Kabanata 8

187 10 0
                                    

Kabanata 8
Smiley

Nakasanayan ko nang maging maaga sa pagpasok dahil katulad lamang rin ako ng mga tipikal na estudyanteng gumagawa ng mga homeworks sa loob ng silid-aralan tuwing umaga habang wala pang klase.

Dalawa nalamang ang natitira kong gagawin, itong movie review at kailangang isolve na balance sheet na talagang nakakadugo ng ilong, utak at puso. Hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan ang sarili ko kung bakit pinili nitong kuhain ang course na Business Management.

Kalahati na kaming nasa loob ng silid at halos kinse minutos nalamang ay magsisimula na ang klase. Natapos ko na ang mga gawain at ngayon ay nagmamasid sa mga kaklase kong pandalas sa pagsosolve at pagsusulat. Minabuti kong umob-ob at ipikit ang mata.

This is my routine everyday. I am not an outcast, I just want to be alone. Dahil gaya nga ng sabi ko ayoko nang maattach sa iba because at the end lumalayo rin naman sila.

Hindi dumating ang prof namin na ikinatuwa ng ilan pero mas lamang ang umungol. Malapit na kasi ang exam at dalawang beses palang iyong nagpapakita samin. Nang sumunod na klase ay nakakatuwang may dumating na prof, akala kasi namin baka lahat sila hindi na naman umattend. Isang oras na ginugol ko sa pagtetake down notes sa presentation niyang powerpoint habang taimtim na nakikinig sa sinasabi nyang paliwanag sa bawat slides.

Mag-isa akong naglalakad patungo sa canteen. Recess na namin at kailangan kong busugin ang sarili para sa madugong labanan namin mamaya para sa exam. Masayang nakikipag-usap ang mga estudyante sa barkada o tropa nila sa iba't ubang lugar dito sa school. Ang iba nasa may hardin, nakaindian seat sa damuhan habang nanonood ng practice ng mga varsity samantalang heto ako mag-isang kumakain sa loob ng silid. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone sa bulsa ng suot kong palda. Kinuha ko ito at inopen ang isang mensahe galing sa hindi ko alam na numero.

"Anong ginagawa mo ngayon?" basa ko sa mensahe na natanggap. Inilapag ko muna ang burger na hawak at nagtipa ng isasagot na kumakain ako. Walong minuto pa ang lumipas bago ito nagreply.

Eat well :)

Napailing nalang ako at hindi na nagreply pa. Sigurado akong si Ren ang nagtext. Siguro ay may klase siya kaya matagal bago nakareply. Hindi ko na ito aabalahin pa at baka akusahan akong panira sa klase o pag-aaral niya.

Inihagis ko ang botelya ng tubig na may plastic ng burger sa loob at walang palya itong pumasok sa basurahan. Natapos ang dalawang oras na pag-eexam at sunod nito ay lunch break na.

Hindi ko na kailangang makipagsiksikan sa mga dugyot na makikipag-agawan para bumili ng kanin at ulam dahil may dala na akong luto kong pagkain para sakin. Bubuksan ko na sana ang baon ko nang magbeep na naman ang cellphone ko.

Lunch?

Tinext ko ito ng oo at huwag na akong istorbohin pa. Ayoko ng istorbo habang kumakain. Hindi na ako nagulat sa biglaang pagtawag niya, ganito sya kakulit tss! Sinagot ko iyon para magtigil na sya. "I'm eating Ren huwag kang bastos" uminom muna ako ng tubig bago sumubo muli.

[Gusto ko kasing sabay tayong maglunch] rinig ko pa ang pagnguya niya. Ang bastos talaga.

"Huwag ka ngang magsalita nang may laman ang bibig and the hell it is, hindi tayo sabay maglunch huwag kang assumero"

[We're both eating our lunch] pinal niyang saad, hindi na ako nagsalita pa at kumain nalang muli.

"Susundin mo ko bukas?" I asked him tungkol sa pagpunta ko sa bahay nila dahil mga sa darating niyang mga auntie na may kaonting salo-salo. Sakto naman kasing tatlong subject lang ang ipapasok ko.

[Looks like my Zyrus missed me so much. I miss you too.] naduwal ako sa sinabi nya. Eww.

"I did not miss you. Ni hindi ka nga sumagi sa isip ko. Ang ibig kong sabihin ay iyong pagpunta ko sa bahay nyo. You can text me kung saang lupalop kayo nakatira at pwede kong pasabugin nalamang kasama ka."

[But I do miss you. Lagi kang sumasagi sa isip ko. Susunduin kita don't worry. Ang bitter mong girlfriend]

"I never become a sweet girlfriend"

[So you're accepting na girlfriend na kita?]

"Still no. Hindi ka gwapo"

[But you told me na huwag akong mag-aalala kasi mas gwapo ako sa ex mo]

"Did I?" patay malisya kong tanong. I remember na sinabihan ko nga sya kahapon pero hindi parin sya ang tipo kong lalaki.

[Denying huh?] natawa ako sa sinabi niya. Hindi naman sa dinideny pero parang ganong na nga. [Video call tayo]

Nilunok ko muna ang kanin sa bibig bago nagsalita. "Why so demanding Ren?"

[I want to see your face]

"Hindi pa ba sapat ang boses ko?"

Natahimik sya kaya ganoon rin ang ginawa ko. Mukhang nawala ito sa kabilang linya, hindi ko alam kung bakit di ko magawang babaan sya. Nag-eenjoy pa akong kausap sya kahit wala na naman akong kinakausap.

"Ren?" Hindi ito sumagot. Ninamnam ko nalang ang kinakain. Nang malapit nang maubos ay muli kong tinawag sya. "Zyren" pagtawag ko muli sa kabilang linya, umaasang sasagot na sya.

[I'm still here]

"Anong oras ang sunod mong klase?"

[Kanina pang nagsisimula]

"What? You mean nagkaklase na habang katawagan mo ako?"

[Ganon na nga] umiling ako. Bakit ba mukhang gulat na gulat pa ako sa inasta nito eh kung tutuusin ay walang bagay na hindi nya magagawa.

"Fighting Ren! Bye" hindi ko na inantay pa ang isasagot nya at binaba na agad ang tawag. Hindi na ako nagtakang makatanggap ng text galing sa kanya.

I'll root for you my Zyrus. :)

Ang hilig nitong maglagay ng smiley emoticons. Tss. Tinago ko ang cellphone sa bulsa, inilagay ang baonan sa loob ng bag at nagsimula na muli ang klase.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon