EPISODE 16 (ANG IDOL!?)
May isang babaeng humahanga kay Ryoma, ka-schoolmate niya ito at ka-year, Minami ang pangalan niya. Uwian time sa school..
RYOMA: Sige, senpai-Momo! Mauna na ako sa’yo! Bye!
Nang maglalakad na palabas si Ryoma, may sumalubong sa kanya.
MINAMI: Hello po, Ryoma Echizen!
RYOMA: Um, hello.
MINAMI: Ako po pala si Minami. Um, ako po ay fan ninyo. Hinahangaan ko po kayo kasi, ang graceful po ng performance ninyo sa lahat ng mga laban ninyo at ang cute niyo po kasi eh. Hihi!
RYOMA: Uh, ganu’n ba? Thank you huh?
MINAMI: Puwede po bang humingi ng favor?
RYOMA: O, sige. Ano ‘yun?
MINAMI: Eh kasi po, gusto ko pong makita ‘yung laban niyo ni senpai-Fuji. Kasi po, gusto ko pong malaman kung sino po ang mas magaling sa inyo. Pwede po bang ako na rin ang mag-set ng laban niyo? Tapos, ako na rin po ang magiging umpire niyo.
RYOMA: Okay, sige. Kailan?
MINAMI: As soon as possible po.
Sinabihan rin ni Minami si Fuji tungkol dito bago niya ito sinabi kay Ryoma at pumayag din ito. Dumating ang araw ng kanilang pagtutuos. Sumama si Sakuno para panoorin ang laban nila. Ang resulta ng kanilang laban ay…
MATCH RESULT
ECHIZEN FUJI
1ST MATCH WINNER LOSER
ADVANTAGE 40
2ND MATCH WINNER LOSER
40 30
3RD MATCH LOSER WINNER
15 40
4TH MATCH LOSER WINNER
40 ADVANTAGE
5TH MATCH WINNER LOSER
40 30
6TH AND FINAL WINNER LOSER
ADVANTAGE 40
MINAMI: Ang nanalo ay si Ryoma Echizen! Whoohoo! Idol ka talaga!
FUJI: Thanks sa laban, maganda ang ipinakita mo, Echizen.
RYOMA: Salamat din, senpai-fuji!
Nag-shake hands po sila at umalis na si Fuji. Lumapit si Minami kay Ryoma.
MINAMI: Idol, bilang pasasalamat, pwede po ba kitang i-treat kasama si Sakuno?
Tumingin muna si Ryoma kay Sakuno na noon din ay kasama niya. Then, lumingon din ito agad kay Minami.
RYOMA: Okay. Walang problema sa ‘kin.
Nang makarating sila sa kainan, um-order na agad sila ng makakain.
SAKUNO: Hmmm… Ang sarap naman ng soup nila dito!
MINAMI: Salamat naman at nagustuhan mo!
Nag-enjoy lang silang kumain at nag-kwentuhan lang ang dalawang girls while on their way pauwi.