Kabanata 18

151 10 0
                                    

Kabanata 18
Picture

"I don't believe in that picture because I trust you Zyrus anak, you are so inlove with my son so paano mo iyon magagawa hindi ba? I'm glad I trusted you" niyakap ako ng mahigpit ng Inay ni Ren.

"Kailangan nyo munang makagraduate bago gumawa ng mga apo namin okay?" boses iyon nong Mama ni Ren. Nasamid naman ako sa sariling laway. Ano namang naisipan nila at gagawa agad kami ng baby? Ni hindi nga kami magjowa, baby pa kaya. Tss!

"Po?" magalang kong pagtatanong baka sakaling mali lang ang rinig ko.

"Ang sabi nitong si Roa ay nagpaplano na kayong gumawa ng apo namin. Ang sakin lang, bata pa kayong dalawa. Wala pang napapatunayan sa buhay kaya maghinay-hinay kayo, nagkakaintindihan ba tayo?" that's Ren's Dad.

Hala? Hayok na hayok ba kami sa isa't isa para mauwi sa apo agad nila? Naramdaman ko ang paggapang ng braso ni Ren sa bewang ko. "Oh come on! Alam nyo namang hindi ko iyon gagawin." sya na ang sumagot.

"Pero nakakaintindihan ba tayo Ren?" may-awtoridad ang boses ng papa niya.

"Yes, I understand."

Hinarap ako ni Kuya Roa. "Bakit ka muna nakapatong sa kanya kung ganoon?" mukhang hindi kami titigilan sa kakatanong ng bwesit na'to.

"Tangina ka talaga!" pagmumura nya sa sariling Kuya.

"Bakla ka talaga bro, ni hindi mo pa ata nahahalikan si Zyrus."

"Hoy ang kapal ng mukha mong hayop ka" bulyaw niya. Nakisabay nalang ako sa tawa ng mga magulang niya. Ang cute nilang mag-asaran. Sobrang saya siguro kung ganito rin kami kaclose ni Zyra. At kung ganito rin ako ituring ng mga magulang ko, siguro hindi ako ganto ngayon.

Nagtuloy-tuloy ang pag-aasaran nila na nauwi sa pagkapikon ni Ren mabuti nalang at agad na umawat ang inay nila para tumigil nila. Mukha kasing magpapatayan na ang dalawa. I don't know kung normal iyon o hindi sa magkakapatid.

"Pagpasensyahan mo na kung magulo ang dalawang iyan. Wala eh, ganyan talaga ang magkakapatid laging nagbabangayan. Ikaw, may kapatid ka ba?"

Nong una ay naghehesitate pa ako kung sasagot pero si Ren na ang nagsalba sakin. "Inay si Kuya may bagong jinojowa"

"Ano? Hoy Roa hindi ba't sinabi ko na sayong huwag ka munang magnobyo at baka masaktan ka na naman. Hilom pa ang sugat na nakuha mo sa first love o kung ano pa mang kagaguhan ang tawag mo doon." pangangaral ni Inay.

Masama ang tingin ni Kuya Roa kay Ren na nakabungisngis. "Patay ka talaga sakin" naghabulan pa silang dalawa na nauwi sa pagpalo ni inay sa pwet nila.

"Kayo talagang mga bata kayo. Hindi nyo na pinagpahinga ang inay niyo. Ikaw ha Zeroanio tigil-tigilan mo ang bunso mong kapatid ngayon lang yan nagkagirlfriend, ngayon lang tumitigas ang junior niyan. Ikaw naman Ren hindi ka na nahiya na nakikipagbanggayan ka pa sa kapatid mo sa harap ng nobyo mo. Tamo kayong bata kayo kapag hindi ako napagbigyan ng inay nyo mamayang gabi" suway ng Papa nila dahil doon ay natawa silang lahat, pilit ko nalang sinabayan kasi nakakahiya kung ako lang itong poker face.

"Iuuwi ko na muna si Zyrus, inay" pagpapaalam nito nang matapos kaming kumain.

'"Mag-iingat sa pagmamaneho Ren"

"Opo maganda kong inay" humalik sya sa pisnge ng nanay nya.

"Papa mauna na kami"

"Babalik ka ha! Babalik ka" pagpaala nito matapos ay nagmano ako sa kanilang dalawa.

Hindi naging tahimik ang byahe namin dahil kapag kasama mo ang isang lalaking nangangalang Ren na hindi napapasma ang bibig ay puro kwentuhan at asaran ang magaganap.

"Anong pinangalan mo sa teddy bear na bigay ko?" sumulyap ako sa mukha niyang seryoso habang nagmamaneho.

"Kailangan ba may pangalan?"

"Iyong bigay mo nga sakin may pangalan na, bakit yong sayo wala pa?"

Napataas ang isang kilay ko. "Anong ibinigay mong pangalan?"

"Secret"

"Secret mo mukha mo Ren, ibalik mo na nga 'yon sakin. Ang mahal-mahal ng binayad ko para lang mabili yon tapos ipagdadamot mo pa sakin ang pangalan. Ayos ka rin eh"

He grin like a joker. "Akala ko ba galing sa basurahan." hindi ako nakaimik. Tuwang-tuwa sya sa ganitong sitwasyon kung saan naco-corner ako sa mga dapat isagot.

"Peste ka talaga!" asik ko at nagmamadaling lumabas ng sasakyan niya.

Hindi pa naman ako nakakalayo ay nahawakan niya na ang braso ko at isinandig sa may kotse nya. Nanginginig na naman ang tuhod ko sa tagpong ito lang. It reminds me noong galit sya sakin, noong muntik nya na akong suntukin at noong nagtama ang mga labi namin.

"You're blushing" hindi ko na iyon dapat pang itanggai dahil namula nga ang mukha ko nang maalalang nahalkan niya na ako.

"What?" paghahamon ko.

"Tell me kung anong pangalan nong teddy bear na ibinigay ko sayo at sasabihin ko sayo kung ano ring pangalan ng binigay mo."

Umirap ako. Hindi ko alam na kaya ko pang magtaray sa kanya at magmatigas gayong nakatrap ako sa mga braso nya.

"Hindi ko na kailangan malaman pa."

Unti-unti niyang nilevel ang ulo sa ulo ko. "Are you sure?" kita ko ang pilyong ngisi sa mukha niya.

"Yes I'm sure. Kahit na isaksak mo pa sa baga mo iyong pangalan. Alis" itinulak ko sya gamit ang dalawang kamay ko pero hindi ako nagtagumpay dahil idinikit niya ang katawan niya.

"This is good enough" wika nya habang yakap-yakap ako. Sinigurado ko talagang hindi nya makikita kapag ngumiti ako.

Halos tatlumpong segundo ang tinagal ng yakap dahil kumalas rin sya. "Goodnight my Zyrus." kumindat pa sya sakin bago iniwan akong nakatulala sa tapat ng building ng apartment ko.

Papasok na sana ako nang maramdaman ang pagtunog ng cellphone ko. It's Julian.

"Oh?"

[How are you?]

"Ha?"

[Wala ka bang nararamdaman ngayon? Lungkot? Selos? Galit?]

"Ano bang sinasabi mo?" nagsimula na akong maglakad patungo sa apartment ko.

[Wala ka bang alam o nagpapanggap ka lang wala alam?"

Ipinasok ko ang susi sa doorknob bago nagsalita. "Napapano ka ba Julian? Alam kong matagal na tayong hindi nagkikita pero huwag mo kong tawagin para lang kamustahin kung malungkot o selos ba ako kasi alam mo ang sagot dyan."

[Wala ka ba talagang alam?]

"Ano na naman ba 'to ha? We're good okay? Ayos na tayo. Hindi ko kayang magalit sayo at sapat na ang pag-iwas mo sakin para maramdaman kong nagsisi ka na talaga sa ginawa mo."

Natahimik sya. "May problema ka ba?"

[Ayos ka lang ba talaga?]

"Ano bang nangyari?"

[Hindi mo pa ba nababalitaan?]

"Huwag mo kong patalunin sa patag Julian. I'm trying my best para intindihin ka. Tinanggap ko ang sorry mo kahit alam mong kinamumuhian ko iyon. Ayos na ulit tayo, ano na naman bang toyo ang meron sa utak mo?"

[Hindi ba boyfriend mo si Ren? May kumakalat na larawan sa social media na may kahalikan sya with Zyra ang kakambal mo. Tinawagan kita para alamin kung anong nararamdaman mo. Kasi baka umiiyak ka nga. Gusto kitang damayan kagaya ng ginawa ko noon..] hindi ko naintindihan pa ang sinasabi nya.

All I know is that may kahalikan si Ren na babae at higit sa lahat si Zyra iyon, ang kakambal ko.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon