Kabanata 24

165 9 3
                                    

A/n: Hi Jhinxiane, thank you for reading and voting this story.

Kabanata 24
Closure

"Anong gagawin mo kung may isang oras ka nalang na natitira para mabuhay?" seryoso akong nakikinig sa sinasabi ng isang lalaking nasa may gitna ng stage at may hawak na microphone. Nagtipon-tipon kaming mga estudyante sa cover court ng school para makarinig ng walang kwentang speech. Tss.

"Iyan ang tumatak sa isipan ko nang minsang magvolunteer sa isang hospital. Maraming mga batang naroon ang patuloy na lumalaban sa sakit nila kahit hirap na hirap na. They wanted to survive in this cruel world." uminom muna ng tubig ang speaker bagl itinuloy ang sinasabi.

"Paano sila lalaban kung ipapamukha sa kanilang limitado ang bilang ng araw nila, sasabihin sa kanilang may natitirang segundo, minuto, oras o araw nalang sila sa mundong ito? Gusto nilang mabuhay pa, gusto nilang umasa pero hindi nila maituloy. Napapagod na silang lumaban sa buhay kung ang pamilya nilang inaasahang magiging sandigan ay sya pang bumaba ng kompyansa sa sarili."

Napaisip ako kung tinanggap sana ako nina Mom and Dad as part of their family hindi ako ganito ngayon. Hindi ako mapapalayo sa loob nila.

Nagmadali na akong umalis sa lugar na iyon dahil nakakaramdam na ako ng kirot sa ulo ko. I need to rest. Habang naglalakad ay patuloy ang pagsakit ng ulo ko, hindi ko alam kung paano ko nagagawang maglakad parin na hindi umiiyak at iniinda ang sakit.

Kagat-kagat ko ang ibabang labi para pigilang mapahiyaw sa sobrang sakit. Parang binibiak ang ulo ko, pakiramdam ko pa'y may pumupokpok dito. Napailing ako. Kulang lang ako sa tulog.

Nauntog pa ako sa dibdib ng isang tao dahil doon ay mas lalo lamang sumakit. Napaatras ako sa biglang pagkabangga at alalamin na sana kung sino ito nang hawakan niya ang batok ko at isandal ang noo ko sa dibdib nya. "You need to rest Kiel" iyon ang sinabi nya bago haplusin ang buhok ko.

Gustuhin ko mang murahin ito at ipaalalang hindi na ako si Kiel pero minabuti ko nalang na pumikit habang pinipigilang mapaiyak. Sobrang sakit. Gusto kong magmura, biyakin ang ulo ko, saktan ang sarili kasi hindi ko maipaliwanag ang sakit na lumulukob sa pagkatao ko ngayon.

Nakakaramdam narin ako ng pagkahilo. Bumibigay na ang talukap ng aking mga mata. Nangatog ang tuhod ko na nagpawalang balanse sa pagkakatayo ko, matutumba na sana ako ngunit naramdaman ko ang mainit na bisig ni Andrei na sumalo sakin bago pa ako mahulog sa malamig na sahig.

"---magiging succesful ang operasyon but we need to do it bago pa mas lalong lumaki ang mga ito." naririnig ko ang boses ng mga nagsasalita. Minulat ko na ang mata para malaman kung nasaan akong lugar at kung ako ba ang pinag-uusapan nila.

"Ms. Gatip" nagulat ang isang babaeng nakasuot ng puting lab coat at dinaluhan agad ako. Marami siyang tinanong sakin na kahit hindi ko alam kung para saan ay sinagot ko matapos ay chineck rin nila ang mata ko matapos ay naiwan kaming dalawa ni Andrei sa loob.

Ngayon ko napansing nasa hospital pala ako, akala ko kasi ay dadalhin nya ako sa bahay niya at ipapatingin nalang sa family doctor nila pero hindi niya iyon ginawa. Tss.

Pinilit kong makaupo na hindi nya tinutulungam nag-aalala akong baka maisip nitong mahal ko parin sya at isa pa itong si Ren na baka magselos na naman at hindi ako kausapin.

"Feeling better?" tanong niya tsaka naglahad ng gayat na mansanas sa harapan ko. Walang gana ko siyang tinapunan ng tingin.

"Why am I here?" hindi nya ako pinansin at tumusok nalamang ng mansanas matapos ay inilahad sa bibig ko.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon