Kabanata 23

149 8 1
                                    

Kabanata 23
Sleep

There was a serene moment between us. Hindi ko alam kung tatayo ba ako at magkukulong nalang sa kwarto ko o mananatiling nakaupo sa kandungan niya habang nakayakap sya.

"Antok na'ko" hindi ako nag-iiba ng topic dahil lang sa awkward kaming dalawa, iyon talaga ang nararamdaman ko ngayon. I'm sleepy from 13 hours of flight from Greece to Philipines.

Sya na mismo ang humilig ng ulo ko sa leeg nya. Mas ramdam ko ang init ng yakap nya. "Sleep then" tinapik-tapik niya ang balikat ko. Hindi pa sya nakuntento at gumawa-gawa pa ng huni para mas mapadaling makatulog ako.

"You'll stay right?" kahit pikit na ang dalawa kong mata at antok na antok na ay nagawa ko parin syang tanungin. I snake my arms around his waist habang nakahiga sa dibdib nya.

Tumango ito. "I will, sleep now sunshine..." gustuhin ko mang marinig pa ang sasabihin nya ngunit bigo ko iyong nagawa dahil unti-unti na'kong nilalamon ng kadiliman. Goodnight my happy pill.

Matamis ang ginawad kong ngiti nang makita si Andrei na naglalakad papalapit sa pwesto ko. I am so inlove with this guy.

Inilahad nya ang isang bungkos ng bulaklak sa harapan ko dahil doon ay natakpan ang mukha niya.

"Happy Anniversary Baby!" wika nito. Tinanggap ko ang bulaklak na nakalahad at nakangiti syang tinitigan.

Pilit ang ngiti nya na mukhang kabado o nagpapanggap lang na masaya. Dalawang araw rin nang wala kaming komunikasyon. I wonder kung anong nasa isip niya noong mga panahong iyon but then why would I worry in the past when in fact he's here in our anniversary.

"Kung may mafafall-out parin ba sating dalawa, gagawin parin natin ang lahat maibalik lang iyong love? Maibalik lang muli ang spark na nawala?" I asked him. Weighing what decision he will make. I saw him with my twin for the two days that we haven't talked nor texted. I disregard it because I know there is a reason. I'm waiting for that reason baby!

Naramdaman ko ang mabigat na tensiyong pumapagitna saming dalawa. We're here in the parking lot, nakasandal ako sa kotse niya, kanina ko pa syang hinihintay pero ngayon lang sya nagpakita. And there he is, nakatayo't naguguluhan sa dapat na ikilos o sabihin.

"I'm sorry..." he said after brushing his hair with his hand. Binawi ko ang ngiting ibinibigay sa kanya. He doesn't deserve my smile.

"Lalagyan ko nalang ng spark kung ga--"

He cut me off before I finish my sentence. "No. You don't understand, do you?"

Binuksan ko ang zipper ng backpack ko para makuha ang litratong dumating sakin kaninang tanghali. "Tell me this is fake and I will accept you baby" nanginginig na ang kamay ko habang hawak ang mga larawang pumipiga sa puso ko.

Gumagawa sila ng milagro sa loob ng sasakyan niya. Mapapatawad ko pa sya kung hawak lang ng kamay o di kaya'y halik lang but sex? No! I maybe stupid but I'm not martir!"

"Let's break up" matapos niyang sabihin iyon ay nandilim na ang paningin ko at malakas na inihagis sa mukha niya ang mga litrato tsaka sinunod ang bulaklak na bigay nya kani-kanina lang.

"Hindi na ba talaga kayang isalba?" mabilis na nagkarerahan ang mga luha ko. Hawak ko ang magkabilang balikat niya habang niyuyogyog sya, nanalangin na sana hindi totoo ang lahat na sana maisasalba pa kung sakali man.

"I'm tired..." tipid niyang sagot dahil doon ay napaluhod ako hindi alintala kung nakapalda ba ako at magkakaroon ng sugat sa tuhod. I love him na kaya kong gawin kahit ang magmakaawa sa harap nya.

Nagulat sya sa inasta ko at pilit na tinatayo ako. "Damn it Kiel!" mura nya sakin pero hindi ko iyon pinansin. I want to be happy that's all.

"Please say that it's fake. Sabihin mo saking edited lang ang mga picture please baby say it to me" pagmamakaawa ko.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon