Episode 18

147 3 0
                                    

EPISODE 18 (ANG OUTING)

Nag-plano si Coach Ryuzaki ng surprise outing para sa buong team ng mga regulars sa tennis na mga boys.

COACH S: Ipinatawag ko kayong lahat dito para ibigay sa inyo ito.

Isinenyas niya ang isang piraso ng makulay na papel.

COACH S: Ito ang gagamitin ninyo para makasama kayo. Maliwanag?

Tiningnan nilang mabuti ‘yung papel na walang ibang nakalagay kundi, “welcome, for you!” binali-baligtad pa nila ito para siyasatin pang mabuti.

INUI: Eh, Coach.Para saan po ba itong papel na ito?

COACH S: ‘Wag na kayong magtaka at magtanong. Pumunta na lang kayo sa i-a-assign kong lugar kung saan tayo magkikita-kita. Naiintindihan niyo ba?

ALL: Opo!

Dumating ang araw na lahat sila tinawagan ng coach nila. Pagdating nila doon, piniringan sila saka sila isinakay sa isang sasakyan. Nakarating rin naman sila doon at ito ang unang reaksyon nila…

ALL: BEACH?!

COACH S: Oo, ito nga. Kaya mag-enjoy kayong lahat dito. Inihanda ko talaga ito para sa inyo.

Saka sila nilayasan ng coach nila.

EIJI: Whoohoo! Ang dami namang chicks dito! Ang se-sexy naman nila! Hi girls!

Sabay kaway sa mga dumadaang babae..

GIRLS: Hello, Mr. handsome boy!

Parang naging heart shape ata ang mga mata ni Eiji ng kawayan siya pabalik at kindatan ng mga babaeng kinawayan niya.

MOMOSHIRO: Hu! Senpai! Tigil muna! ‘Wag munang masabik!

EIJI: Ay! Oo nga ‘no?

FUJI: Pero teka, nasaan ang mga pamalit natin? Paano tayo makakapag-swimming nito ng naka-civillan tayo?

Biglang may sumulpot na grupo ng mga  kalalakihan at iniabot sa kanila ang mga damit na gagamitin nila. Sabay namang umarangkada si Coach na buhat ng isa pang grupo ng mga kalalakihan.

COACH S: O, ready kaya ako? Alam ko namang surprise ito eh, kaya naghanda na rin ako niyan! Ako pa ang pumili niyan para sa inyo! O siya, magpalit na kayo! Haha!

Nangilabot ang lahat sa nakita at narinig nila.

OISHI: Grabe! Nakakapanindig-balahibo talaga! Si Coach naman eh?!

TAKA: Sinabi mo pa!

Sabay-sabay silang nanginig at nangilabot sa takot!

Natapos na silang magpalit at naglakad-lakad na sila sa beach…

RYOMA: Hmph! Ang dami ngang sexy dito, ang wi-weird naman nilang kumilos?

Biglang sumulpot si Sakuno sa tabi niya. Sabay namang nag-iwasan ang mga senpai niya. Ang hindi alam ng lahat kasama rin ang freshmen trio.

SAKUNO: Ryoma, nag-e-enjoy ka ba sa outing na ‘to?

Nagulat si Ryoma sa nakita niya kung sino ang nagsasalita, hindi rin naman kasi nila alam na kasama pala pati ang apo ng coach nila.

RYOMA: Um, hindi eh. Kasama ka rin pala dio?

Nginitian lang siya ni Sakuno bilang sagot. Bigla ring sumingit si Tomo sa usapan nila at sabay silang hinatak. Sa sobrang pagkabigla ni Ryoma, hindi na lang siya ulit tumanggi.

PRINCE OF TENNIS PART 1 (FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon