Episode 17

173 4 0
                                    

EPISODE 17 (ANG TRADEGY)

Naglalaro sa loob ng tennis court sa loob ng campus sina Ryoma at Momo, lahat ay nanonood dahil uwian na… Humangin ng malakas at nasabuyan ng buhangin ang mga mata ni Ryoma…

RYOMA: Ah!!! Shit!!!

Napa-cover siya ng mga braso niya sa mukha at nabitawan niya ang raketa niya. Dali-dali namang pumunta si Momo kay Ryoma na siyang natumba matapos ang nangyari.

MOMOSHIRO: Echizen, okay ka lang ba? Masakit ba? Ano?

Pag-aalalang tanong ni Momo kay Ryoma habang inaalalayan itong makatayo dahil sa pagkakatumba.

MOMOSHIRO: Magpahinga muna tayo, itigil muna natin ang laban.

Saka naman lumapit si Sakuno sa tabi niya. Nang makaupo na sila sa bench, rinig na rinig ang bulungan ng mga tao sa nakitang pangyayari.

SAKUNO: Ryoma, okay ka lang ba? Masakit ba?

RYOMA: Obvious ba?

Sarkastikong tugon nito kay Sakuno. Hindi sumuko si Sakuno, sa halip, hinawakan niya ang mukha ni Ryoma at iniharap ito sa kanya. Hindi na nakapalag si Ryoma sa sobrang pagkabigla.

SAKUNO: Idilat mo ang mga mata mo at hihipan ko ‘yan!

Sumunod na lang siya sa ipinag-uutos nito. Idinilat niya ang kanyang mga mata saka hinipan ito ni Sakuno. Pagkahipan ni Sakuno ng mga ilang beses pa, medyo nawala-wala na ang pagka-irita ng mga mata ni Ryoma. Kaya naman, nang matapos na hipan ang mga mata niya, pumikit-pikit muna siya para maka-sigurong ayos na ang mga mata niya.

RYOMA: Uh, salamat sa tulong mo.

SAKUNO: Walang anuman.

Bigla namang lumapit si Momo ng makita niyang okay na si Ryoma.

MOMOSHIRO: Echizen, ano? Game ka na ba ulit?

RYOMA: Uh, oo naman, senpai!

Saka ulit pumunta si Ryoma sa puwesto niya at naglaro sila ulit.

Natapos ang game nila, saka naman nagyaya si Momo na kumain.

MOMOSHIRO: Tara, Echizen, kain tayo, punta tayo sa burger house na suki na natin.

RYOMA: Naku! Senpai! Nababasa ko na ang nasa isp mo eh?! Uutakan mo na naman ako niyan eh?! Magpapalibre ka lang eh?!

MOMOSHIRO: Please??? Isama na rin natin si Sakuno para may reward din siya from you dahil sa pagtulong sa’yo? Diba?

SAKUNO: Uh, oo nga.

RYOMA: Hay.. Sige na nga.

Tumingin muna siya sandali kay Sakuno bago magdesisyon kung isasama nila ito o hindi. Pumunta sila sa isang burger house at um-order sila ng 3 burger na libre ni Ryoma. Tinake out nila ito at nu’ng lumabas na sila sa burger house.. Habang chine-check ni Ryoma ang pitaka niya…

RYOMA: Hmph! Ikaw talaga senpai-Momo! Mauubos allowance ko sa’yo eh?!

MOMOSHIRO: Naku! Minsan lang naman kitang mauto eh, ayaw mo pa?

Tugon ni Momo habang ngasab-ngasab ang burger na in-order nila.

RYOMA: Ewan ko sa’yo! Umuwi ka na nga!

Nag-separate ways na sila after ng maikling argument.

SAKUNO: Siya nga pala Ryoma, may assignment ba kayo sa Mathematics Algebra kanina?

RYOMA: Uh, oo nga ‘no? Muntik ko nang makalimutan, buti ipina-alala mo. Salamat huh? Kaso, hindi ko kasi alam kung paano gawin ‘yun eh? Ikaw alam mo ba?

SAKUNO: Ayan! Kung anu-ano kasi ang inuuna mo eh?!

RYOMA: Won’t you mind kung magpaturo ako sa’yo kung paano gawin ‘yun? Parehas lang naman tayo ng tine-take na subject diba?

SAKUNO: Oh sure!

RYOMA: Okay. Pupunta na lang ako sa inyo mamaya. Tulungan mo kong gumawa ng assignment huh?

SAKUNO: Okay, sige. Aasahan ko ‘yan uh?

Siyempre they parted ways too. After ng lunch nagpunta si Ryoma sa bahay ng mga Ryuzaki. Tumakas siya sa kanyang tatang at pinsan na noo’y marami ring ginagawa kaya nagawa niyang makatakas.

Ding dong! Door opened!

SAKUNO: Ryoma! Welcome! Dito tayo gumawa ng assignment sa loob ng bahay namin.

Pumasok si Ryoma sa loob ng bahay nila at sa living room sila nagtuloy ng pag-aaral. Naghanda si Sakuno ng konting challenge para kay Ryoma. Paunahan sila kung sino ang unang makasagot ang siyang kukuha ng mark pen.

Ang kaso mo, nagkasabay silang kuhanin ‘yung mark pen, dahilan para magkahawak ang mga kamay nila. Namula si Sakuno sa pangayayayring iyon at tila nawala sa kanyang sarili.

RYOMA: Sige na, ikaw na ang sumagot. Alam ko namang tama ang sagot mo kasi ikaw ang nagturo sa akin eh.

Ibinigay ni Ryoma ang mark pen kay Sakuno. Sinagutan naman iyon ni Sakuno.

After ng turuan portion, may ini-request si Sakuno kay Ryoma.

SAKUNO: Diba, may alaga kang pusa, Ryoma? Carupin ba ang pangalan nu’n? Pwede bang next time, dalhin mo siya dito? Favor ko lang, please?

RYOMA: Okay, walang problema.

Tumayo na si Ryoma para magpaalam kay Sakuno at para magpasalamat dito sa ginawang effort nito para siya ay maturuan.

RYOMA: Um, salamat nga pala huh?

SAKUNO: You’re welcome. Salamat rin sa’yo, I have a good time with you.

RYOMA: Salamat din sa pagtulong mo sa akin. O, paano? Aalis na ako huh? Bye!

SAKUNO: Sige! Mag-ingat ka!

After ng teacher portion, back to normal na naman po ang mga bida natin.

PRINCE OF TENNIS PART 1 (FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon