Kabanata 2

539 22 3
                                    

Kabanata 2
Bakla Ka Ba?

- Z Y R E N -

"Son, ayoko mang itanong ito pero gagawin ko parin. Bakla ka ba?"

Hindi na bago sakin ang tagpong ito. Ang tingin ng pamilya ko o kahit ng kamag-anak namin ay isa akong bakla dahil sa hindi nila nakikitang may kasama akong babae kumpara sa kuya ko at mga pinsan na palaging suki ng bar. Nakakainis na ang depinasyon nila ng lalaki ay iyong may kasamang babae o di kaya'y may kasintahan.

Hindi ba pwedeng isama nila ang katulad kong hindi tipo ang magjowa dahil natatakot na masaktan. Naalala ko pa noon kung paano tumulo ang luha at magkayat ang uhog ni Kuya noong broken ito sa babaeng dalawang taon niyang kasintahan. Nakaiskor na raw sya dito pero nagawa parin siyang saktan at iwan. Maganda naman raw ang performance nya at alam niyang satisfied ito pero hindi nya parin maisip kung bakit nagawa syang ipagpalit.

Makalipas naman ang isang linggo ay dalawang babaeng pinsan ko ang nag alak na magpakamatay dahil lang sa iniwan sila ng boyfriend nila.

"Papa ito na siguro ang tamang panahon para malaman nyo." pagbibiro ko sa kanya. Tumuwid ito nang pagkakaupo sa swivel chair at bahagyang kumunot ang noo. Gusto kong tawanan ngayon ang hitsura niya pero mamaya na iyon.

"Bakla talaga ako" seryoso ko itong sinagot sa kanya. Mabilis na tumalim ang tingin nya sakin at huminga ng malalim. Mukhang ano mang oras ay bubulyawan niya ako sa galit.

"ZYREN GOCHIACO!" malakas nitong sigaw. Dahil doon ay naalarma siguro ang mga nasa labas kaya biglaang napapasok ang dalawang chismosa.

"Anong nangyayari?" nag-aalang tanong ni Inay habang dinaluhan si ama na matalim parin ang pinupukol na tingin sakin samantalang tinapik naman ako sa balikat ni Kuya.

"Iyang anak mo bakla raw, hindi ko iyan matatanggap." naiinis na paliwanag ni ama. Nanlaki iyong mata ni inay sakin at malakas na sana itong sisigaw ngunit binawi ko agad ang sinabi ko.

"Lalaki ako, nagsasarili ako araw-araw." sagot ko at malakas na tumawa. Hindi ako bakla pero natatawa ako sa ekspresiyon ng mga mukha nila. Mukhang papatay ng isang hayop si papa samantalang gulat na gulat naman si inay.

"Anong pake namin sa pagmamariang palad mo? Hindi naman iyan basehan ng pagiging lalaki kahit bakla ay ginagawa iyan." pakikisabat ni Kuya. Hayop talaga ang isang ito.

Para matapos na ang alanganin nila ay sinagot ko sila ng isang kasinungalingan. "May girlfriend ako."

Hindi ako bakla at kahit kailan ay hindi ko naisip na maging bakla. Wala rin naman akong naging girlfriend o kahit ano pero kung ito lang ang lusot ko then let's do this.

"Ipakilala mo kami ngayon rin."

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon