Episode 8

186 6 0
                                    

EPISODE 8 (ANG PAGPAPANSINAN)

Walang pasok ngayong araw na ito. Tanghali na naman nagising si Ryoma---as usual. Pagkagising niya, kumain at nag-prepare siya ng kanyang sarili. Nakabihis siya ng tennis uniform ng Seigaku. Palabas na sana siya ng kanilang bahay ng makita siya ng kanyang tatay..

NANJIRO: O, saan ka naman pupunta?

RYOMA: Uh… May practice kami ngayon. Kaya---

Tumakbo palabas si Ryoma at hinabol naman siya ng kanyang tatay.

NANJIRO: R-ryoma!!! Sandali lang!!!!

Hindi na rin nito nahabol si Ryoma dahil hiningal na siya sa kakahabol rito.

Si Ryoma naman nakasalubong sa daanan si Kaido.

KAIDO: Uy, ikaw pala, Echizen! Saan ka pupunta?

RYOMA: Uh, senpai-kaido, ikaw pala. Uh… Mag-jo-jogging? Oo! Mag-jo-jogging nga pala ako! Haha!

Nakita niya ang isang malapit na tennis court at ito ang ginawa niyang panibagong alibi.

RYOMA: Uh… Mag-pa-practice pala ako! Sige, senpai! Mauna na ako sa’yo!

Kumaripas ng takbo si Ryoma at nagtago sa isang puno at tinanaw si Kaido mula doon. Bago siya lumabas, Tiningnan niya muna kung wala na ito.

Nang hindi na niya ito matanaw, tumakbo siya ulit papunta na sa kanyang destinasyon—sa bahay nina Sakuno.

Nakarating siya doon at nag-doorbell na siya. Si Sakuno ang nagbukas ng pintuan at nagulat ito ng makita kung sino ‘yung nasa labas ng kanilang tahanan…

SAKUNO: R-ryoma! Andiyan ka pala! A-anong g-ginagawa mo rito?

RYOMA: Um, ano… Um… Magbihis ka na lang ng maayos at pupunta tayo sa tennis court na pinag-practice-san natin noon.

SAKUNO: Uh, o, sige. Eh ano namang gagawin natin dito?

RYOMA: Wala naman tayong gagawin dito eh. Bilisan mo na nga lang at ‘wag ka nang maraming tanong. Hindi naman kita ki-kidnap-in eh!

SAKUNO: Uh, okay.

Wala na lang nasabi si Sakuno at sumunod na lang sa iniuutos ni Ryoma.

Habang naglalakad papuntang tennis court, nag-usap na sila.

RYOMA: Um, sa totoo lang Ryuzaki, wala naman talaga akong balak na mag-practice kasama mo doon sa lugar na ‘yun eh. May gusto lang akong sabihin sa’yo........... Okay lang sa akin ‘yung mga nasabi mo noon. It’s not a big deal to me.

SAKUNO: Ryoma, pasensiya ka na sa mga ginawa ko noong araw na ‘yun sa’yo. Kasi, sa sobrang pag-aalala ko sa’yo kaya, nasabi ko ‘yung mga bagay na ‘yun.

RYOMA: Okay lang ‘yun,! Kahit ano pang dahilan. Siya nga pala, as a peace offering, niyaya kitang lumabas bukas ng hapon. Pwede ka ba?

SAKUNO: Oo naman siyempre. Payag ako diyan! Sige. ‘yun lang ba?

RYOMA: Oo, ‘yun lang. Um, sige. Aalis na ako. Salamat sa pagsama mo sa akin.

SAKUNO: Okay lang ‘yun. Sige, mag-ingat ka.

Pagkatapos ng maikling pag-uusap, bumalik na sila sa kani-kanyang tahanan.

PRINCE OF TENNIS PART 1 (FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon