Kabanata 27

153 7 0
                                    

Kabanata 27
Move-on

"Where are you?" kagat ko ang ibabang labi habang kinakausap si Ren gamit ang cellphone ko. Gabi na ngayon pero hindi mapanatag ang loob ko kung mamamatay akong hindi nababayaran ang utang niya sakin. I need to do something.

Nasa gilid ko lang sina Mom and Dad na ngayon ay kalmado na, kagigising ko lang mula sa hindi ko panghinga. Ang sabi ng doktor ay isa iyon sa mga symptoms, may mas lalo pa raw akong dapat paghandaan iyon raw ay ang seizure dahil anytime ay pwede ko iyong maranasan. Umirap nalang ako sa iba pa niyang sinasabi.

"Okay ka lang ba?" I want to hear his voice. Gusto ko itong makita bago ako tuluyang mamatay. Hindi parin ito nagsasalita. Nag-aalala na ako, ang last naming pagkikita ay noong tanghali pa kung saan sinabi niyang may sakit ang mama niya. Nasa hospital ba sya?

"Saang hospital?" nang itanong ko iyon ay laking tuwa ko nang sumagot na sya. I miss his voice damn it! Binaba ko na agad ang tawag matapos malaman ang pangalan ng hospital.

"It's dangerous anak"

Umiling ako habang naglalakad patungo sa cr para magpalit ng damit. "Hindi ko parin natatanggap ang paliwanag nyo, you can just tell na kaya sinasabi niyo ito kasi malapit na akong mamamtay mas madali akong maniniwala" umirap ako bago pumasok sa banyo.

Nakakatuwang ang hospital na sinabi ni Ren ay syang hospital kung saan nakaconfine ako. Nagtanong pa ako sa information desk kung anong number ng kwarto ni Mrs. Gochiacho at hindi naman ako nabigo dahil pinakilala ko pa amg sarili na anak ako.

Nagmamadali akong lumabas ng elevator at naglakad patungo sa 321 na room. Malayo palang ay natatanaw ko na si Ren at ang kapatid nya na si Kuya Roa na nakaupo. Hindi sya nakatingin sakin at alam kong hindi nya alam na nakita ko na sya. Umupo ako sa kanya at hinagod ang likod nya para malaman niyang nandito lang ako sa tabi niya. Doon nya lang napansin na ako iyon, mabilis niya akong niyakap. Pinulupot nito ang mga braso sa bewang ko, siniksik ang ulo niya sa leeg ko.

Gusto kong matawa sa pwesto namin, masyado syang malaki para magpababy sakin. Inakbayan ko nalang sya at tinapik naman ang balikat niya. "I'm here"

"Ang laki mo na para lumambing Ren tado ka talaga" pagbibiro ng kuya nya. Humarap sya rito at namakyu pa bago muling bumalik sa yakap ko.

"Zyrus nagpapabebe lang ang gagong iyan. Wala namang sakit si inay, menopause lang pero masyadong oa ang pamilya ko" nagkamot pa sa batok si Kuya Roa na mukhang nahihiya sa asta ng kapatid nya sakin.

"Kahit na, may sakit parin si inay" wika ni Ren habang nakayakap sakin. Kinurot ko nalang ang balikat nya habang nakaakbay sa kanya.

May dumaang mga kabataan at nakita ang pwesto namin, natawa sila at nagmamadaling umalis.

"Tangina mo talaga Ren, mahiya ka ngang gago ka, ang laki mong tao para sumiksik sa leeg ni Zyrus." pilit akong ngumiti sakanya kasi totoo nga sya, hirap rin ako sa pwesto namin. Dahil naman doon ay humarap sya sakin.

"Is that true?" tanong niya na hindi inaalis ang tingin sakin. Ginulo ko nalang ang buhok niya.

"Ang bigat ng ulo mo Ren" reklamo ko na nasundan pa ng biro muli ng Kuya niya. Nagbabangayan na ang magkapatid nang lumabas ang papa nila at inay. Natutuwang niyakap nila ako matapos ay nagmano rin ako gaya noong ginawa ni Ren sa magulang ko.

"Hindi ka pa kumakain Zyrus anak diba? Tara sa bahay ipagluluto kita. Ano bang gusto mo?"

Ang anak nyo po. Natawa ako sa isip ko. Tangina bakit ang corny ko. "Kahit ano po, hindi naman ako mapili" nakangiti kong saad. Habang naglalakad papalabas ng hospital ay nakasalubong namin si Zyra at si Andrei.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon