Kabanata 6

214 13 0
                                    

Kabanata 6
Hindi Iiwan

"Hindi ka na tatanggi ngayon dahil gutom na ang mga alaga mo" pagbibiro ng papa ni Ren. Nagtawanan sila kahit hiyang-hiya na ako. Nauna silang maglakad papunta sa lugar kung saan kami kakain mapero kay Ren na talagang umakbay pa sakin. "Anong gusto mong kainin?"

Kahit nagtataka sa tanong niya ay sinagot ko iyon. "Hindi ako mapili" ngumiti samin ang ilang crew nang makapasok kami. "Wala kang favorite?"

"Wala" ilang beses na akong nagugulat sa mga aksyon ng lalaking ito dahil ngayon naman ay pinaghila niya ako ng upuan para makaupo.

"Ayoko ng vegetables kung sakali mang magtanong ka." umupo na ito sa tapat ko at ganoon rin naman ang pamilya niya. Ngayon ay busy silang magtingin ng mga menu.

"Inay masarap ang crab nila dito"

"Hindi inay, maniwala kayo sakin mas masarap ang pasta nila. Makakalimutan mo ang pangalan mo kung sakali mang matikman mo iyon."

"Son, medyo bawasan ang pagiging oa nakakahiya sa girlfriend mo. Pero mukhang masarap ang tenderloin steak nila dito."

Nanonood lang ako sa kanilang tatlo na nagtatalo sa dapat na iorder ng inay nila. I wish I can have a family like this.

"Nakaorder ka na ba anak?" tumango ako sa kanila at sinabi ang gusto kong kanin ngayon umaga. I didn't know that calling me 'anak' can feel like this, iyong parang nag-uumapaw sa saya, feeling mo safe ka sa piling nila. Hindi ko nga aakalaing iyong uhaw na uhaw ako sa pagtawag sakin ng anak ay ngayon ko maririnig sa taong hindi ko pa kadugo at kakikilala palamang.

Hindi naman nagtagal ay dumating rin ang mga order namin. Pinilit ko ang sariling hindi kumain ng marami dahil nakakahiya sa pamilyang kaharap ko ngayon.

Maingay at magulo iyon ang maririnig sa table namin dahil sa nagtatalo na naman sila, magpapatayan pa ata sa natitirang ulam. Nagtataka nga ako kung bakit hindi sila sinusuway ng crew dito. Well siguro ay hindi rin naman sila nakakaistorbo sa iba.

Napansin ko ang repleksyon ko sa isang basong nakaharap sa akin na humahagalpak sa tawa habang pinapanood sila. Sumeryoso ang mukha ko. I excuse myself na pupunta lang sa comfort room, kailangan ko lang humiwalay sa kanila. Madali akong maattach sa bagay-bagay o kahit sa tao at nakakalungkot man pero lahat ng iyon ay nawawala rin na parang bula sa harapan ko. Ayokong mapalapit sa iba dahil sa huli ako lang rin ang iiyak, ako lang ang masasaktan.

Nang maayos ang sarili sa salamin ay naghugas muna ako ng kamay bago lumabas. Hindi ko aakalaing sinundan na naman ako ni Ren dito, nakasandal ito sa may dingding sa harap ng cr. "Bakit?" I asked him.

"Okay lang naman sakin kung hindi ka pumunta pero mas okay sakin kung pupunta ka talaga para may maipakilala akong girlfriend at hindi rin nila ako sumbatan na bakla."

"Why does it sound na kinokonsensya mo ako ngayon?" natatawa kong pagbibiro sa kanya. Inakbayan na naman ako nito at wala na akong nagawa roon habang naglalakad.

"Ibig sabihin ba non pupunta ka sa bahay?" tumango ako. "You're lucky to have a family like that" nguso ko sa pamilya niyang kinakausap ang isang crew, marahil ay magbabayad ng kinain namin.

"Sobrang lucky ko rin namang nakilala ko." natigilan ako at napatingin sa mukha niyang seryoso ngayon. Anong swerte siyang nakilala ako? Anong ibig sabihin ng lalaking ito?

Maybe kasi hindi na sya aakalaing bakla pa. That's it at wala ng iba pa Zyrus. "Treasure mo family mo kasi hindi lahat nabibiyayaan ng ganiyang pamilyang katulad ng meron ka." Katulad ko, pinagkaitan ng mundo.

"Treasure rin kita kasi hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong makilala ang isang tulad mo."

"Bakit feeling ko ginagaya mo ang mga sinasabi ko?" hinarap ko ito pero ang gago pinisil lang ang ilong ko.

"Son, ayokong sirain ang moment nyo but I need to tell you na mauuna na kami at marami pang kailangang gawin, ihatid mo si Zyrus ha" nakipagbeso-beso pa sakin ang papa niya at niyakap naman ako ng inay nito. Bumulong pa sya na sobrang saya niyang makitang may kasintahan na ang anak nya, if alam nya lang na nagpapanggap kami siguradong hindi ito matutuwa.

Nang kapatid na niya ang magpapaalam sakin ay itinago nito ako sa likod niya. Nakipagtitigan lang ang dalawa bago natatawang umalis ang kuya niyang humabol pa ng kindat sakin.

"What?" naiinis nitong saad sakin. Kanina ang saya-saya niya ngayon naman ay naiinis sya. Mukhang may dalaw si Ren ngayon. Sabay kaming naglakad papalabas ng resto. "Hindi mo na nga pala ako kailangang ihatid, kaya ko namang umuwi mag-isa." pagpapaliwanag ko. Baka kasi nakakaistorbo na ako.

Matalim niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. May nagawa na naman ba akong mali? "May problema ba?"

Sasagot na sana ito nang marinig ko ang isang boses na nagpanginig ng tuhod ko. Kinakabahan ako iyon ang nararamdaman ko ngayon. "Kiel"

Lumingon ako kay Andrei, inaasahan ko nang kasama niya ang kakambal ko ngayon at hindi naman ako nabigo. Magkahawak ang kamay nilang dalawa. "It's Zyrus"

"Huwag ka ngang maarte, magpasalamat ka nalang na tinatawag ka parin ng jowa ko sa pangalang sya lang ang may karapatang tumawag sayo kahit na hindi naman na kayo" sabat naman ni Zyra, ang higad kong kakambal.

"Hindi ba't dapat ikaw ang magpasalamat sakin? Kundi ko sana inuluwa ang isang tulad niya ay hindi naman sya mapapasayo hindi ba?" naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Ren sa bewang ko. Hindi ko iyon pinansin at walang emosyong hinarap ang isa sa mga dahilan kung bakit nabulag ako sa kalungkutan.

"Baka nakakalimutan mong bago pa kayo maghiwalay ay naagaw ko na sya sayo. He chose me over you." nakasmirk pa ito nang sumagot sakin.

Bubuka na sana ang bibig ko para labanan ang side ko, hindi ako pwedeng magpaapi pero nakakagulat na nagsalita si Ren. "If he choose you hindi mo ako makilala diba? Wala kang Ren ngayon at wala akong Zyrus na pagmamay-ari ko. Don't worry, I will always be by your side. I will choose you forever and ever." mas humigpit ang hawak nya sa bewang ko. Hindi ko alam ang dapat na ireact sa sinabi nito. Hindi ba nagpapanggap lang kami? Laking gulo ito kapag nangyari.

"And you are?"

"Ren, her future husband but for now her boyfriend." nakahalad ang kamay nito sa harap ng dalawa. Naiinis na umalis si Zyra habang hila-hila si Andrei na napipilitan lang. Naiwan tuloy kaming dalawa.

"Bawas na ba utang ko sayo?" umiling ako sa kanya at tinampal ang kamay niya na nasa bewang ko parin hanggang ngayon. Hindi nya naman iyon inalis at nakakunot lang ang noo sakin.

"Wala sa bokabularyo ko ang magpasalamat so if you are waiting na sabihin ko iyon sayo then sad to say hindi ko iyon magagawa." Not this time, not this place, not with you.

"Gwapo ng ex mo"

"Don't worry mas gwapo ka roon." natigilan sya sa paglalakad kaya ganoon rin ang ginawa ko.

Naconscious naman ako sa paraan ng pagtingin nya, seryoso kasi ang mukha niya. "Mas maganda ka rin doon" pagchecheer-up niya. Parang ewan 'to, mas hamak naman na mas maganda ang kakambal ko kumpara sakin.

"Pero iniwan parin" natatawang biro ko. Okay let's say na mas maganda nga ako kay Zyra pero nagawa parin naman akong iwan.

"Pero hindi ka naman iiwan nito" tinuro niya ang sarili na mukhang proud na proud at desedidong hindi talaga ako iiwan. Mabilis naman akong umiwas ng tingin.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon