Kabanata 26

145 10 5
                                    

Kabanata 26
Episode

"I told you to stay in the hospital para hindi ka mahirapan tangina ka talaga Kiel" naririnig ko ang ungot ni Andrei pero hindi ko na sya pinansin dahil sumasakit na naman ang ulo ko.

Matapos naming magdate ni Ren sa kotse na subuan lang naman ang nangyari, subuan ng pagkain ay nagpaalam narin kami sa isa't isa dahil may sakit raw ang nanay niya samantalang nakaramdam naman ako ng konting kirot kaya nauna na akong bumaba roon. Hindi ko na nagawang magpaalam at laking tuwa ko naman ng agad niyang pinasibad ang kotse papalayo sa apartment ko.

Kahit nanakit ang ulo ay pinilit kong makaakyat sa hagdan. Natatanaw ko na ang pinto ng apartment ko nang makitang nakasandal roon si Andrei na nakapamulsa, napangiwi ako sa sakit.

Binuhat nya agad ako at ipinasok sa sasakyan niya. "You need to undergo an operation"

Umiling ako habang pikit ang isang mata at inaalam kung saan niya ako dadalhin. Napansin kong patungo na naman kami sa hospital kung saan niya ako dinala kahapon. Tss.

Kung hindi lang masakit ang ulo ko ay siguradong nasapak ko na sya sa pagbuhat sakin at kundi lang rin malalaman ni Ren na may sakit ako ay hindi ako sasama sa kanyang gago sya.

Nakatulog ako matapos maramdaman ang sakit. Nagising nalang ako nang marinig ang mga bubuyog na huni sa paligid.

"My daughter is awake! Nurse! Nurse!" naaninag ko si Dad ang nagsabi non matapos ay walang paring pagbabago sa nangyari. Kaonting tanong at pag-ilaw sa mata ko nadagdagan pa ng ct scan.

Nang maihiga muli ako sa hospital bed ay doon ko lang napansin na buo ang pamilya ko. Naroon si Mom at Dad kasama ang kakambal ko na si Zyra at syempre hindi mawawala ang boyfriend niya.

"Hindi nyo kailangang pumunta dito, nagsisimula ng matupad ang mga kahilingan nyo, heto na nga at unti-unti na akong namamatay" hindi sila nagsalita pero nanlilisik ang matang iginawad sakin ni Zyra. I wonder kung bakit inis na inis ito sakin kung tutuusin ay dapat ako pa ang magalit sa kanya, nasa kanya lahat ng gusto ko.

"Kung ang ipinunta nyo ay para hikayatin akong huwag ng magpaopera para mas mapadaling mamatay ako don't worry hindi talaga ako magpapaopera. I can die right now huwag na kayong mag-aalala pa. Huwag nyo ng isipin ang image ng pamilya nyo dahil wala namang nakaalam na anak nyo ako hindi ba?"

"Can you just be grateful kasi dinalaw ka namin dito?" pagod kong nilingon si Zyra, should I? Pero bakit hindi ko maramdaman ang pagmamahal nila?

"Don't tell me nag-aantay pa kayong sabihin kong salamat sa pagbisita nyo kasi tangina iyong boyfriend ko nga hindi ko masabihan kayo pa kaya?" natatawa kong wika sa kanila.

"I hate you, sana mamatay ka na talag--" hindi na natapos ng kakambal ko ang sasabihin dahil sinampal agad sya ni Dad. Napasinghap si Mom sa nangyari samantalang nanlaki lang iyong mata ko.

Naiiyak na tumakbo si Zyra papalabas ng kwarto kasunod nito ay si Andrei. "Leave me alone, hindi ko kailangan ng drama sa buhay ko. Sapat na ang ibinigay nyo sakin noon just go away and never come back again." umiwas ako ng tingin sa kanila. Inaantok na naman ako, bumibigay ang talukap ng mga mata ko.

"Mahal ka namin anak, believe us" napatunghay ako para salubungin ang mga titig ni Dad. He call me anak and it hurts na kaya lang ako tinawag na anak is because mamatay na ako. Nakikita lang nila ang halaga mo once na malapit ka ng mamatay.

Natawa. "Mahal mo ako pero hindi kasing laki ng pagmamahal mo kay Zyra. Mahal mo ako na kahit kailan hindi mo ako nabilhan ng laruan. Mahal mo ako na kahit kailan hindi mo ako nabati ng happy birthday. Mahal mo ako na umabot sa dalawang dekada bago mo ako natawag na anak? Worth it na ba ako ngayong may sakit ako ha Dad?" hinayaan kong tumulo ang mga luha ko, makita nila kung gaano ako kamiserable ng dahil sa pesteng anak na iyan. I long for that word, I waited na matawag na anak tapos ngayong may sakit ako at malapit ng mamatay ay tatawagin nila.

Umiiling lang si Mom habang umiiyak samantalang yayakapin sana ako ni Dad pero lumayo ako sa kanya. "I'm done Dad. Hindi ko na kaya. Pagod na ako. I quit long time ago tapos heto kayo tangina sisirain naman ang buhay ko. Masaya na ako na ganto, huwag na kayong makisali pa." ramdam ko ang panginginig ko habang nagsasalita. I just can't accept it easily.

"Kiel anak, we love you"

Umiling lang ako kay Mom. "Hindi Mom eh, mahal nyo ako kasi may sakit ako. Mahal nyo lang ako kasi malapit na akong mamatay" pinahid ko ang luha sa mata ko dahil wala na akong makita.

"Isang beses lang kitang nahele at nabuhat noong isinilang ka matapos noon ay hindi na nasundan pa dahil ang sabi ng doctor ay may sakit ka. Hindi kami naniniwala noong una kaya ilang test ang ginawa sayo bago pa kami maniwala. Ayaw naming maattach sayo dahil baka hindi namin kayanin kapag namatay ka na. Na baka sumunod kami sa langit dahil naroon ka na. Mahirap, sobrang hirap ng ginawa namin. Lumuhod pa ako sa doctor, nagmamakaawang operahan ka pero paulit-ulit lang ang sinasabi nilang napakaliit na tsansang mabubuhay ka pa." niyakap ni Dad si Mom habang patuloy na kinukwento sakin ang lahat.

"Minahal ng Dad mo ang nag-iisang anak na babae ng Yaya mo. Hindi namin alam na nagbunga ang pagmamahalan nila na isinilang si Julian. Inarrange sakin ang Dad mo kaya wala na itong naging balita dito. Ngayon lang rin namin nalaman na si Julian pala ang anak niya."

"Hndi ka namin naituturing na anak dahil binlack-mail kami ng Yaya mo, sya ang mag-aalaga sayo basta sustentuhan namin ang apo nya na si Julian, mahal na mahal ka namin kaya gagawin namin ang lahat. Kailangan naming protektahan ka kaya ginawa namin iyon, hindi kami nakielam dahil ang sabi niya'y papatayin ka niya kung sakaling may gawin kaming masama. Natakot kami dahil may sakit kang tumor kaya hindi na kami lumaban dahil baka mas lalong lumala lang."

"Namatay na si Manang pero bakit hindi nyo ako naituring na anak?"

"Tuwing may darating na bisita sa bahay, anak nagtataka kami kung bakit hindi ka lumalabas para sana maipakilala ka sakanila. Gaya ng pagsisimba namin na hindi ka isinasama dahil baka maistorbo ka namin sa pagpapahinga mo. Dyamante ka samin anak, you are a precious stone na kailangan ingatan, kailangang ikeep kasi kapag hindi namin ginawa mawawala ka samin ng panghabambuhay at ayaw naming mangyari iyon."

"Pero sabi ni Zyra hindi raw ako pwedeng lumabas dahil ikinahihiya nyo ako" malinaw pa sa memorya kong lagi akong pinapaalalahanan ng kambal ko na huwag na huwag lalabas ng kwarto dahil ayaw akong ipakilala nina Dad sa mga kaibigan nila.

"No. We are never ashamed of who you are because you are my precious daughter, mahal na mahal ka namin"

Patuloy lang akong umiiling. Hindi eh, ginagawa lang nila ito kasi mamamatay na ako. "Paano nyo ipapaliwanag sakin iyong sa school noon?" napapikit ako sa sakit ng ulo ko. Unti-unti ko na naman itong nararamdaman.

"Lagi ka naming tinatawag na anak, Zyrus. Walang araw na hindi ka namin tinawag na anak, hindi mo lang siguro naririnig sa harapan mo pero kung paano ka namin ipagmalaki sa mga kaibigan namin, always."

Nanghihina akong napaluhod sa sahig at nahawak sa dibdib ko, hindi ako makahinga. "Tumigil kami anak, lumingon kami sayo pero huli na bec---"

Nararamdaman ko ang sakit ng ulo ko pero wala akong malanghap na hangin. Shit. Mabilis akong dinaluhan ni Mom, niyakap nya ako habang umiiyak at umiiling samantalang sumigaw nang sumigaw si Dad ng nurse.

Pero hindi iyon nakatulong. Halos sampung segundo na akong hindi nakakahinga habang umiiyak. Gusto ko pang mabuhay.

"Anak breath" naiiyak nilang saad pero hindi ko narin nagawang umiling dahil sobrang hinang-hina ko na.

I gasped for air pero walang nangyari, wala akong hanging malanghap. Pakiramdam ko pinagkakaitan ako ng tadhana para sa hangin.

"Please breath I'm begging you anak, breath" Patuloy ang pagtulo ng luha ko, hindi alam ang gagawin.

And that day I turned to blue after 25 seconds of no breathing and I believe I made my first kind of episode.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon