Episode 30

108 2 0
                                    

EPISODE 30 (IF WE FALL IN LOVE)

Lumipas ang mga araw na natapos ang play. Tumawag si Ryoma kay Sakuno sa di maipaliwanag na dahilan…

RYOMA: Um, hello? Ryuzaki?

SAKUNO: Yes, speaking!

RYOMA: Punta ka sa park mamaya, okay? May gagawin lang tayo.

SAKUNO: Okay, pupunta ako.

Dumating ang time na ‘yun. Nauna si Ryoma at habang naghihintay kay Sakuno, uminom muna siya ng ponta sabay pamulsa. Di nagtagal, dumating rin si Sakuno. Tumabi si Sakuno kay Ryoma.

SAKUNO: Tungkol saan ba ‘yung pag-uusapan natin, Ryoma?

RYOMA’S SUBCONCIOUS MIND:

“Ano ba ‘yan? Kinakabahan ako? Di bale, go na ko. Kailangan na niyang malaman eh. Kahit na mabigla siya, ayos lang. At least nasabi ko. Naguguluhan na nga ako sa sarili ko eh, may sariling mundo ata katawan ko at nasasabi ko ito ngayon, kainis! Di ko pa nga alam kung paano at kailan ‘to nagsimula eh. Basta! Di ko maipaliwanag eh!”

RYOMA: Alam mo kasi, ang totoo niyan…

Hingang malalim.

RYOMA: Ka-kasi, ‘pag k-kasama k-kita, p-parang ang s-saya ng a-araw ko. S-saka p-parang k-kumpleto ang p-pagkatao ko…

“Patay! Nabulol pa ko o?!”

Nagtaka na si Sakuno sa mga ikinikilos ni Ryoma..

SAKUNO: Huh? Parang masyado naman akong nabigla at na-confuse diyan sa mga sinasabi mo, Ryoma?

SAKUNO’S SUBCONCIOUS MIND:

“ Naku! Is this true?! Nagtatapat na ba sa ‘kin si Ryoma?! AHHH!!! Ang sarap pakinggan nu’ng mga sinabi niya pero ang hirap namang paniwalaan. Akalain niyo ‘yun?! Si RYOMA ECHIZEN ‘yan?!”

RYOMA: Hindi. Seryoso ako sa mga sinasabi ko. Hindi ako nagbibiro, totoo ‘yung mga sinasabi ko.

SAKUNO: Asus! Ang drama-drama mo ngayon huh?Tara!Para mawala ‘yang STRESS mo, pasyal muna tayo!

Tumayo na si Sakuno at hudyat na ng pag-alis.

RYOMA: Teka, Ryuzaki! Pakinggan mo muna ako! May importante pa kong sasabihin sa’yo eh! Ano ba?!

SAKUNO:Tara na!

Hinatak ni Sakuno si Ryoma at hinawakan nito ang kanyang kamay. Namasyal-masyal sila. Ang saya-saya ni Sakuno. Si Ryoma naman habang may pagkakataon, hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ni Sakuno. Bago siya umalis sa bahay nila, may inihanda siyang sulat na gusto niyang sabihin kay Sakuno kaso, hindi niya masabi ng diretsahan. Then, sinamantala niya ang pagkakataon na busy si Sakuno sa pagsa-sight seeing ng mga kung anu-ano kaya inihulog na niya ‘yung papel sa bulsa nito. Pauwi na sila.

SAKUNO: Sige, Ryoma. Salamat huh?

RYOMA:  Uh, sige. Walang anuman ‘yun. Um, tingnan mo nga pala ‘yung bulsa mo kung may laman huh? Sige, bye!

Umalis na si Ryoma. Nagtataka naman si Sakuno du’n sa huli niyang sinabi.

SAKUNO: Tingnan ko raw ang bulsa ko kung may laman? Eh wala naman akong nilalagay kanina sa bulsa ko? Matingnan nga.

Nagkapa-kapa siya there at ayun, may piece of paper nga du’n. Parang trash sa una kung titingnan mo, sobrang crumpled na kasi tapos ang liit pa niya… Binuklat niya ‘yun at natuwa, naluha at napatakip sa kanyang bibig para pigilan ang pag-tili sa nabasa… Ito lang naman po kasi ‘yun…

“MAY GUSTO AKO SA’YO, TANDAAN MO ‘YAN!  :p

RYOMA”

O, diba? Anong say niyo?! Haha!!! Kilig!!!

PRINCE OF TENNIS PART 1 (FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon