Chapter 6: Third Tip

33 1 0
                                    


Hanggang ngayon hindi ko pinapansin si Tristan. Nakakainis siya. Ang lakas ng loob niyang sabihin yun sa harap ni Aaron at sa harap ni Angel.

On the other hand, nakalusot naman si Tris. He said it's a fictional character na kinaadikan ko sa Wattpad. Hays.

"Galit ka pa?" 2 days na kami dito sa Baguio, at 2 days ko ng di pinapansin si Tristan.

"Hindi." Tumayo na ako at sinuot yung slippers ko. Nasa parang damuhan kasi kami at mas masarap pag nakapaa dahil feel na feel mo.

Tatalikod na sana ako ng bigla akong yakapin ni Tris. Nagulat ako kaya tinulak ko siya pero masyado siyang malakas kaya hindi ko kaya.

"Don't you dare to look back, Jade. Don't you dare. Just don't." Kinabahan ako hearing his voice. Parang seryosong galit. Hala, nacucurios tuloy ako.

Pinilit kong kumawala sa kanya at tumingin sa likod.

"Sana pala nakinig nalang ako sayo. Pasaway ko." I fake a laugh at mabilis na naglakad palayo.

Aaron and Angel kissing.

How sweet.

Tumakbo ako palayo hanggang marating ko ang isang mataas na view. Umupo ako sa lapag at niyakap ang tuhod ko.

Pinikit ko ang mata ko habang dinadamdam yung masarap na hangin na tumatama sa balat ko.

Sabi ko, hindi na ako ulit masasaktan. Ang sabi ko, sasanayan ko nalang yung sarili ko sa sakit hanggang makuha ko ulit si Aaron.

Pero ba't ganito? Bakit sobrang sakit pa din? Bakit ang sakit sakit sakit pa din?

Huminga ako ng malalim at hinayaan kong tumulo ng unti-unti yung luha ko.

Dapat ako yun eh.

Dapat ako yung kahawak kamay ni Aaron eh.

Dapat ako yung kayakap niya.

Dapat ako lang yung humahalik sakanya eh.

Napahikbi ako habang iniisip ko yung mga bagay na dapat ako yung gumagawa. Ako lang dapat.

Kaso iba na gumagawa ngayon.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Di ko minulat ang mata 'ko at hinayaan ko nalang. Si Tristan lang naman yan.

Napabuntong hininga naman ako. Gaya nga ng sinabi ko, sobrang swerte ng magiging girlfriend ni Tristan.

Tristan got all the positive attitudes, positive lahat ng meron siya. Kaya sobrang swerte ng mamahalin niya.

Hindi ko man masabi pero halata namang sobrang komportable ako kapag kasama ko siya. Ramdam kong safe ako kapag kasama ko siya. Halatang gusto niya akong protektahan.

Hindi naman kami masyadong close ni Tristan way back in High School. Sakto lang. Di tulad ngayon, sobrang close na ata namin to the point na para kaming magsyota.

Like duh. Alam ko ang mga type ni Tristan. Alam ko din na hindi niya ako magugustuhan dahil alam din naman niya gaano ko kamahal si Aaron eh.

Minulat ko ang mata ko at nilingon si Tristan.

"Tristan-" Napatigil ako ng hindi siya ang makita ko. Naramdaman kong naghabulan ang mga tibok ng puso ko. Halos mapatalon ang nang siya ang nakita ko sa harap ko.

"A-Aaron?" Nakapikit pa din siya at seryoso lang na nakaupo at yakap din ang mga tuhod.

Aaron never changed.

Ganun pa din talaga siya. Ganun pa din ang itsura niya.

Mas tumangkad, pumuti at mas nagmatured lang ang itsura niya.

Aaron is still the Aaron I've met.

Hindi pa din siya palangiti at cold pa din siya lahat.

I still remember na sa akin lang siya nagiging sweet at malambing.

Iniwas ko ang tingin ko ng dumilat siya. Walang nagsasalita sa amin. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.

"Kayo pa din pala ni Tristan 'no?" Napabuntong hininga ako at kinagat ang labi ko. Sumikip nanaman ang dibdib ko. Sa 'twing naririnig ko ang boses niya.

Why did he ask? Para saktan ako?

"Walang kami." Seryosong sagot ko sakanya. Hindi siya sumagot.

"Anong wala?" Napatingin ako sakanya ng seryoso. "You choose him over me, Miracle. Tapos walang kayo? Kalokohan." Dagdag niya pa.

Gusto kong magsalita. Gusto ko siyang sagutin pero parang nanuyo yung lalamunan ko. Gustong gusto kong sabihin na may dahilan ako kaya ko siya hiniwalayan. Pero hindi ko ata kaya. Naiiyak ako.

Pinunasan ko agad yung luhang nagbabadya ng tumulo.

Hindi niya ako pwedeng makitang umiiyak.

"I have my reasons, Aaron." Yun nalang ang nasabi ko. Tumayo na ako atsaka huminga ng malalim.

"Ask your Mom why did I dumped you, Aaron. Wag ako."

Iniwan ko siya dun na nakatulala. Naglakad na ako palayo sakanya.

Lahat ng sakit, lahat ng sakit bumabalik. Ayoko na... tama na.

-

Pagkatapos na pagkatapos ng second team building namin, bumalik na agad ako sa loob ng hotel. Pero bago pa ako makapasok, may nakita akong yellow paper sa pinto.

"Third tip for Oplan: Be Mine Again. Read at your own risk."

Napataas ang kilay ko ng kunin ko yun. Hanggang dito? Ibig sabihin, alam niya ang room ko. It means kasama sa retreat ang nagbibigay ne'to.

Medyo creepy kaya kinilabutan ako. Pumasok na ako sa room at doon ko binasa ito.

"Third tip. Medyo maikli lang ito dahil ito ay unang hakbang para mabalik ang atensyon niya sayo. Make him/her smile. :) Isipin mo yung bagay na nakakapagpangiti sakanya nung kayo pa. Then do it and make sure he/she will smile."


Humiga ako sa kama at nag-isip isip. Sabagay, tama nga yung tip. Kailangan mapangiti ko ulit si Aaron. Never ko pa kasing nakitang nakangiti si Aaron kapag kasama si Angel. Hmm.

Dati ako lang nakakapagpangiti sakanya eh.

"Ba't ba hindi ka ngumingiti, baby? Bakit ang sungit mo sa lahat ng babae bukod sakin? Bakit ang taray taray mo?" Tanong ko kay Aaron habang nilalaro ang kamay niya.

"Syempre naman baby. Gusto ko ikaw lang yung babae ko. Tsaka ayoko nga, magselos ka pa. Etong ngiti ko, exclusively for my Baby Miracle lang 'to." Sabi niya sakin habang nakangiti ng sobrang lawak na labas lahat ng ngipin. Ang sweet talaga ng baby ko.


Napangiti ako habang inaalala ko yung mga dating memories na kasama ko pa si Aaron.

Kelan kaya ulit mangyayari yun?

Umupo ako ng indian seat sa kama at ngumuso. Ano nga ba yung nakakapagpangiti kay Aaron noong kami pa?

Isip, Mira. Isip...

AHA!!

"Kapag nagbe-baby talk ako sa harap niya." Nakangisi kong bulong habang tumatango.


Well, I will make you smile Aaron. Watch and learn. Hmm.

--

oplan: be mine again [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon