EPISODE 2 (ANG PAGPASOK NI ECHIZEN SA SEISHUN GAKUEN)
Kinabukasan, nagbihis na si Ryoma. Siyempre, bago siya magbihis, kumain, nag-toothbrush at naligo na muna siya. Siyempre, kakalipat pa lang niya ulit kaya hindi niya gaanong kabisado ang daan papunta ng bago niyang eskuwelahan. May nakasalubong siyang batang babae at nagtanong siya rito.
RYOMA: Uh, miss puwede bang magtanong? Saan ba ang daan papuntang Seishun Gakuen?
Bago sumagot ‘yung batang babae, parang nag-aalangan pa ito at luminga muna sa magkabilang daanan.
GIRL: Uh…. Ang alam ko dito sa kanan eh.
RYOMA: Uh, sige. Salamat.
Pagkatapos maituro nu’ng batang babae ‘yung daanan, dali-daling tumakbo si Ryoma. May dala siyang Tennis kit at bag na pambaon at napansin ng batang babae ang pangalan niyang nakalagay sa tennis bag niya at naibulong nito sa kanyang sarili, ”Ryoma”. Ang batang bababe na kanyang napagtanungan ay si Sakuno Ryuzaki. Dumating ang hinihintay ni Sakuno. Walang iba kundi ang kanyang lola na si Coach Sumire Ryuzaki, coach ng tennis club sa Seishun Gakuen kung saan mag-aaral rin si Sakuno.
SAKUNO: Um, lola. Puwede po bang magtanong?
COACH S: Oo, bakit? Ano ang itatanong mo, apo?
SAKUNO: Saan po ba ‘yung daan papuntang Seishun Gakuen?
COACH S: Dito sa kaliwa, bakit? May problema ba?
Napabulong na lang si Sakuno sa kanyang sarili ng, ”Naku! Lagot!” at siya ay tila pinagpapawisan na.
SAKUNO: Uh, wala po.
COACH S: Uh, Sakuno. May itatanong ka pa ba? Kasi nagmamadali na ko.
SAKUNO: Opo, lola. ‘Pag may late po ba sa try-out ng tennis club sa Seishun Gakuen kahit mapa-1 minute or 1 second lang, hindi na po ba puwedeng makahabol ‘yun?
COACH S: Oo, ‘yun kasi ang rules doon. Okay, aalis na ako at mauuna na sa iyo.
SAKUNO: Uh, sige po. Ingat!
Hindi na siya mapakali sa ginawa niya doon sa nagtanong sa kanya kaya naman, tumakbo siya ng napakabilis patungo ng Seishun Gakuen para makitang muli ang batang lalaki.
Nakarating naman siya doon at naabutan niya ang batang lalaki na nakahiga sa ilalim ng shades ng isang puno na may nakapatong na sombrero sa kanyang mukha at ginising niya ito dahil para itong nahihimbing sa tulog.
SAKUNO: GISING! GISING!
RYOMA: Uh, bakit?
Tinanggal nito ang kanyang sombrero at tila nagulat sa kanyang nakita. Bigla na lang kasing bow ng bow si Sakuno as a sign for apologizing.
SAKUNO: SORRY! SORRY! Na-late ka ba sa try-out mo? Ilang minuto ka na-late? Eh, Segundo?
RYOMA: Uh… Ano.. Paano mo nalaman na magta-try-out ako? Saka bakit parang tarantang-taranta ka diyan, miss?
SAKUNO: Wala lang. Kasi, napansin kong may Tennis kit ka at tila isang player na. Eh kasi, kasalanan ko kung bakit ka na-late. Pasensiya ka na huh? Ako ang nagpahamak sa iyo. As a peace offering, ite-treat kita. Anong gusto mo?
RYOMA: Uh, juice na lang siguro, ‘yung Ponta orange.
Pagkabili nila nu’n..
RYOMA: Um, miss. Salamat huh? By the way, mauna na ko sa’yo. Sige, bye.
SAKUNO: Okay, walang anuman. Ingat na lang.
Then they separate ways.