EPISODE 23 (THE VOICE LESSON)
Sa subject na ito, dito naka-line up si Coach S. Walang iba kundi ang MAPEH. Coincidentally, um-absent ang teacher nina Ryoma sa klaseng ito kaya siya ang humalili dito. Wala naman siyang maituro na about sa Music lesson kaya ang naisipan na lang niya…
COACH S: Ngayong araw ang music lesson. Hindi na muna ako magtuturo sa klase ninyo ngayon, Echizen. Dahil ang gusto kong turuan ay ang Tennis Club Members. Pasensiya na kayo kasi, hindi ko gaanong gamay ang magturo ng Music eh.
Lumabas na si Coach S sa klase nina Ryoma after that announcement.
PAGER: Calling all Seigaku regular tennis boys club members. Please proceed to the tennis court now.
After makatipon ng club members, tumayo na si Coach S sa harapan nila.
COACH S: Ngayon ang Music lesson natin. Ang naisip kong puwede niyong kantahin ay ang “Harana”. Kayo kasi ang napiling pakantahin na club para sa darating na foundation day ng school natin. Ang topic ng foundation day natin ay tungkol sa mga sinaunang naka-ugalian. So tayo ang napili para sa old-fashion na panliligaw. Clear? Alam niyo naman na siguro ang dapat na isuot? May ini-assign na akong mga girls na magiging partner niyo. GIRLS?!
Pumunta sa loob ng court ang mga magiging partner nila.
GIRLS: Hi po!
EIJI: Ang ku-cute naman ng mga partners natin ‘no?!
Bigla namang siniko ni Momo si Ryoma at bumulong dito.
MOMO: Uuy… Echizen… Si Sakuno ang partner mo uh?... Mukhang, talagang pinagtatagpo kayo ng tadhana uh??...
May halong panunukso ang tono ng pananalita ni Momo.. Bigla namang sumingit si Eiji sa usapan nila…
EIJI: Oo nga, Bunso’y! Mukhang may napapansin na rin ako kay Coach uh? ‘Pag nag-pe-pair up, kayong dalawa lagi ni Sakuno uh???... Ikaw uh???
MOMO/EIJI: Uuy…
Tinutukso na siya nina Eiji at Momo ngayon.
RYOMA: CHE!!
Hanggang sa dumating ang foundation day at sila na ang may turn. Ito ang mga naging lines nila..
NOW PLAYING: HARANA BY PAROKYA NI EDGAR
RYOMA: “Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka.”
SAKUNO: “Sino ba ‘tong mukhang engot? Nagkandarapa sa pagkanta?”
MOMO: “At nasisintunado sa kaba.”
ANN: “Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin,”
KAIDO: “Sa’yong tingin ako’y nababaliw, giliw. At sa awitin kong ito,”
RYOKO: “Sana’y maibigan mo. Ibubuhos ko ang buong puso ko.”
FUJI: “Sa isang munting harana, para sa’yo.”
MINAMI: “At nariyan pa ang barkada, naka-porma, naka-barong,”
OISHI: “At awiting daig pa ang minus one at sing-a-long.”
SYUSIMAE: “Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin.”
TAKA: “Sa’yong tingin ako’y nababaliw, giliw. At sa awitin kong ito,”
NESKA: “Sana’y maibigan mo, ibubuhos ko ang buong puso ko.”
EIJI: “Sa isang munting harana,”
BESHSU: “Para sa’yo.”
Doonnatapos ang program nila at may bonus pang kiss sa cheeks ang mga girls, kaya lahat ng nanood ay kinilig at siyempre may mga nag-chi-cheer na girls para sa bawat miyembro ng team. Abangan ang isa pang kakakilig episode!
Ay! Meron pa pala! Nung natapos ‘yung program, nakita ni Ryoma si Sakuno sa isang tabi at nag-iisa na tila malungkot. Nilapitan niya aito at umupo siya sa tabi nito.
RYOMA: Ryuzaki? May problema ka ba? Bakit nag-iisa ka lang diyan?
SAKUNO: Um, wala ito.
Pero ang talagang nasa isip ni Sakuno bakit kaya hindi siya mapansin ni Ryoma?
Naisip na lang ni Ryoma na gusto niyang i-cheer up kahit paano si Sakuno kaya umalis siya sandali at bumili ng maiinom. Ang hindi nila alam, nakasunod pala lahat ng senpai nila at kinilig ang mga ito sa ginawa ni Ryoma.
SENPAI’S: Uuy!!!