Kabanata 7

202 12 0
                                    

Kabanata 7
Date in the Car

Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa habang naglalakad sa hindi alam ang patutunguhan. Bigla kasing nag-iba ang ihip ng hangin matapos niyang sabihing hindi nya ako iiwan. Wala naman akong balak na mahulog sa kanya. Hindi sya gwapo iyon ang pwedeng itatak sa isip ko. Ayoko ng clingy sa madali't sabi hindi sya ang mga tipo kong lalaki.

Habang naglalakad ay hindi ko sya magawang tingnan o masilip man lamang ang mukha. Nahihiya ako at gusto ko nalang lamunin ng lupa.

"Should we date?" medyo nagulat pa ako sa biglaang pag-oopen nya ng topic.

"What do you think?" tumigil pa ito sa paglalakad at hinawakan ang balikat ko. Ang lapit tuloy ng mukha niya.

"Uuwi ako" iyon nalamang ang sinabi ko at nauna na muling naglakad. Naramdaman ko ang pagdantay ng braso niya sa balikat ko.

"You can't change my mind. Uuwi ako at hindi mo na kelangan pang ihatid. I can go to my apartment alone."

"Magdedate tayo" buo niyang wika. Umiling ako rito. Tirik na tirik na ang araw ngayon. Medyo masakit narin sa balat pero heto kaming dalawa nakaakbay sya sakin na hindi alintala ang init.

"OFW mga magulang mo?"

"What? Ofcourse not!"

"Nasaan sila kung sa apartment ka nakatira?"

"Patay na siguro?" Ayoko talaga sa usapang family. Mas lalo akong nagiging weak.

"I'll pay respect bago tayo magdate" lumingon ako sa kanya para silipin ang mukha niya. Akala ko nagbibiro lang sya pero seryoso ang mukha nito. Is he out of his mind? Hindi ba nito nakuhang nagbibiro lang ako? Kahit naman ganoon ang magulang ko, mahal ko parin sila.

Hindi ko nalang sya sinagot at nagpatuloy sa paradahan ng jeep. Tutal wala naman akong dalang sasakyan, magjejeep nalamang ako. Mas madaling makakapunta sa apartment ko. Bukas ay pasukan na naman at gusto kong sulitin ang natitirang oras para sa sarili ko.

Iwinigayway ko ang kamay hudyat na tumigil ang jeep sa tapat ko. Sumakay ako roon at hindi ko inaasahang sumunod rin si Ren. "What are you doing here?" kalmado kong pagtatanong nang makaupo sa may dulo.

"Makikipagdate sayo" tipid nyang sagot at ipinulupot na naman ang braso sa may bewang ko. Buong byahe kong tinatanggal ang kamay niya kasi pinagtitinginan na kami, baka akalain pa nilang malandi ako at gumagawa ng milagro.

Ganito kasi malimit ang masaksihan kong senaryo nang minsang sumakay ako, nasa bewang ng babaeng iyong kamay nong lalaki, tumataas ito na parang may destinasyon talaga. At then end nilalamas lamang nong lalaki iyong suso nong babae. Si girl naman patay malisya, parang walang nangyayari kabastusan.

"Alisin mo nga iyang kamay mo" pero ang gago, pinaghugpong lamang ang kamay naming dalawa. Tss.

"Bayad po" naglahad ako ng barya sa katabi kong lalaki pero epal talaga sya. Inagaw nya sakin ang barya sa kamay ko at sya ang nag-abot non sa lalaki.

"Sa gilid lang po" halos pasigaw kong saad sa driver at nagmamadaling bumaba. Hindi ko na pinansin ang lalaking nakasunod sakin at dire-diretso lamang na umakyat ng hagdan hanggang sa makarating sa apartment. Maliit lang ang apartment ko pero para sa katulad kong nag-iisa sa buhay ay sapat na iyon.

Hindi na ako nagulat na madatnan si Julian na nakaupo sa labas ng pinto ko. Kapag may nagagawa itong kasalanan sakin ay hinihintay nya ako at sinusuhulan ng paborito kong ice cream. Well, sad to say hindi iyon eepekto sakin. Naiinis kasi ako na ang tingin niya ay hindi ako makakapagmove-on. Isa lang rin pala sya sa mga taong hindi naniniwala sakin.

"Alam mo namang hindi iyon ang gusto kong sabihin. Akala ko kasi hindi ka pa nakakamove-on kay Andrei." wika niya habang bitbit ang plastic. Hindi ko iyon pinansin at sinalpak ang susi para makapasok sa loob. Hinding-hindi na muli itong makakatapak sa loob ng apartment ko. Malakas kong sinarado ang pinto simbolong galit ako.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon