EPISODE 36 (ANG SAKIT)
Umuulan after school. Walang dalang payong si Ryoma. Kamalasan pa, siya na lang ang panghuling estudyanteng lalabas ng school at absent si Sakuno.
RYOMA: Naku! Nakakatakot naman dito! Malalim na ang gabi! Kailangan ko nang umuwi. Hahanapin na nila ako du’n!
Kaya, sumugod siya sa napakalakas na ulan. Nakauwi naman siya..
RYOMA: Hay salamat at nakauwi din sa wakas!
Hingal na hingal pa siya galling sa pagtakbo pauwi. Basang-basa pa siya nu’ng pumunta siya sa kanyang kwarto. Hindi man lang siya nagbanlaw, nagpunas lang siya ng tuwalya at nagpalit ng damit saka natulog.
Pagkagising niya…
RYOMA: Aww!!!
Masakit ang kanyang ulo at mahilo-hilo siya pero, pumasok pa rin siya.
Break time na. Hindi siya lumabas ng kanilang classroom, sa halip… ipinatong niya ang kanyang braso sa kanyang mesa at natulog.
RYOMA: AHH!! Ang sakit ng ulo ko!
Bulong niya. Nag-aalala na si Sakuno sa kanya dahil hindi siya sumabay na mag-break kasama nila. Kaya pumunta sila ni Tomo sa classroom nila.
TOMO: Ryoma-idol, ayos ka lang ba?
SAKUNO: Loves, ayos ka lang ba huh?
RYOMA: Ayos lang ako. ‘Wag niyo kong pansinin!
Hinahawi ni Ryoma ang mga kamay nina Sakuno. Pero, nagpumilit si Sakuno at hinipo ang noo ni Ryoma.
SAKUNO: Ah! Ang init niya! Tomo! Tulungan mo ko, may sakit si loves, dalhin natin siya sa clinic, dali!
Dinala nila si Ryoma sa clinic.. Pinainom ng gamut si Ryoma. Binantayan ni Sakuno si Ryoma at nakatulog ito sa tabi ng kamang hinihigaan ni nito.
Pagkagising ng bida…
RYOMA: Hala! Bakit andito pa siya?
Kaya, ginising niya si Sakuno.
RYOMA: Loves?... Loves? Gumising ka na. Ayos na ko.
SAKUNO: Magaling ka na! Nag-alala ako. Ang akala ko magtatagal pa ang sakit mo. Thank goodness!
Niyakap niya si Ryoma.
RYOMA: Tara na! Bumalik na tayo sa mga klase natin. Second to the last period na. Malapit na ring mag-uwian. Bakit kasi inabala mo pa kong bantayan dito sa clinic eh? Kaya ko naman ang sarili ko eh. Pero, salamat. Ikaw talaga?
SAKUNO: Walang anuman. Hehe :p