Kabanata 10

164 12 0
                                    

Kabanata 10
Last

Kanina pa ako nakauwi sa apartment ko at naghihintay nalang na landiin ng kasipagan para makapaggayak para sa mamayang kaganapan sa bahay nina Ren. Nagdadalawang isip pa nga ako kung pupunta pa ba ako, tinatamad na kasi ako.

Nakahiga ako sa kama ko habang nakatingin sa malaking teddy bear na inilagay ko sa upuang meron ako sa loob ng kwarto. Kapag nakikita ko ito ay naaalala ko ang dinner mamaya sa bahay nina Ren. Mukhang hindi na ako matutuloy dahil tamad na tamad akong kumilos. Bahala nalamang siyang magpaliwanag kung bakit hindi ako makakapunta. Hindi nya magagawang magtext o tumawag sakin dahil hanggang ngayon ay patay parin ang cellphone ko. Depende nalang kung pupunta sya ngayon dito at pipilitin akong sumama.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako kundi dahil sa ingay nang may bumagsak ay hindi pa ako magigising. Nagulat akong tumambad sakin ang isang pigura ng lalaki, nakatalikod ito sakin dahil nililinis ang basag na vase. Teka vase?

"The fuck! Anong nangyari sa vase ko?" naiinis kong asik. Lumingon sakin ang lalaki at napagtanto ko na si Ren ito. "Anong ginagawa mo rito?"

Ngumisi lang sya sakin habang hawak-hawak ang ilang piraso ng bubog ng vase na basag. "Papalitan ko"

Huminga ako ng malalim bago pa mas lalong lumaki ang galit ko sa ginawa nya. Hindi nya iyon kayang palitan o kahit ng buong buhay nya. Galing iyon kay Andrei noong first monthsary namin dahil naiinis na ako sa puro rose ang ibinibigay niya at nalalanta naman iyon kaya vase ang niregalo nya sakin para raw mabuhay pa.

Nakita kong may dumugo sa daliri nya. Kumuha ako ng walis at dustpan at ako na mismo ang naglinis ng kalat. Sinunod ko namang linisin ang sugat na natamo niya. "Upo" utos ko sa kanya. Kahit nagtataka ay sumunod sya sakin. Nagtungo muna ako sa cr para kuhain ang first aid ko at bumalik muli sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo ngayon sa apartment ko?" tanong ko sa kanya habang binubuhusan ng betadine ang sugat. Hindi ito sumagot sa tanong ko kaya sa inis ko ay alcohol ang ibinuhos ko. Pinanood ko ang mukha niya kung aaray ba o hindi pero tanging kagat sa ibabang labi lang ang ginagawa nya.

"Answer my question Ren" naiinis kong saad. Hinipihan ko ang sugat niya para maibsan ang sakit o hapdi at mabilis na nilagyan ng band aid.

"Hindi ka galit diba?"

"Galit ako at mas lalo pa akong nagagalit dahil hindi mo sinasagot ang tanong ko. Why are you here? Bakit nabasag iyong vase na nananahimik sa isang tabi?" seryoso ang mukha kong nagtatanong sa kanya pero mukhang wala siyang balak sagutin iyon. Lumayo muna ako sa kanya para ibalik ang first aid kit sa pinagkuhanan ko.

Bago ako pumanhik sa kusina para dalhan sya ng pagkain ay nagpunta pa ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone at buhayin ito. Naghanda ako ng maruya at juice para sa kanya. "Kumain ka muna" wika ko at tumusok nang niluto. Hindi ako magaling when it comes sa pagluluto pero atleast kaya kong lutuin kahit simpleng ganto lang. Inispread ko ang nutella na pinili nya noong nagrocery kami sa maruya. Not bad!

Ganoon rin naman ang ginawa nya. Kahit kumakain kami nang sabay ay tinatanong ko parin sya pero wala talaga syang sagot sakin. Hindi nya nga ako magawang tingnan sa mukha, tss!

"Anong oras ang salo-salo sa bahay nyo?"

"6" sa wakas ay sumagot rin ito. Sinabi ko sakanyang mag-aayos lang ako ng sarili bago kami umalis. Halos bente minuto rin ang ginugugol ko sa paggayak sa sarili. Ewan ko, pakiramdam ko ay hindi ako komportable.

Dala-dala ang itim na clutch ay lumabas na ako sa kwarto, seryoso ang mukha ni Ren nang makita ako. Napansin kong nahugasan nya na ang mga ginamit ko sa pagluluto. "Tara na" pag-aaya ko sa kanya. Hinintay ko pa syang maunang maglakad bago ako sumunod dahil kailangan kong siguraduhing sarado ang mga bintana at pinto bago tuluyang sumakay sa kotseng dala niya.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon