Kabanata 22

151 9 2
                                    

Kabanata 22
Sunshine

Buong gabi akong kinuwentuhan ni Ren ng kung ano-ano, kahit bawal iyon at oras na ng pag-alis ng mga bumibisita ay hindi sya umalis. Nanatili sya sa tabi ko kahit na nasa loob ako ng rehas at sya'y nasa labas.

Mahigpit niyang hawak ang kamay ko, alam kong gusto niyang mapanatag ako dahil makakalabas rin ako na kailangan ko ring maging dependent sa kanya.

"Zyrus" naiiyak na si Laimer pero si Luis ay poker face lang na nakatingin sakin.

"Sinabi ko na sayo diba? Huwag kang magpakatanga look what happened matutulog ka dito sa loob ng kulungan malayo sa malambot mong kama. Just this time naman Zyrus tangina tigilan mo na ang pagiging ambisyosa, libreng mangarap at talagang pangarap nalang iyang matatanggap ka ng pamilya mong demonyo. Hindi ka pa ba kontento sakin?"

"Hindi talaga sya makukuntento dahil hindi mo kayang maging boyfriend nya" pag-eepal naman ni Ren.

"Ang kapal rin ng mukha mo no? At sa tingin mo boyfriend material ang makipaghalikan sa kakambal ng girlfriend mo? What the f dude hindi ka kailangan ni Zyrus sa buhay niya. Baka hindi mo alam na malas na nga sa pamilya malas pa sa pag-ibig na nasulot ng kakambal niya tapos ngayong natututong magmahal susulutin ulit ng kakambal niya? Aba putangina magkamatayan tayo dito pero hinding-hindi kita tatanggapin bilang boyfriend ni Zyrus!" malakas na asik ni Laimer dahilan para magtinginan ang mga police officer samin.

Hindi ko alam kung paano nila nagagawang pumasok dito gayong dapat ay bawal na talaga.

Natahimik si Ren at huminga naman ng malalim si Laimer. "Luis umuwi muna kayo ni Laimer"

"At talagang pinapaalis mo ko para makasama yang gagong yan mamshie?"

"I love you" nakangiti ako ng sabihin iyon.

"Akala mo naman makukuha mo ako sa pangiti-ngiti mo dyan! Pero sige na nga I love you more mamshie, once in a blue moon lang 'to susulitin ko na. Anyway aalis na rin talaga ako kasi hindi ko kayang manatili dito kasama ang isang feeling boyfriend material" hindi naman nagtagal ay umalis na silang dalawa.

"I'm sorry" nakayuko si Ren pero hawak-hawak nya parin ang kamay ko. Pilit kong inabot ang buhok niya kahit namumula na ang braso ko sa rehas.

"I'll explain everything after this. Promise lahat-lahat ng sekreto ko sasabihin ko sayo, no more secrets" hinalilan niya ang likod ng palad ko.

Nagpatuloy ang pagkwento nya hanggang sa hindi ko namalayang umaga na. Isang gabi kong nalagpasan ang pagtira sa loob ng kulungan, buhay pa naman ako.

Hapon ng makalaya ako, nakahanda na agad ang limousine ni Tita at naroon ang ama ni Luis, ang siguradong tumulong para makalabas ako.

Sinalubong ko sya ng yakap. "Tito" hanggang ngayon hindi ko parin kayang magpasalamat sa kahit kanino. Ginulo niya lang ang buhok ko, isa iyon sa alam nilang lahat.

"Let's go home" tumango ako at sumulyap muna kay Ren na hindi makatingin sakin ng diretso.

"Take care" ginawaran ko pa sya ng halik sa noo at tatakbong pumasok sa sasakyan para ihatid sa bahay nina Laimer.

Inasikaso nila ako buong magdamag na parang isang reyna. Dala-dala ang dinner ko sa loob ng kwarto kahit ang pagtulog ko at ang last kong pagbreakfast kasama sila ay alagang-alaga rin ako.

"We will miss you Zyrus" mahigpit kaming nagyakapang lahat bago ako pumasok sa eroplano.

After 13 hours na byahe, bago ko pa nalanghap ang sariwang hangin ng Pilipinas. Hindi na ako naglibot pa ng paningin sa mga taong masayang may mga banner na hinihintay ang mahal nila. Hindi ko iyon kailanman mararanasan.

Directions To You (Name Series #1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon