magsisimba?" hindi ko alam kung nagloloko ba ang isang ito sa tanong niya. Mukha ba akong taong simbahan kapag linggo?

"Are you out of your mind?" naiinis kong asik. Bakit ba ito nandito sa apartment ko? Ni wala akong natatandaang inimbitahan ko sya. Sya lang itong makapal ang mukha na pasok-labas sa pamamahay ko.

"Lock the door when you leave." asik ko habang hindi inaalis ang paningin sa binabasang libro.

"Pinsan birthday ko ngayon, pagbigyan mo na ako." nagulat ako sa sinabi nito. Bakit hindi ko alam na kaarawan nya ngayon? Ganoon na ba ako katanga at hindi alam ang nangyayari sa paligid.

"Magpapasalamat lang ako sa panibagong taon na dumagdag sakin." malakas kong tiniklop ang libro at poker face na tumingin sa kanya. Ngumiti sya ng matamis at kumindat pa. Dahil alam ko ang pakiramdam ng nag-iisa sa buhay, alam ko na wala siyang karamay sa pagdiriwang edi sasamahan ko.

Pero nagtataka ako kung bakit naging malapit sya sakin sa kabila ng lahat ng mga kamag-anak namin na lumalayo ng kusa sakin.

Pangingiti si Julian habang nagmamaneho, mukha tuloy itong tanga sa ginagawa niya. "Hindi mo ba ako babatiin? I told you birthday ko ngayon." Tss.

"Then Happy Birthday Julian"

"Thank you ha? Sobrang saya ko at nabati mo ko." sarcastic pa nyang sinabi iyon.

"Nga pala nabalitaan kong nasigawan ka ni Zyra. Ano na namang ginagawa sayo ng kakambal mo, akala ko ba ay okay na ang lahat? Na wala ka ng koneksyon sa kanila?"

Matapos niyang ipark ang sasakyan naming dala ay ako na ang naunang bumaba at naglakad papasok sa simbahan. Sobrang daming tao, mukhang puno na ang loob dahil kahit sa may hagdan, sa gilid at dito sa pintuan ay may mga nakatayo.

"May bakanteng upuan siguro sa loob." wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa tinatahak nyang daan.

"Julian" narinig kong may tumawag sa pinsan ko. Hindi ko na sana ito lilinungunin pa at didiretso na lang dapat sa paglalakad pero mukhang hindi ko iyon magagawa. Kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

"Stay here, hindi mo na kailangan pang sumama sakin. Magmamano lang ako." bulong niya sakin. Tama nga ang hinala ko noon na sabay-sabay silang nagsisimba na hindi ako kasama.

Noon pilit kong pinapaniwala ang sarili na sa tuwing linggo kaya hindi ako nakakasabay sa pagsimba ay dahil sa ayaw nila akong gisingin o may importante akong gagawin at nasasabay lang pero this time kailangan kong gumising sa kahibangan ko. Kailangan kong tanggapin na heto ang pinapangarap ko noong bata ako, ang pagsisimba kasama ang buong pamilya.

Tuwing lunes noon natatandaan ko kung paano masayang nagkukwentuhan ang mga kaklase ko sa kung anong ginawa nila kasama ang buong pamilya sa nagdaang dalawang araw na walang pasok. Ako lang iyong walang maikwento kasi wala naman talagang nangyayari saking maganda, isa pa hindi ako tinuturing na anak. Kapag nga may darating na bisita sa bahay ay pinagsasabihan agad ako ng kakambal ko na huwag daw akong magtatangkang lumabas ng kwarto ko, sino akong tanga na susunod sa kanya? Pero dahil binanggit niya ang salitang mommy ay sinunod ko sya. Kasi pinapasabi raw iyon ni mommy sakin.

Nabalik ang ulirat ko nang maramdamang may kumulbit sa braso ko. "Zyrus anak" masayang salubong sakin ng isang ginang at hindi pa nakuntento, niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa nito pero mas lalo akong nagulat dahil itong babaeng yumayakap sakin ay ina noong lalaking ipinakilala akong girlfriend raw makalipas ng dalawang araw. Akala ko ba ay hindi na kami magkikita pa?

Kumalas siya sa yakap pero kita ko parin sa mata nito ang galak na makita ako, ngumiti lang sakin ang asawa nito at kumindat naman ang kapatid. Nahihiyang nagkamot ng ulo si Ren, ang lalaking boyfriend kuno ko.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon