EPISODE 28 (ANG TOP 1)
Diba may mga top students naman sa bawat grading period at bawat klase? Kaya, eto. Ipinaskil na nang bawat adviser ng bawat klase ang mga nangunang estudyante sa kanilang pangkat. Sa 1st year class 2…
TOP 10: yachiko
TOP 9: seono
TOP 8: chio
TOP 7: suchiko
TOP 6: tomoka
TOP 5: kachibo
TOP 4: kachika
TOP 3: horio
TOP 2: minami
TOP 1: sakuno
Sa klase naman nina Ryoma, wala siyang nakuha. Lumabas na lang siya ng room nila. Nakita naman siya ni Sakuno kaya sinundan siya nito.
SAKUNO: Ryoma!
Tumigil si Ryoma sa paglalakad.
SAKUNO: Ryoma, bakit parang hindi mo ata kasama ang tatay mo?
RYOMA: Um, hindi kasi siya makakapunta ngayon kasi, busy siya.
Pag-de-deny ni Ryoma without looking at Sakuno na nasa likuran lang niya. Bigla namang lumabas ang tatay ni Sakuno mula sa room nila.
MR. RYUZAKI: Congratulations, anak! Top one ka ulit! Magpapa-house party tayo mamaya sa bahay huh?!
SAKUNO: Oo, sige po!
Paalis na si Ryoma nang naibulong niya ito sa sarili..
RYOMA: Hay naku! Hindi na naman ako kasama sa top! Haay…
Nasa likuran niya pala si Horio na kakalabas lang ng room nila kaya narinig nito ang sinabi niya.. Pinagtawanan siya nito na pang-asar.
HORIO: Ahahahaha! Hindi ka na naman nakasama sa top kasi, absent ka ng absent dahil sa focus mo ang tennis! Bleh!
Hindi naman siya pinapansin at kinakausap ni Ryoma. Nagpatuloy si Ryoma sa kanyang paglalakad.
RYOMA: Hmp! Makaalis na nga dito! Ang ingay-ingay!
HORIO: Hoy, Echizen!!! Sa’n ka pupunta?! Parang ‘yun lang naasar ka na?!
Ni lingon hindi ginawa ni Ryoma at tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad.
RYOMA: Wala ka nang pakialam du’n!!!
Then uwian time… Hinanap ni Sakuno si Ryoma at nakita niya itong papalabas na ng school gate. Tumakbo siya para habulin ito.
SAKUNO: Ryoma!!!
Tumigil naman si Ryoma sa paglalakad at nilingon si Sakuno. Nu’ng makalapit na si Sakuno sa kanya.
RYOMA: Oh, why? What’s the hurry? Mukhang may sasabihin ka uh?
SAKUNO: Oo! Tama ka diyan! May sasabihin nga ako sa’yo! Punta ka sa bahay namin mamaya.
RYOMA: Bakit? Ano’ng gagawin ko du’n?
SAKUNO: Kasi, may konting celebration lang sa pagiging top one ko, kaya ‘yun! Punta ka mamaya huh?
RYOMA: Sige, titingnan ko na lang.
Naka-uwi naman si Ryoma at nagmadali siyang magpalit.
NANJIRO: O, Ryoma! Andiyan ka nap ala?! Mukhang may lakad ka uh? Nagmamadali?!
RYOMA: Huh? Paano mo naman nalaman?
NANJIRO: Wala lang. Feeling ko lang. Nagmamdali ka eh.
RYOMA: Oo na tatang. Pupunta ako sa bahay nina Ryuzaki. May party daw du’n eh. Inimbitahan niya ko.
Nagsusuot na si Ryoma ng sapatos nu’n..
NANJIRO: Uuy… Party daw o? Eh hindi ka naman mahilig sa mga ganu’ng party ‘no?! Sinong niloko mo? Party ka diyan? Date ‘yun ‘no?! Aminin! Binata ka na talaga!
RYOMA: Bahala ka! Isipin mo kung anong gusto mong isipin!
Binalagbag ni Ryoma ang pinto saka umalis.
Dumating ang time ng party. Everyone’s invited pwera lang ‘yung mga hindi kilala at ka-close ni Sakuno.
Dumating rin naman si Ryoma, medyo late nga lang kasi nagsimula na ang party. Nagpalinga-linga siya while his hands are inside his pockets.
RYOMA: Huh??? Nandito rin pala sina senpai?
Si Sakuno naman, napansin na niya si Ryoma kaya agad siyang lumapit dito.
SAKUNO: Uy, Ryoma! Nandito ka na pala! Thank you sa pagpunta mo sa party ko huh?
Biglang singit naman nina Momo at Eiji…
MOMO: Uy, Echizen! Imbitado ka rin pala?
Siniko naman siya ni Eiji.
EIJI: Hmm… Mukhang alam ko na kung sino ang nang-imbita sa kanya? Si..
Nginuso niya si Sakuno sabay naman na nagtawanan si Eiji at Momo kaya nagtaka si Ryoma at Sakuno.
Nagsimula ang party hanggang sa natapos. The end. ^^