Kabanata 3

353 16 0
                                    

Kabanata 3
Girlfriend

Napanganga ako. Mukhang dito ay wala akong lusot. Tumunog ang cellphone ko hudyat na may mensahe akong natanggap.

"As in ngayon na talaga?" dinukot ko mula sa bulsa ang cellphone at nagtatakang galing iyon kay Kuya na ngayon ay nasa tabi ko naman. Ano na naman kayang katangahan ang gagawin nya at nagtext pa sya sakin, kung tutuusin ay pwede namang sabihin nalang ng harapan.

"O baka naman gawa-gawa mo lang iyan anak." mapanuring mata agad ni inay ang tumingin sakin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Tinutok ko ang atensyion sa mensahe ni Kuya.

Sa mall tayo. Tutulungan kitang makahanap. Huwag kang mag-alala.

"Nagtext ang girlfriend ko na nasa mall raw siya so let's go?" pag-aaya ko.

Utang na loob, kumagat kayo. Ganito ang malimit kong gawin sa teacher namin, maglakas loob kahit wala talaga. Kapag may takdang aralin at wala akong gawa naglalakas loob akong sabihing meron ako, iaabot sa harap niya ang notebook ko ebidensya na may sulat ako pero ang totoo ay wala talaga. Pero ang ending hindi naman nila tatanggapon iyong nakalahad kong kwaderno at tatango na lang na meron raw ako.

"Then let's go!" masiglang wika ni inay.

Napasapo ako sa noo at nauna ng lumabas ng study room. Sumunod naman sakin si Kuya. "I'll help you don't worry bro."

"Wala akong tiwala sayo hayop ka" inis kong wika rito. Naalala ko ang mga katangahang ginawa nito sakin noon, sa lahat-lahat talaga kapatid mo ang pinakaleast na dapat mong pagkatiwalaan lalo na kapag iyon ay mga kalokohan mo dahil hayop iyan sa buhay, ibubuking at ibubuking ka nila.

Nakakawit ang kamay ni inay sa braso ni papa habang naglalakad papasok sa mall. Mukha tuloy silang teenager sa ganap na iyon.

"Magpasalamat ka saking maraming chicks sa lugar na naisip ko" hindi ko pinansin ang bubuyog sa tabi ko at pokus lang sa paglalakad.

"Nasaan nga ulit ang girlfriend mo anak?"

Kinuha ko muli sa bulsa ng short ang cellphone at umaktong nanghihinayang. "Inay nakauwi na raw siya." nakatanggap agad ako ng sapok kay papa.

"Matanda na kami pero hindi kami nagpapahuli sa uso. Walang nagtext sayo, hindi namin narinig na tumunog." Hindi ba pwedeng nakasilent o nakavibrate itong cellphone ko?

"Nasa home screen rin ang tinitingnan mo." dagdag pa niya. Nagsisimula nang ngumisi si Kuya sa nangyayari ngayon, hayop talaga ang isang ito.

"Saan kayo pupunta?"

"Uuwi na wala tayong mapapala sa bakla mong kapatid"

Hindi nga kasi ako bakla. "Dude you're a gay pala" natatawang pangungutya sakin ni Kuya habang papalabas ng mall para magtungo sa parking lot. Peste, wala man lang kaming kinain at talagang nagpalamig lang.

Nagulat ako sa mabilis na pagharurot ng motor sa harapan ko. Muntik na akong madaplisan kundi ako nakailag. Babae ang nagmamaneho nito at wala man lang suot na helmet. Mahabang kulay itim na may gray sa dulo ang buhok nito at nakaporma ng kulay itim mula sa sapatos, pantalon, damit o kahit cap na suot. Tanging ang cutics nito ay itim rin.

Unti-unti itong lumalapit sa pwesto ko habang inaayos ang cap na suot marahil ay pupuntang mall.

"Ren" tawag sa akin ni inay na nakaambang papasok sa van na dala namin. Mukhang dismayado itong malamang wala akong girlfriend. Sa araw-araw kasi ay talagang kinukulit ako ni inay kung meron ba, kung anong pangalan o ano pa. Umiiling nalang ako at sinasabing wala akong balak sa sinasabi niyang pagpasok sa isang relasyon, mukhang nakakasira ito ng buhay.

Mabilis kong inakbayan ang babaeng ito nang makalapit sa pwesto ko at sumigaw. "Girlfriend ko inay!"

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon