Episode 3

445 10 0
                                    

EPISODE 3 (ANG PAGKAKAKILALA NI RYOMA AT SAKUNO)

Naglalaro si Ryoma ng Tennis ng mag-isa sa liblib na parte ng isang park ng umaga. Hindi inaasahan ni Sakuno na makikita niya ito rito. Hindi rin inaasahan na schoolmate pala niya ito. Kasama ni Sakuno si Tomo ngayon, Tomaka Osakada ang best friend niya. Lumapit sila ng kaunti sa lugar kung saan naglalaro si Ryoma ng hindi nag-iingay at hindi nagpapahalata. Biglang tumigil si Ryoma sa paglalaro at ipinatong ang tennis racket niya sa kanang balikat niya at saka hinawakan sa dulo ang sombrero niya.

RYOMA: Hindi ako makapag-concentrate kapag may nakatitig sa akin ng patago. Sino ba kayo? Labas!

Nagulat silang parehas ni Tomo dahil sa lakas ng pakiramdam ni Ryoma. Biglang lumabas si Tomo sa damuhan at ngumiti ng pagkalaki-laki at nag-hi kay Ryoma, dahilan para naman magulat si Ryoma.

TOMO: Hi! Ikaw pala. Kamusta ka?

RYOMA: Sino kayo?! Um, sorry mga miss, pero hindi ako nakikipag-usap sa mga hindi ko kilala eh. Bakit niyo ako pinapanuod diyan?

TOMO: Ako nga pala si Tomoka Osakada at ito naman si Sakuno Ryuzaki. Kaya ka lang namin pinanood kasi… Wala lang? Ang galling mo kasing maglaro eh.Hehe!

Hinatak ni Tomo si Sakuno sa tabi niya at nag-wave “Hi!” it okay Ryoma ng may pilit na ngiti. Si Tomo naman, humahanap pa ng mga salitang puwede pang ipalusot.

Nu’ng Makita ni Ryoma si Sakuno…

RYOMA: Uh, oo. Nakita ko na siya.

Ang tinutukoy niya ay si Sakuno. Si Tomo naman naka-tiyempo na tanungin si Ryoma.

TOMO: Hindi ba’t Ryoma ang pangalan mo? Ry-o-ma Ec-hi-zen, hindi ba? At bagong transfer ka lang dito hindi ba?

Napakamot na lang sa ulo si Ryoma at tila nabigla sa sunud-sunod na tanong ni Tomo.

RYOMA: Parang ang dami mo na yatang alam tungkol sa akin, huh? Paano mo naman nalaman na ‘yun ang buong pangalan ko at bagong lipat lang ako dito?

Nagtaray-tarayan si Tomo at mukhang hindi niya kayang sagutin ang mga itinatanong sa kanya ni Ryoma.

TOMO: Eh kasi naman po ‘no? 1st year pa lang rin po kami and at the same time nasa iisang school lang po tayo nag-aaral at nag-spread agad ang news about sa mga nakapasok at qualified applicant ng school sa try-out ng tennis club’no?! So that means, kaya ka namin nakilala ay dahil isa ka roon sa mga qualified na applicant sa try-out at nag-iisang “1st year” lang naman na nakapasa doon at naging miyembro ng boys tennis club ng Seishun gakuen—Seigaku.

RYOMA: Whoah! Totoo ba ‘yan? Ibig sabihin sikat na pala ako agad? Tama naman ‘yung mga impormasyong nasagap mo. Ang dami mo na kasing alam sa akin agad eh, “miss”. At isa pa. Masyado kang madaldal at maingay.

Napahiya yata si Tomo sa compliment ni Ryoma sa kanya at biglang nagngitngit, naningkit ang mga mata at namula na siya na parang sasabog sa sobrang inis kay Ryoma.

TOMO: Hindi ko akalaing sobrang yabang mo pala! Hmph! Diyan ka na nga! Halika na, Sakuno! Baka maisumbong ko pa ‘yan kay Coach! Hmph!

Simangot na hinatak ni Tomo si Sakuno palayo kay Ryoma at paalis sa lugar na ‘yun. Pero, habang naglalakad na sila palayo, nagparinig pa rin si Ryoma at tila nang-iinis pa.

RYOMA: Okay! Mayabang na kung mayabang! Gusto mo samahan pa kita kay Coach eh!

Lumingon si Tomo pabalik kay Ryoma sabay behlat dito.

PRINCE OF TENNIS PART 1 (FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon