Wakas

290 12 3
                                    

Wakas

-Z Y R E N -

Kahit walang kasiguraduhan at wala akong mapanghahawakan kung babalik sya at makilala nya ako. I need to to this. Para humaba pa ang buhay niya, para marami pang memories ang mabuo naming dalawa.

Lumuhod ako para magpantay sa wheel chair kung saan nakasakay sya. "Please do the operation, I'm begging you." dumapo ang kamay niya sa basa kong pisnge, dahan-dahang pinupunasan ang luhang hindi magpaawat sa pag-agos.

"Buong buhay ko isa lang ang pangarap ko iyon ay ang magkaroon ng pamilyang meron rin ako, pero paano ko iyon magagawa? Paano ko iyon matutupad kung di ka magpapagaling? Paano ko ito makakamit kung hindi na ikaw ang babaeng mapapangasawa ko? Kung hindi na ikaw ang ina ng mga anak ko?" hinalkan ko ito sa may noo habang parehas na kaming umiiyak. Sobrang payat na nito, maputla ang mukha at anytime alam kong magseseizure na naman sya. Naiinis ako sa sariling wala akong magawa, hindi ako makatulong para maibsan ang paghihirap nya. Na hindi ko sya malapitan dahil kailangang bigyan ng space kapag nangyayari iyon.

Pilit itong umiiling pero hindi ako nagpatinag. Kailangan nitong gawin ang operasyon. Binuhat ko ito patungo sa hospital bed at nilagyan ng kumot. Kailangan na nitong magpahinga. Hinawakan niya ang kamay ko. Doon ko napansing sobrang pugto ng mata niya sa kakaiyak.

"Why do you want this? Alam mong malaki ang tsansang hindi ako makaalala o baka macoma ako sa matagal na panahon but why are you still insisting?" hinawakan ko ang kamay niya at naupo sa tabi nya.

"Because I love you so much, I want you to have a long life. Kapag natapos na ang lahat papakasalan na kita I promise." hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niyang tumatabon sa mukha at inipit sa may tenga.

"Pwede namang ngayon tayo magpakasal diba?" Alam ko ang gusto niyang iparating na bakit kailangan pang ipagpabukas kung pwede namang ngayon. Na natatakot syang hindi na sya magigising sa operasyon niya kaya dapat ngayon na ganapin pero ayokong maniwala. Kaya ko pang maghintay at kaya ko pang maniwala na may plano si God sa lovestory namin.

Pinisil ko ang ilong niya. Nanggigil ako sa mukha nito. Kung pwede lang itong iuwi, nagawa ko na iyon kanina pa. Gusto ko nalang itago siya sa bulsa ko panghabambuhay.

"Let's get married now." this time ay ako naman ang umiling. I want too pero I have this faith kay God na malalagpasan nya ito.

"Do the operation at magpapakasal tayo that's the deal." hinawakan ko ang batok niya at ginawaran ng halik sa noo at ilong.

"No. Let's get married first at papayag na ako sa operation, deal? " siniil ko siya ng halik sa labi. "No deal sunshine" natatawa kong wika sa kanya.

"Are you really sure about this?" mesyo naghesitate pa ako sa dapat na isagot dahil baka nga hindi maging okay pero tumango ako. "I'm pogi sure about that."

"Sure na sure ka na talaga promise?"

"Sure na sure" nagpinky promise pa kami at sabay na natawa. Ginulo ko ang buhok niya.

"Can you hug me?" naiiyak na niyakap ko sya, maluwag lang ang ginawa ko dahil baka masakal pa ito.

"Can you kiss me again?" inilapat ko muli ang labi ko sa labi nya. We kiss like it will be the last.

"Can you call me your sunshine again?"

"I love you my Zyrus. You are and will always be my sunshine forever. Kapag nagising ka na pagkatapos ng operasyon, pupunta agad tayo sa simbahan para maging Mrs. Gochiaco ka na."

"I love you more my Ren, you are my one and only happy pill. You're my man and you're the best! Can you sing?"

Tumango ako.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon