Episode 14

155 2 0
                                    

EPISODE 14 (SUBSTITUTE BENCH COACH AT SUBSTITUTE CAPTAIN)

Dumating ang araw ng paglalaban ng kopunan ng Seigaku at Hyotei. Nag-warm-up muna ang bawat team bago sumabak sa laban, pero nang magsisismula na ang laban…

COACH S: Echizen, gusto kong ikaw muna ang maging bench coach natin dahil may importante akong lalakarin. Naka-reserve ka lang naman ngayon eh.

RYOMA: Masusunod po, coach.

EIJI: Pero, coach, bakit po siya? Hindi po ba masyado pa siyang bata? Hindi niya pa po alam ang dapat gawin.

COACH S: Pasensiya na, Eiji. Pero, wala na akong oras para magpaliwanag pa. Good luck sa laban ninyo. Tezuka, ikaw na muna ang bahala sa mga ka-teammate mo.

TEZUKA: Opo, coach. Masusunod.

Umalis ang kanilang Coach ng hindi nila alam ang dahilan kung bakit biglaan ito at kung bakit si Ryoma ang napili nitong maging bench coach ng kanilang kopunan.

Nagsimula na ang laban at umupo na si Ryoma sa dapat niyang upuan pansamantala.

Ibinigay ng lahat ang kanilang makakaya at dahil sa determinasyong maipanalo ang laban, naipanalo nila ang dalawang game.

Nang si Tezuka na ang lalaban, sa pakikipag-shake hands sa team captain ng Hyotei na si Atobe..

ATOBE: Tezuka, matagal ko nang hinihintay ang araw na ito.

Hindi kumibo si Tezuka. Saka sila naghiwalay at pumunta sa kanilang mga puwesto.

Si Atobe ay may specialty na kung tawagin ay ang insight. Kung saan nakikita mo ang weak points ng iyong kalaban. Ginamit niya ito laban kay Tezuka dahil alam niya ang tunay nitong kahinaan, ang kaliwang braso nito na tinamaan ng raketa ng tennis noong 1st year junior high school pa lang siya. Kaya naman, nang tumagal na ang laban, naging advantage ito ni Atobe para ma-i-push si Tezuka sa kanyang limitasyon. Natutuwa na si Atobe sa kalalabasan ng kanilang laban at gumuhit ang evil smile sa ngiti nito.

Napansin rin naman ni Tezuka ang ginagawa ni Atobe, pero, wala siyang magawa dahil nahulog na siya sa patibong nito.

Sumigaw na si Oishi na itigil niya ang laban pero, parang wala itong narinig at ipinagpatuloy ang laban.

Dumating ang puntong kinatatakutan ng lahat. Umabot na sa kanyang limitasyon si Tezuka at napaluhod at napasigaw ito sa sakit. Napahawak siya sa kanyang balikat at namimilipit sa sobrang sakit. Sinubukang lumapit ng lahat sa kanyang kinalalagyan ngunit…

TEZUKA: TUMIGIL KAYO! Hindi pa tapos ang laban namin! Ma-di-disqualify ang team natin! Bumalik kayo!

Walang nagawa ang lahat kundi ang bumalik sa kanilang kinauupuan at tingnan na lamang si Tezuka sa maaring mangyari rito.

UMPIRE: Ayos ka lang ba? Kaya mo pa bang ituloy ang laban?

TEZUKA: Opo. Ayos lang po ako.   

Hanggang sa natapos ang buong laban, natalo si Tezuka at kahit natalo siya di siya nag-forfeit kahit anong mangyari. Natalo siya dahil sa kanyang injury. Kaya ang natitirang pag-asa ay ang paglalaban ng mga reserve player para magka-alam-anan na kung kaninong team ang magaling at makakapasok sa inter-high division.

Naghanda na si Ryoma sa kanyang laban. Hanggang sa nagsimula ito. Nagulat ang kanyang kalaban dahil sa bata siya makikipaglaban. Kaya ang mga nag-chi-cheer sa kabilang team ay ganito ang sigaw.

CHEERERS: BOO!! ISANG PASLIT LANG ‘YAN, JIRO! KAYANG-KAYA MONG TALUNIN ‘YAN!

Sa narinig ni Ryoma, nag-service agad siya ng twist serve at napatulala si Jiro at ang mga nag-chi-cheer sa kabilang team.

RYOMA: Paslit pala huh?

JIRO: Oy! Di pa ko nakahanda! Ang daya mo! Tsamba lang ‘yun!

RYOMA: Ay! Sorry! Hindi ka pa pala nakahanda.

JIRO: Ang yabang mo naman bata?!

RYOMA: Mayabang pala huh? Ipapakita ko sa’yo ngayon kung sino ang mayabang na sinasabi mo. HA!

Itinira ni Ryoma ang ikalawang service niya, hindi pa rin ito naka-imik. Hanggang sa natalo niya si Jiro, wala itong naibalik na mga tira niya. Nanalo ang Seigaku at ang Hyotei cheerers, hindi pa rin makapaniwala sa kanilang napanood.

It’s time for celebration! Pumunta ang lahat sa bahay nina Takahashi para doon mag-diwang. Hindi nakarating si Tezuka dahil sa natamo niyang matinding arm injury at dahil doon nabigla ang kanyang pag-alis at tinawagan na lamang niya si Oishi para ipaalam dito ang nangyari at ang kanyang habilin para sa kanyang team.

TEZUKA: Hello, Oishi?

OISHI: Tezuka. Bakit hindi ka pumunta dito? Andito kami ngayon sa bahay nina Taka. Hindi ka pa ba ma-di-discharge?

TEZUKA: Oishi, hindi na muna ako makakapunta diyan para samahan kayo. Nabalitaan ko ang nangyari at binabati ko kayo sa inyong pagka-panalo. Pakisabi mo na lang sa kanila. Siya nga pala, hindi ako ma-di-discharge at kailangan kong mailipat agad ng ospital sa ibang bansa para doon lubusang magpagaling.

OISHI: Ga-gan’un ba? Ibang bansa? Saan naman?

TEZUKA: Sa Germany, alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit. ‘Wag mo na lang ipaalam sa kanila ang dahilan kung maaari dahil, ayaw ko silang mag-alala, gusto kong sa laro at mga laban pa rin sila nakatutok at hindi sa kalagayan ko. Ikaw na lang muna ang bahalang magpaliwanag sa kanila. Nasabihan ko na rin si coach tungkol dito at pumayag na siya sa gusto kong mangyari. Paalam, Oishi. Hanggang sa muli. Ikaw na muna nag magiging substitute ko.

OISHI: Oo, Tezuka, naiintindihan ko. Mag-ingat at magpagaling ka para naman sa darating na panahon, kasama ka na rin naming lalaban. Pero, Tezuka, sigurado ka ba sa sinasabi mong ako muna ang magiging captain nila?

TEZUKA: Oo. Oishi, alam kong kaya mo iyon at ipinapangako ko sa’yo, magpapagaling ako at babalik ako para makasama niyo ako.

Ibinaba na ni oishi ang telepono at gumuhit ang kalungkutan sa kanyang mukha. Bumalik siya sa loob ng bahay nina Taka nang may magandang ngiti at ipinaliwang na ang nangyari kay Tezuka.

Nalungkot ang lahat sa nabalitaan, pero nag-cheers pa rin sila sabay sigaw ng…

TEAM: PARA KAY CAPTAIN! PARA SA TEAM! MABUHAY ANG SEIGAKU!

PRINCE OF TENNIS PART 1 (FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon