Kabanata 25

148 9 0
                                    

Kabanata 25
Debt

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang ang mukha ni Ren. After kong magising matapos maramdaman ang sakit ng ulo ay nagtungo agad ako sa bahay nila hoping na makita ko sya 'cause he's my happy pill, he can calm me. I want to feel safe again in his arms.

Nang makalabas sa bahay nila ay natigilan sya, hindi ko mawari kung nagagalak ba sya o naiiyak na makitang muli ako. Ngumiti ako waiting for him na bigyan ako ng signal para makalapit sa kanya hindi naman ako nabigo dahil agad niyang ni-spread ang braso sa hangin hinihintay na yakapin ko sya.

Tinakbo ko ang pagitan naming dalawa at mabilis na ipinilupot ang mga braso sa leeg nya. Tumingkayad pa ako para maabot sya. Pinipilit niyang makawala sa yakap ko marahil ay gusto niyang magpalit kami ng tayo, ako nakayakap sa bewang nya samantalang sya sa leeg ko pero hindi ko iyon ginawa. Mas hinigpitan ko ang yakap sa leeg nya at tumingkayad pang mas lalo. Wala naman syang nagawa kundi ang yakapin ako sa bewang at isiniksik ang ulo nya sa may balikat ko.

"I miss you" bulong ko at mas lalong kinulong sya sa braso ko. I'm holding my life in my arms 'cause I believe he's my life.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong nya sakin at nagbalak na namang kumalas sa yakap pero hindi ko sya pinagbigyan.

Namamasa na ang mata ko. I am biting my lower lip to prevent myself from crying. I want a hug from him, this is all I need.

"Are you okay sunshine?" tumango ako bilang pagsagot sa kanya at iniharap ko na sakin.

"You'll be paying your debt for this day" ngumisi ako sa kanya. I'm planning na lahat ng ginawa nya noon sakin ay babayaran ko. Like how he introduce me to his family, how he snake his arms around my waist, how he rest his arm in my shoulder, how he kiss me everything he did for me, I will fucking do that to him.

I giggled. I can't wait to see this day spending with him. Kumunot naman ang noo nya. "What happened?"

Umiling ako. "We both happened. Let's go na nga" hinawakan ko ang kamay nya para hilahin sya papasok ng sasakyan ko. Bago pa sya magtanong ay sinabi ko na sa bahay kami pupunta ay agad naman niyang pinasibad.

Habang nagmamaneho sya ay hindi ko mapigilang kiligin. I remember na one time his driving napilitan akong subuan sya ng fries at sundae at kailangan nya rin iyong bayaran. Pansin kong gusto niyang magtanong pero wala syang lakas ng loob gawin iyon.

Sakto namang birthday pala ni Mom ngayong araw na ito. Kagaya noong sa bahay nila na may kaonting salo-salo rin ay pinakilala nya ako bilang girlfriend so this time ako naman ang magpapakilala sa pamilya ko (except the fact that they are not treating me as one) na boyfriend ko sya. Para lang sa kabayaran sa utang niya. Para maging kwits kami, gagawin ko ito.

Nang makapasok sa bahay ay nakasalubong namin ang isa sa mga pinsan ko. Nagmamadali syang bumalik sa pinanggalingan. "Nandito si Zyrus!" malakas niyang sigaw upang ibalita ito sa mga naroon.

Napailing nalang ako at dumiretso sa paglalakad papalapit sa kanila. Pinasadahan ako ng tingin nila mula ulo hanggang paa pero hindi ko nalang iyon pinansin at lumapit nalang kina Mom na katabi si Zyra at ang fucker na boyfriend nya. This will be the last 'cause it sucks.

Naging tahimik ang paligid, inaabangan kung anong mangyayari sa pagitan namin. "Magandang gabi po" bati niya sa magulang ko hindi pa nakunteto at nagmano pa.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon