Kabanata 21

160 10 0
                                    

Kabanata 21
Trust

"For real ha Zyrus? Humingi ka ng paumanhin kahit na hindi ikaw ang gumawa? Tangina tapatin mo nga ako, hanggang ngayon ba ay umaasa kang tatanggapin ka ng pamilya mo kapag ginawa mo ito? Kapag inako mo ang kasalanan ng demonyo mong kakambal? Mag-isip ka naman, pinaglalaban ka namin sana naman ikaw rin. Hindi nga kami sumusuko sayo because we believe you deserve better than this kahit ngayon lang please isipin mo naman ang sarili mo" umiiyak na nakaluhod si Laimer habang sinasabi iyon sakin.

I promise to myself na hindi na ako iiyak pero heto at bumalik na naman ako sa tangang Zyrus, ang babaeng walang laban at kinakaawaan ng lahat.

"Hindi naman ako makukulong ng matagal kasi ano--"

"Hindi ko alam na ito ang ibabayad mo samin matapos ka naming bihisan muli at buuin ang pagkatao mo. We try our best para matakpan ang puwang sa puso mo kasi alam naming mahirap ang dinanas mo. Hindi ka naman magpapakamatay kung madali lang hindi ba?"

Simple lang naman ang plano ko. Aakuin ang kasalanan pero hindi ako mabubulok sa kulungan. Alam ko naman hindi ako pababayan ni Tita kaya kukunin niya ang papa ni Luis para ipagtanggol ako. Isa iyon sa tinitingala pagdating sa mga kasong napanalo na sobrang liit lang ng tsansang manalo ay nagwawagi parin sila.

"Hindi kita maintindihan tangina" lumayo si Laimer at sinundan ni Luis samantalang naiwan akong nakaluhod parin dito at si Renz na tahimik ngayon.

"Family is love" wika niya habang tinulungan akong makatayo. Nanginginig ang tuhod ko kaya inakbayan niya ako para maaalayan ng mabuti. Akala ko ay pupunta kami sa sasakyan pero hindi iyon ang ginawa niya.

"Renz" pagpipigil ko dito sa binabalak niyang gawin. Pagod ako at gusto ko lang magpahinga dahil alam kong anytime ay darating ang mga pulis para kunin ako at dalhin sa presinto.

"Love mo family mo eh love ka ba nila?" pagbibiro niya.

"I'm tired." ani ko pero tumawa lang sya.

"Kailangan mong kumain ng marami ngayon dahil mapangit ang lasang inihahain sa presinto."

Nakatulog na nga pala sya sa presinto kaya alam niya na ang mga takbo roon. Nakarating kami sa isang resto at hindi nga sya nagbibirong bubusugin talaga ako dahil sobrang dami ng inorder niya.

"Energy Zyrus, maraming magtatangkang patayin ka sa loob. Tiwala akong ikaw pa ang makakapatay pero please kailangan mong kumain. Kahit kaya mong pumatay kung gutom ka ay talo ka rin"

Hindi na ako nagtalo at sumubo na lamang nang sumubo. Ngayon ko naramdaman ang gutom dahil kagabi pa nga pala akong hindi kumakain. Buong oras akong pinanood ni Renz na halos maging baboy na sa dami ng nakain.

Nang mabayaran ang bill ay tumunog ang cellphone niya. Namumula ang tenga niya habang kinakausap kung sino man iyon.

"Ihahatid muna kita sa bahay bago ako makipagkita kay Rence" Umiling ako. Ayos na ako.

"Go on. Unahin mo muna ang love of your life mo. Huwag kang mag-alala hindi ko papatayin ang sarili ko kung iyon ang iniisip mo. Hindi rin ako tanga na didiretso sa presinto agad at aakuing ako ang pumatay. Mamamasyal lang muna ako bago umuwi" nag-aalangan pa sya pero at the end ay pumayag na rin.

Naglalakad ako para mahulawan sa kinain nang mapadapo ang tingin ko sa teddy bear na yakap-yakap ng isang batang babae. Hindi katulad noong bigay ni Ren sakin ay napakaliit nito.

Umiling nalang ako, bakit kailangan kong alalahanin ang lalaking iyon. Magtatatlong araw ko narin naman syang hindi nakikita marahil ay bago na naman syang girlfriend na magpapanggap.

Nang makunteto sa napuntahan ay pumara na ako ng taxi para makauwi na. Nakaambang papasok ako sa loob nang may brasong pumulupot sa bewang ko at hinila ako para makaalis doon.

Pigil ang hininga ko nang mapagtantong ang lalaking iniisip ko ay syang nasa unahan ko ngayon. Is this real?

Mabilis niya akong kinabig at ibinabaon sa dibdib niya. Pakiramdam ko tuloy gusto niya akong protektahan.

"I'm sorry" wika niya at mas hinigpitan pa ang yakap sakin. Did he just claim that he kiss my twin?

Nanatili kaming magkayakap na dalawa, ramdam ko ang init ng katawan niya. Why do I always feel safe whenever I'm in his arm?

Nagulat ako sa mapulang mata nito, pinipigilan ang pag-iyak sa harap ko.

"Forgiven" matamis akong ngumiti na ikinailing nya naman.

"No. Hindi ko ito deserve. Ma--"

Tangina! This time kumurot ang puso ko. I know hindi ako worth it pero ipinamukha pa. "Because you deserve better than me. You deserve someone who's worth it like my twin"

Mahigpit na naman niya akong ikinulong sa mainit niyang bisig. "Oh please Zyrus. I keep falling and falling for you" he kissed my temples matapos sabihin iyon.

What?

"I deserve you because you are more than worth it my sunshine" he kissed my forehead na nagpapikit sakin.

Natahimik ako at hindi alam ang isasagot. Hindi ko alam kung pansin nya ba ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko pero sigurado akong ramdam nya iyon dahil sa lapit ng katawan namin sa isa't isa, natatakot tuloy akong marinig niya kung anong isinisigaw ng puso ko. Tangina! Why am I being so corny?

"My sun--" naputol ang sasabihin niya nang may dumating na mga pulis sa pwesto namin para kuhain ako. Nagtataka sya nang nilagyan ako handcuffs.

"What is this Zyrus?" naiinis niyang asik at pilit akong tinatago sa dibdib nya mula sa mga pulis. Bakit naiiyak na naman ako?

"No. Hindi sasama ang girlfriend ko sa inyo!" malakas niyang bulyaw roon. Nakikipagtalo pa sya pero ako na mismo ang lumayo, kumawala sa yakap niya.

Mahihirapan lang kung masasangkot pa sya. "Alam kong wala kang ginawang kasalanan." naiiling niyang wika habang pinipigilan akong ipasok sa sasakyan ng mga pulis. Hindi naman sya nagtagumpay dahil nakapasok ako ng matiwasay at itinulak lamang sya ng mga pulis.

Nang magsimulang umandar ang sasakyan ay nagpatakan na naman ang mga butil ng luha ko. Sinusundan niya kami sa pamamagitan ng pagtakbo.

Umiiling ako sa kanya habang umiiyak pero wala syang ginagawa kundi ang tumakbo nang tumakbo. Ang habulin ang sasakyang umaandar. Kahit pagod na at pinagpapawisan ay hindi sya sumuko.

"Damn it Zyrus! Palalayain kita, trust me!" malakas niyang sigaw bago ito tumigil sa pagtakbo at nakahawak sa dalawang tuhod na hinahabol ang hininga.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. I trust you my Ren.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon