Umupo ako sa kama at tinignan si Tristan na natutulog sa tabi ko. Nakatulog na siya, pagod pa din siguro siya kahit na ilang araw siyang tulog.Napangiti ako.
Mahal ko na talaga siya.
At masaya ko, kasi finally, naaamin ko na. Hindi lang kay Tristan, pero pati sa sarili ko.
Nakatakas na ulit ako sa kaduwagan ko.
"Mahal kita..." bulong ko kay Tristan kahit na alam kong hindi niya maririnig dahil sa himbing ng tulog niya.
Yumuko ako para ayusin yung buhok niya na kanina pa gulo gulo.
Literal na ginapang ako ng gagong 'to. Huhu. Muntik na yun. Siraulo 'tong Tristan na 'to, pasalamat siya mahal ko siya.
Tatayo na sana ako kaso nagulat ako ng may apat na taong nakatayo sa pintuan ngayon. At halatang gulat na gulat.
Si Angel. Zia. Aaron. At Anna.
Hmm....
"So, all this time, magkasama kayong dalawa dito sa kwarto? Na kayong dalawa lang?! SA IISANG KAMA?!" Bigla akong namula dahil sa sigaw ni Zia sakin.
"H-hindi-"
"Anong nangyari? Bakit tulog yan? Ano? Napagod ba? Bilis ninyo ha." Natatawang sabi naman ni Aaron kaya hinampas siya ni Angel sa balikat.
"Miracle.... omg?" React naman ni Angel.
Tinaasan ko sila ng kilay at sinamaan ng tingin.
"Ang dudumi ng utak ninyo, mga hangal!" Sigaw ko sakanila at tumayo sa pagkakaupo ko sa kama. Kinuha ko yung kumot sa gilid ni Tristan at ikinumot 'to sakanya.
Siguro, dito nalang siya sa kama ko tapos dun nalang ako sa dapat na kama niya.
"Oh my God, Mira! Magkwento ka! What happened?!" I just rolled my eyes on Zia. Isinuot ko yung tsinelas ko at naglakad palabas ng kwarto.
Ayoko mag-explain sakanila dahil hindi ko rin naman talaga alam kung anong i-eexplain ko.
Nag-stay ako sa kaninang hinihigaan namin sa rooftop. Gusto ko muna mag-isa. I smiled. Sana ganito nalang palagi. Sana ganito nalang ako kasaya. Napapagod na kasi akong umiyak. Napapagod nakong maging malungkot.
Pwede naman nakong sumaya diba?
"Hey." Napalingon naman ako sa lalaking umupo sa tabi ko.
"Oh, Aaron." Magkatabi kami ngayon ni Aaron. Hindi siya sumagot at nanatili lang kaming tahimik dalawa.
Pumikit ako at pinakiramdaman ang ihip ng hangin. Ang lamig. Sarap sa feeling.
"Mira?" Dumilat ako at tumingin kay Aaron. Nakatitig siya sakin ngayon habang nakangiti.
I miss those smiles.
"Hmm?" Nakangiting tanong ko.
"Nothing." He said at umiwas ng tingin. Pero hindi pa din nawawala ang ngiti niya sa labi niya.
"Aaron." Tawag ko sakanya. "Pwede bang magkwento?"
Lumingon siya ulit sakin bago tumango. "Oo naman, namiss ko nga mga kwento mo eh. Namiss kita."
I chuckled. Lumapit siya sakin, hiniga ko naman ang ulo ko sa balikat niya.
"Ang tanga ko pala dahil pinakawalan kita, 'no?" Sabi ko. Naramdaman ko naman ang kamay ni Aaron sa balikat ko. Narinig ko ang mahihina niyang tawa.
"Pero sabi nga nila, everything happened for a reason." I smiled.
"Siguro kaya kita pinakawalan, kasi may dadating. Totoo pala yung, people come and go 'no? Yung kapag may nawala sayo, biglang may dadating na bago. Hindi man kagaya nung una, pero kasing-worth it nung una." Humigpit ang kamay ni Aaron sa balikat ko. Ipinikit ko ang mata ko.
"Nung una, it was painful. Too much painful to handle. Sobrang sakit. I did a lot of stupid things para lang bumalik ka sakin," napahinto ako at bahagyang natawa. Bwiset na oplan yun kapag naaalala ko. "...pero nung tumagal, narealize ko na, may reason naman pala kung bakit tayo nagkahiwalay. Kasi makikilala mo yung anghel mo. Tapos makikilala ko yung siraulong lalaking yun." Sabay kaming natawa.
Aaron clears his throat. "Nung una, Mira. I was so wasted. Sobrang nabaliw ako nung nawala ka. Nung iniwan moko? It feels massacre. I felt so dead. Para bang, ang sarap sarap nalang mamatay?" Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya.
Nakangiti siya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko. "I feel so empty nung iniwan moko. Nung nakipaghiwalay ka, sabi ko, wala kong ibang gusto kundi magkabalikan tayo. Sabi ko, ikaw lang yung gusto ko makasama habang buhay eh."
Naramdaman kong uminit ang gilid ng mata ko.
"But Angel came. Siguro nga tama ka, tama ka kasi, may taong dadating sa buhay mo. Dadating sa buhay mo para iparealize sayo na lahat ng bagay nangyayari kasi may dahilan."
Aaron looks at me, he hugged me. And I hugged him back.
"I'm so thankful na nakilala kita, Aaron. Alam mo yan. You were the best thing happened in my life."
"Ako din, Mira. Keep that in mind. Keep in your mind na kahit may mahal na akong iba, at may mahal ka ng iba. Kahit na may Angel nako at may Tristan kana, tatandaan mong, ako pa din 'to, ako pa rin yung Aaron mo. Ikaw pa din yung Miracle ng buhay ko."
Huminga ako ng malalim at tumango.
Buong akala ko, hindi nako makakatingin kay Aaron ng hindi nasasaktan. Pero ngayon, ramdam ko sa puso't isip ko, kaya ko na. Kaya ko na ulit tumingin sa mata niya ng direcho. Na wala na yung sakit. Na wala na lahat ng regrets ko. Na lahat ng memories namin, hindi nako ha-hunting-in. Kasi kahit memories nalang yun, ite-treasure ko yun. Na kahit memories nalang yun, hindi ko na kailangan pang masaktan.
Kasi tanggap ko na.
Tanggap na naming dalawa.
Na hanggang dito nalang kami.
Kasi kailangan na naming magsimula ng panibagong daan.
Kasama yung mahal naming dalawa.
Dahan dahan kong binuksan yung pintuan ng master's bedroom dahil baka magising yung mga natutulog. After namin mag-usap ni Aaron, pumasok na rin siya kaagad dahil baka hanapin daw siya ni Angel.
Samantalang ako, nag-stay ako ng mga 30 minutes dun sa rooftop. Hindi ko alam kung anong oras na, siguro madaling araw na rin.
Hindi ako makaramdam ng antok, siguro masyado akong overwhelmed sa nangyari ngayong gabi na 'to.
Agad akong umakyat sa kama na pinagigitnaan ng kama ni Aaron at Tristan dahil nakatulog na nga si Tristan sa kama ko.
"Hey." Nilingon ko kaagad yung tumawag sakin. Mahinang boses lang.
"T-Tristan?"
"Come here. Wag ka sinabi dyan eh. Dito ka," napanguso naman ako at dahan dahang tumayo at pumunta dun sa kama ko kanina.
Gising pala siya.
"Oh, alis na. Matutulog nako. Lipat ka na dun." Utos ko kay Tristan na nakahiga pa din sa kama ko hanggang ngayon.
Nagulat ako ng hatakin niya ako pahiga sa tabi niya. Pinigilan ko namang mapatili dahil baka magising yung tatlo.
"Who told you na hindi tayo magkatabi?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Tristan.
"Shut up! Lipat na dun!" Mahinang bulong ko sakanya.
Inayos niya ang higa ko kaya magkatabi na kaming dalawa ngayon. Hindi siya sumagot, instead, kinumutan niya ako ng maayos at niyakap ng mahigpit.
I burries my face sa dibdib niya. Naramdaman ko naman ang labi niya sa tuktok ng ulo ko.
"Matulog kana, Jade."
Napangiti ako at pinikit ang mata ko.
"Goodnight. Mahal na mahal kita, buhay ko."
Huling sinabi niya bago ako tuluyang makatulog.
BINABASA MO ANG
oplan: be mine again [ONGOING]
Jugendliteraturi signed that contract just because i want him back. little did i know, the moment i signed that contract, my life turns into ups and downs. // narration novel. started: december 2017 ended: ©plagiarism is a crime. -blxckpxarl | ree