Kabanata 13

177 9 0
                                    


Kabanata 13
Goodnight

Naalala ko noong nakabasag sya ng vase na galing kay Andrei, nagselos din ba sya roon? He's like this, hindi sinasagot ang tanong ko, tahimik lang pero nasa tabi ko parin anytime.

"Kelan pa?" nakanguso na sya ngayon habang nagtatanong. Tss. Ang arte hindi nalamang itinanong kung sino iyong lalaking kasama ko. At kailangan pang humantong sa ganto.

"So nagsend nga si Kuya Roa ng picture naming dalawa sayo?"

Tumango sya matapos ay bumaba na ng kotse. Nandito na kami sa apartment ko. Bababa na sana ako pero nauna syang nagbukas ng pinto ng sasakyan.

"Birthday nya ngayon that's why I gave him a cake" ipinulupot nya na naman ang braso nya sa bewang ko. Tumango-tango na sya na parang aso. Mukhang syang tanga kapag ginagawa iyon.

"Matagal na kayong magkakilala?"

"No. Not really but I really treasure him" he prevent me from killing myself. He'll remain as my superhero.

Tumigiil sya paglalakad at hinarap ako. "You treasure him?"

"Long story"

"I can listen. No! I will definitely listen to that long story"

Hinarap ko sya habang nakasandal sa saradong pinto ng apartment ko. "You'll get bored."

Kinurot niya ang pisnge ko. "You're cute" wika nya pa. Nanlilisik ko syang tiningnan. Ang kapal ng mukhang pisilin ang pisnge ko. Medyo masakit.

"What?" nagtatakang tanong niya na parang walang ginawang kasalanan sakin. Kinapa ko ang susi sa bulsa para makapasok na kami. Naramdaman ko naman ang pagsunod nya sakin.

Nagpaalam ako sa kanyang magpapalit lang ako ng damit at binilinan syang manatiling nakaupo sa silyang naroon at huwag maglilikot. Natatawa pa ako habang nagsasalita sa unahan nya dahil mukha akong nanay na nakapamaywang pa.

"Wala kang family picture?" salubong niya sakin nang makalabas ako ng kwarto ko. Nakatayo sya sa may living room habang nakatingin sa mga picture frame na nakadisplay doon, halos larawan ko naman ang naroon, ang iba ay kasama ko si Andrei at ang ilan din naman ay si Julian na usbaw.

"Gutom ka ba ulit?" nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng kape. Naramdaman ko naman ang presensiya nya sa gilid ko.

"Bakit wala kang family picture?" kinuha niya ang tasa ng kape ko at sumimsim doon.

"Sinong may sabing inumin mo ang kape ko?" pero pumikit lang sya at ninamnam ang lasa ng timpla ko.

"Ayaw mo ba sa matamis o allergy ka?" tanong nya sakin matapos ay hinayaan ko syang gawin ang kung anong gusto nya sa kape ko at naupo sa sofa para manood.

Taimtim akong nanonood ng palabasa sa tv nang ipulupot nya na naman ang braso sa bewang ko. "What are you doing?" pero parang wala syang narinig at inihilig pa ang ulo sa balikat ko.

"Answer my question."

"Long story" nakakainis. Bakit ba paulit-ulit niyang itinatanong kung bakit wala akong family picture? Definitely kasi hindi naman ako kasama sa pamilya nila, we haven't done any pictorial. Lagi silang tatlo. I remember na may nakahanging na picture frame sa loob ng kwarto nina Mom at syempre silang buong pamilya ang naroon, si Mom, si Dad at si Zyra. Bakit ko pa ipagsisiksikan ang sarili sa kanila diba? They are happy, I'm sure of that and I'm trying to be happy too.

"I'll listen." umiling nalang ako. Umayos siya ng tayo, he cupped my face. Matagal kaming nagkatitigan. Pakiramdam ko nga nagsisimula nang mamula ang mukha ko. Rinig ko rin ang malalim niyang paghinga.

"I'm a good listener, trust me." hindi ko alam kung anong nangyari sakin at napatango ako but still, I keep my mouth shut.

"I'll tell you everything but not this time." naramdaman ko ang paggapang ng kamay nya sa kamay ko. Dinampian nya ito ng halik.

"I can wait." gamit ang isang kamay ay kinuha nya ang cellphone nya. Pilit niyang inihaharap ako roon.

"Siguraduhin mong papalitan mo ang mga larawang nakadisplay roon ng mga litrato natin."

"Bakit ko naman gagawin iyon?"

"Dahil ako si Ren ang boyfriend mo." nakangiti pa sya habang panay ang pagpindot sa cp nya. Mukhang ang dami nitong nakuhanan litrato naming dalawa pero sigurado akong lahat iyon ay epic.

Mabilis akong humigop ng kape na nasa may lamesa. Masyadong matamis, feeling ko magkakadiabetes pa ako. "Hindi ka pa uuwi?" pagtatanong ko rito.

"Sino munang mas gwapo samin ni Andrei?"

"Wala ka bang mata?"

Uminom rin sya ng kape. "I want to hear it from you."

"Ano ba sa tingin mo?"

"Andrei" tipid niyang sagot. Hinarap nya ako matapos ibaba ang tasa sa lamesa. Mabilis niyang hinalikan ang noo ko and the fuck kung hindi ako mapapikit sa biglaang kilos na iyon.

"Goodnight" huli niyang sinabi bago umalis.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon