Kabanata 1

762 31 5
                                    

Kabanata 1
Sagip Kapamilya

- Z Y R U S -

What's new in the world? Obviously nothing!  A bunch of bullshit jerk here, fucking slut there and a damn couple in my front.

"Hey! What's with that face?" pagtatanong sakin ni Julian matapos ay umupo sa bakantaeng upuan sa harapan ko at inilapag ang pagkaing dala-dala sa lamesa.

Hindi ko inabalang sagutin sya at pinilit na lamang na sumubo kahit na nawalan na ako ng ganang kumain. Ang daming mga nagp-PDA ngayon sa school, peste!

"May problema ba?" seryoso itong tumingin sakin habang sumisimsim ng kape.

Isinubo ko muli ang huling kutsara ng kanin na nasa Styrofoam at mabilis na nilagok ang tubig. "Kelan ba nawalan?" natatawa kong sagot dito at itinapon sa basurahan ang mga basura. 

"Aalis ka na agad?" nag-aalalang tanong niya. Hindi ko alam kung bakla ba itong si Julian o may crush lang talaga sakin.

I nod my head at hindi na inintindi pa ang mga sinasabi niya. Bumalik ako sa silid at hindi ko inaasahang naroon ang isang taong gusto kong kamuhian pero hindi ko magawa. I hate myself that I can't hate her because she's my twin for fucking sake. That I still love her kahit na inagaw nya sakin si Andrei.

"Kiel" nakangiting wika niya. Sa tinagal-tagal ko sa pesteng school na ito ay hindi man lamang kami nagkausap mula nang malaman kong may relasyon sila ni Andrei. Pinutol ko lahat ng koneksyon ko sa pamilya ko na kahit nagkikita kami ng kakambal ko sa school o kahit ng mga magulang ko ay nilalampasan nila ako na parang invisible, na parang isang estrangherang tao lang, na parang wala kaming koneksyon sa isa't isa. Pero heto ngayon ang kakambal ko at ngingiti-ngiti sa harap ko na parang walang nangyari. What the fuck is wrong with her?

"It's Zyrus" pagtatama ko sa tinawag niya saking pangalan. Wala akong Kiel sa pangalan, magmula nang umalis ako sa puder ng magulang ko ay nagtrabaho ako sa isang maliit na resto bilang isang janitor, nag-ipon ako para maitama ang pangalan ko, iyon ay ang alisin ang Kiel sa pangalan ko. Noon I am Zyrus Kiel Gatip pero ngayon ay Zyrus Gatip na lang. Hindi naging madali ang pagpapalit but at the end nagawa ko parin.

Unti-unti akong lumapit sa kanya dahil nakatayo sya sa may silya kung saan naroon ang mga gamit ko.

"You still love him? You still love Andrei kahit na almost one year na ang nakakalipas? Isa kang alamat." nakita ko ang hawak-hawak nitong love letter kung saan hindi ko na matandaan kung kelan ko pa naisulat dahil sobrang tagal na niyon, pero naniniwala akong kami pa ni Andrei noong sinulat ko iyon. I just want to keep it, wala naman sigurong masama roon hindi ba?

Hinablot ko sa kamay nya ang mga sulat na gawa ko at gawa ni Andrei noon sakin. "God Kiel! Uso magmove-on."

"Uso rin namang maghanap ng lalaki. Sa 7.6 billion na tao sa mundo, naisapan mo pang magrecyle ng isang basura. Sagip kapamilya ba?"

Nang-init ang ulo nito. Nakikita ko na ang usok sa butas ng ilong niya sa sobrang galit sakin. Anytime siguro ay magfefreak out ito.

"I hate you!" malakas nitong sigaw sa harapan ko at nagdadabog na umalis ng silid. Doon ko napansin ang iilang mga kaklase ko na nakatingin sakin.

A/n: According to www.worldometers.info the current world population is 7,676,491,348.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon