Episode 15

139 4 0
                                    

EPISODE 15 (ANG KALOKOHAN)

Ito ang pinaka-makulit na araw para sa team ng Seigaku. Ang nag-plano nito ay walang iba kundi si…Oops! Bibitinin ko muna kayo huh?

Intro: Isang bakanteng araw na naman ang nakalaan sa team ng Seigaku kaya naman wala silang magawa at ang napagdiskitahan ay si Ryoma. Sa tennis court sa Seishun sila nag-usap.

INUI: Halikayo. Assemble! May meeting tayo!

KIKOMARU: Inui, ano namang meeting ‘yan?!

INUI: For today, may pag-ti-trip-an tayo. May napansin ba kayo kung sino ang wala dito?

Linga-linga ang lahat sa kanilang tabi.

MOMOSHIRO: Si Echizen? Kung ganu’n, siya ang pag-ti-trip-an natin?

INUI: Tama ka diyan, Momo. Gagawa tayo ng set-up para sa kanya.

KIKOMARU: Mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko diyan sa binabalak mo, Inui.

INUI: ‘Wag ka na lang mag-reklamo, Eiji. Ano? Sasali ka ba o hindi?

Hindi na kumibo si Eiji at nagpatuloy sa pagsasalita si Inui.

INUI: Okay, ituloy na natin ang meeting. Una, kunwari, may practice tayo ngayon at kakalabanin niya tayong lahat. Kapag napansin na niyang siya lang ang lumalaban laban sa atin, pagtulungan natin siyang painumin ng Inui juice at pakainin ng wasabi sushi. Kapag nakatulog na siya, dalhin natin siya sa dressing room at doon natin siya hubaran ng pang-itaas at lagyan natin ng yelo ‘yung mga tagiliran niya. Tapos, mag-make-up tayo ng nakakatakot na character para tumakbo siya palabas. Tapos, may i-a-assign ako na magtuturo sa kanya kung nasaan tayo at ikaw ‘yun, Momo. Then, maglalagay tayo ng net na malaki para ma-i-trap si Echizen doon at kapag nakita siya ni coach sa hitsura niya, siya ang mapapagalitan at ma-su-suspend. Okay?

FUJI: Hindi kaya tayo ang mabaligtad niyan, Inui?

INUI: ‘Wag kang mag-alala, Fuji. Ayon sa kalkulasyon ko, 98% na si Echizen ang mapapagalitan at hindi tayo. Okay, simulan na natin!

Nangyari ang lahat ng ipinlano ni Inui. Sa huling patibong, naapakan niya ang isang lubid at na-trap siya sa isang net at nakabitin sa isang puno. Napadaan doon si Coach S kasama si Sakuno.

COACH S: O! Echizen! Anong ginagawa mo diyan at ganyan ang hitsura mo?!

RYOMA: Um, coach. Na-trap po ako dito kasi pinag-trip-an po ako ng mga senpai ko.

SAKUNO: AHH!! Ano ba ‘yan, Ryoma?! Naka-topless ka pa!

Sabay takip sa kanyang mukha ng dalawang kamay.

RYOMA: Uh, Sorry! Hindi ko namalayan na pati ‘yung damit ko hinubad nila.

COACH S: Humanda sila sa akin! Tatawagan ko sila at i-su-suspend!

Narinig ng lahat iyon, dahil nakatago lang sila sa mga bush para tingnan ang mangyayari, pero ng marinig nila ‘yun, tumakas sila kasi ayaw nilang mahuli.

PRINCE OF TENNIS PART 1 (FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon