Episode 39

135 3 0
                                    

EPISODE 39 (ANG LOVELIFE)

Sa camping site, nag-set nang bonfire ang lahat. Habang abala ang iba sa pakikipag-kwentuhan sa kani-kanilang mga lovies…

SAKUNO: Grr… Ang lamig!

RYOMA: O, loves. Heto, jacket o!

SAKUNO: Thanks, loves!

RYOMA: Um, loves may itatanong ako sa’yo.

SAKUNO: Sige, ano ‘yun?

RYOMA: Um.. Anong gusto mo sa isang lalaki?

SAKUNO: Asus! Kung kailan tayo na saka mo pa naitanong. Sige na nga? Ang gusto ko sa isang lalaki ay cute, ‘yung mabait, malambing, pwede ko siyang ipagmalaki sa lahat, at siyempre ‘yung mahal ako!

Habang sinasabi ‘yun ni Sakuno, tahimik lang na nakikinig si Ryoma at paunti-unting nawawala ang kanyang ngiti dahil sa tingin niya, wala siya ni isang katangian sa nabanggit na gusto ni Sakuno.

RYOMA: Mukhang wala yata ‘yun sa mga katangian ko eh… Pasensiya ka na kung hindi ako ganu’n huh?

Malungkot na sabi ni Ryoma. Hinawakan naman ni Sakuno ang mukha nito at ipinatingin ang mata nito sa kanyang mata.

SAKUNO: Look, loves. Look at me… You… Ikaw nga sobrang cute mo eh.

Pinisil niya ang mga pisngi ni Ryoma.

SAKUNO: Saka isa pa, kahit na ma-boastful ka minsan, may ipagmamayabang ka naman talaga diba? Saka para sa akin, ikaw na ang pinaka-mabait at pinaka-malambing na boyfriend sa buhay ko! Eh, ikaw naman? Anong gusto mo sa isang babae?

RYOMA: Ako?? Um… ‘Yung cute din. ‘Yung madi-disiplina ako at matuturuan ako ng tama kong gawin, ‘yung kaya kong ipagyabang sa lahat at siyempre ‘yung loves din ako. Siyempre, ‘yun ang mga traits mo. Hehe! Ikaw huh? Masyado mo na kong dina-down kaya… Heto ang sa’yo!!!

Kiniliti ni Ryoma si Sakuno to death… Hehe ^^

PRINCE OF TENNIS PART 1 (FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon